IKATLONG KABANATA

94 7 1
                                    

IKATLONG KABANATA

                Sino nga ba siya? Bakit ko nga ba siya iniiwasan? At bakit nga ba di ko masabi-sabi kung sino sya? Yan ang ilang ulit ko ng tinanong sa sarili ko noon pa. Again, bakit ko nga ba sya iniiwasan?

                Miss Reyes. High school pa lang kami, yan na ang tawag nya sakin. Never did he mention my name. As in never. Yes, classmates kami at kung hindi nga naman ako sinuswerte, seatmates kami. At dahil yun sa kadahilanan na Reyes din ang apelido nya. Akala nga nila magkapatid kami—fraternal twins kung baga—akala din nila magpinsan kami, pero hindi. We’re not even relatives as a matter of fact. Ka-Reyes ko lang siya. Period. Or so I thought...

                We’re academic rivals since first year high school. Siya ang laging topnotcher, at ako, I’m always the second best. Nakakairita, ‘di ba? He’s a Math Wizard, yun ang advantage nya sakin. Oh well, Math will forever be my waterloo. But I’ve tried to surpass him. I make sure na i-practice ang Math lessons namin every day, bago pumasok sa school at pagkatapos ng klase. Nag-improve ako sa Math, unlike before, at sobra kong saya. Napantayan ko na nga ata sya e. Parehas kaming nakakakuha ng mataas na scores sa mga quizzes at test. Pero come to think of it, ako, kaya nakakakuha ng mataas ng scores dahil sa page-effort ko... pero sya, never ko pa syang nakitang nag-review sa Math, he’s very natural. Pero, siguro nga, never ko syang mapapantayan, dahil sya na naman ang topnotcher nung nag-second year at third year kami… siguro kasi, kahit anong gawin ko, mas magaling pa rin sya sa Math sakin.

                Unti-unti ko na ring natatanggap sa sarili ko… na ang pinapangarap kong maging valedictorian ay never na matutupad, siguro kasi, hanggang talagang pang-second best lang ako.

                       Pero, things started to change simula ng mag 4th year kami, napapansin kong parang may nag-iba sa kanya, this is unusual for me, actually, dahil sa paningin ko parang pumopogi ata sya. Bumabagay sa kanya yung ayos ng buhok nya, na-aapreciate ko na rin yung amoy ng pabango nya.. Oh God, I think I’m being attracted to him…

                        Sinubukan ko din naman na iwasan yung attraction na nararamdaman ko sa kanya, inisip ko na lang na parang math lang to, na ma-su-surpass ko din ang feelings na unti-unti kong nararamdaman sa kanya. Pero, mapagbiro ang tadhana, dahil sa paglipas ng araw, lalong lumalakas ang attraction na nararamdaman ko para sa kanya. Dumadating sa point na I can’t even look at him at ‘pag kakausapin nya ako, I’m stuttering, para akong nahihiyang pusa kapag kakausapin nya hindi katulad ng dati, na para akong tigreng any moment ay sasagpangin sya.

                        Napansin ng mga kaklase ko ang pakikitungo ko sa kanya. At simula nun lagi na nila akong tinutukso sa kanya. Ang awkward lang ng feeling. Hindi ko alam kung awkward din para sa kanya, pero feeling ko parang nagugustuhan nya ang nangyayari. Proud pa nga sya—kasi, alam nyo ba, simula nun… ako na si Miss Reyes at siya naman si Mister Reyes.

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon