IKA-SAMPUNG KABANATA
“Duchess, asan pasalubong ko?”
Natigil ako sa paglalakad. Napahawak pa nga ako ng wala sa oras sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ayan ka naman, Dutch!
Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakangiti lang sya sakin. Kitang kita ko ang mapuputing ngipin nya. He has this killer smile. Hinihintay nyang sumagot ako.
“Ahh. Ibibigay ko na lang bukas.” Sabi ko na lang sa kanya, saka agad na naglakad. Na-iwan ko nga si Koreena na natigilan e. Pero maya-maya lang, alam ko nakasunod na sya sakin. Hindi sya kumikibo. Pero alam ko mamaya, magpapakwento ‘to.
Hindi naman kami na-late ni Koreena. Actually, hindi talaga. Kasi, pagkapasok ko sa lecture room, paalis na ‘yung mga blockmates namin. Sabi nila, wala daw si Sir Perez, out of the country. Next week pa daw ang uwi. Oh ang saya ‘di ba?
Paano nga naman kami male-late, wala naman pala yung prof namin sa Social Psychology. Okay lang yan, first day pa lang naman ng pasok e. Grade 1 lang ang peg? Anyways, pag ganito orientation lang naman. 1st year college students lang ang peg.
“Oy, Duchess Reyes. Mag-usap nga tayo.” Sabi ni Koreena. Hindi ko alam kung galit ba sya, o ano. Pero ang seryoso lang ng itsura nya.Hinila nya ‘yung kamay ko saka naman ako sumunod sa kanya.
“Alam mo, Kore, hindi mo naman ako kailangan kaladkarin e. Sasama naman ako sa’yo.” Nakangiwing sabi ko sa kanya, saka nya binitiwan yung kamay ko. Hindi nya pa rin ako tinitignan. Pero nauuna syang naglalakad sakin, ako naman, sumusunod lang. Dinala nya ko sa SB sa tabi ng university.
“Kore, ano bang nangyayari sa’yo?“ agad na tanong ko sa kanya nung nakaupo na kami sa paboritong upuan namin.
“Ano ‘yung kanina, Dutch? ‘Duchess, asan yung pasalubong ko?’” sabi nya, seryoso pa rin ‘yung mukha nya.Sabi ko na nga ba e. Now, explain yourself, Dutch!
“Chill.” Nakangiti ko pang sabi sa kanya, pero inirapan nya lang ako. Aba, maldita! “Alam mo kasi, hindi ko rin alam, best. Promise! Nabigla na lang din ako.”
“Sus, nabigla daw, pero, may pasalubong kay Sir.” Tapos nag-make face sya sakin. Grabeeee. Pigilan nyo ko, sasabunutan ko na ‘tong bestfriend ko.
“Best, wala naman akong ililihim sa’yo e. Alam mo naman ‘yun ‘di ba?” Tumayo ako. Nagtaka naman sya, tapos hinawakan nya yung kamay ko.
“At san ka naman pupunta? Baka nakakalimutan mo, ‘di pa tayo tapos mag-usap.”natawa na lang ako sa sinabi nya. Aynakooo, Koreena. Magka-ugali nga tayo.
“Alam ko po. Mago-order lang ako ng makakain natin, dyan ka lang. Saka ako magkwe-kwento.” Binitiwan nya naman yung kamay ko, saka sya ngumiti sakin. Siraulo talaga sya.
Naiiling na nangingiti na lang ako sa kanya. Kaya naman nang nasa counter na ko. “Ang cute nyo namang ngumiti. Anong order nyo ma’am?” sabi nung crew, mukhang bago lang sya. Nagpasalamat lang ako sa kanya, tapos sinabi ko na sa kanya ‘yung order ko saka nagbayad.
Habang hinihintay ‘yung order ko, umupo muna ako sa isa sa mga upuan malapit sa counter. Hindi ko alam kung paano ko ikwe-kwento kay Koreena si Sir Paris. Kasi alam ko, wala naman akong dapat ikwento. I mean, wala naman meaning yung pag-like nya sa picture ko sa Palawan ‘di ba? Tsaka yung pag-chat nya sakin sa SB sa Baguio. ‘Di ba, wala namang ibig sabihin ‘yon? Aynakooooo. Kinuha ko na din ang inorder ko nung tinawag sa counter yung pangalan ko, saka, bumalik sa upuan namin ni Koreena. Hawak-hawak nya yung cellphone nya, tinignan ko, saka ko nalaman na naglalaro pala sya ng Don’t Tap The White Tile.
“Here you go, ma’am.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Saka ko sinerve sa kanya yung mga inumin at pagkaing nasa tray.
“Oh ano na Duchess?” tanong nya ng makaupo na ko ulit sa pwesto sa harap nya.
“Paano ko ba uumpisahan?” I sighed. Ang hirap naman nito. “Hmm. Basta, wag madumi yang isip mo.”
“Okay. Shoot.” Sabi nya. Nag-aalinlangan may ay nagkwento ako sa kanya.
“Natatanda mo ba ‘yung araw na kinausap ako ni Ma’am Arenillo para sa Quiz Bee?” nakita kong tumango sya. “Bago ‘yun, galing ako sa library at dun ko unang nakita si Sir Paris. Sa’yo ko nga lang din nalaman ‘yung pangalan nya e. Akala ko talaga nung una estudyante sya, kasi, hindi naman sya naka-uniform nun. Sabagay, wednesday nga pala nun, wash day. Tapos, kinagabihan, in-add ko sya sa FB. Paano ko sya na-add? Simple lang, sinearch ko sya sa friend’s list mo. Alam ko naman kasi na friends kayo nun. Mahilig ka sa pogi e. Oh ‘di ba, parang stalker lang?” natatawang sabi ko sa kanya. Natawa din naman sya sa sinabi ko. Aba, totoo naman kaya. “Pagkatapos nun, kinabukasan lang inaccept nya na yung friend request ko. Nung una, hindi naman sya nagla-like ng post ko sa FB e, lately na lang, nung pumunta kami sa Palawan. Halos ng mga pictures kong mag-isa, ni-like nya.” nakita kong nag-smirk si Kore.
“Mahilig talaga sa magagandang babae ‘yang si Sir. Ewan ko lang, bakit nilalandi nya si Ma’am Dueñas. Na-iba. Naiba talaga.” Sabi niya, natigilan naman ako. Tapos sabi nya, “Go on, I’m listening.”
“Syempre para sakin, wala namang ibig sabihin ‘yun. Diyosme. Like lang naman sa FB ‘di ba? Tapos, nung asa Baguio naman, nag-chat sya, nasa SB din ako nun. Nabigla nga ako e. Kasi, ‘di naman kami magkakilala. Tapos alam mong sabi nya? Sabi nya matulog na daw ako. FC lang ‘di ba?” nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti din sya, tapos naiiling. “Sabi ko naman, bawal matulog sa SB. Tapos sabi nya matakaw daw ako. Sabi ko, di naman. Tapos di na sya nag-reply. At di naman ako nag-eexpect na magreply sya. Alam mo ‘yan.” Hindi nga ba? “At kanina nga, ‘yung sinabi nya, di ko ini-expect yun. Nabigla lang din ako sa totoo lang.”
“Aminin mo nga sakin, Dutch, crush mo ba sya? At wag na wag kang magde-deny sakin, magagalit na talaga ako sa’yo.”
Nahihiya man ay tumango ako sa kanya.
“OMG, Dutch! Dalaga ka na nga! I’m so happy for you!” natutuwang sabi nya, hinampas pa nga nya ko e. At tumayo pa sya para yakapin ako. Natawa naman ako sa reaksyon nya, kanina, seryoso, tapos ngayon baliw lang? Bipolar lang ang peg?
Sa totoo lang, hindi ‘yun 'yung reaksyon na inaasahan ko mula sa kanya. Anakngtofu naman oh. Syempre, ang inaasahan ko sa kanya, papagalitan nya ko. Kasi syempre, ‘yung chismis kay Sir Paris at Ma’am Dueñas ‘di ba? Pero mukhang nakalimutan nya na ata. Naiiling na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
De TodoDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.