IKA-LABING ANIM NA KABANATA
Paris Montemayor: Congrats, you look great today, Ms. PACSA.
WHAT?! HOW?! WHY?!
Okay. Relax. Breathe in. Breathe out.
Nagising ang buong diwa ko. Grabe. Alam ko antok na antok na ko e. Anong nangyari? Parang uminom ako ng kapeng barako.
Tinignan ko ulit 'yung nasa screen ng phone ko.
Gosh, is this for real?
Duchess Reyes: Thanks, Sir. But, how did you know?
Paris Montemayor: Secret. :P
Ugh. Secret daw. At may emoticon pa. Nakakaloka talaga. Iniisip ko pa lang ang irereply sa kanya ng marinig ko ulit ang notification sound ng messenger.
Paris Montemayor: Tulog ka na. Alam ko pagod ka. Goodnight.
Hindi ko napigilang hindi mangiti. Gosh, concern sya sakin...
Duchess Reyes: Goodnight. :)
**
"Dutch! Ikaw na talaga! Look, ang ganda-ganda mo!" nakangiting sabi ni Koreena. Tinitignan nya sa iPad nya 'yung mga inupload kong pictures sa FB. "Dapat pala sumama na ko sa Baguio, para nasuportahan ko ang bestfriend ko."Nangiti naman ako sa sinabi nya.
Nasa SB kami ngayon, as usual.
"Oh look, nag-comment si Sir Paris..." binigay nya sakin yung iPad nya. Nagcomment sya sa bagong profile pic ko.
Paris Montemayor: The odds are always in your favor, Ms. PACSA. Congrats!
His words are really profound.
"You're spacing out again, Dutch. Ganyan ba talaga kalakas epekto nya sa'yo?" Then she shooked her head and sighed.
Nginitian ko lang sya saka uminom ng frappe.
Yeah, ganito kalakas ang epekto nya. Hawak nya ang buhay ko, buong-buo.
In just a matter of months.. I fell in love with him.. Iisipin nyo siguro ang dali ko naman atang ma-in love.. But no, I'd rather say na.. madali kasi syang mahalin. He's the man I always wish for...
**
"Good afternoon, Miss Reyes." Bati ni Sir Paris sakin, may hawak-hawak syang dyaryo--Manila Bulletin. I smiled back. Tapos umupo sya sa side ko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa librong hawak ko na nakalapag sa table. Nasa library kami ngayon.
Naramdaman ko na lang na inilalapit nya yung braso nya sakin. Now we're arms to arms. Hindi ko naman pinansin. Tuloy pa rin ako sa pagbabasa. Kahit na, alam kong purposely nyang itinatakip ng dyaryo yung librong hawak ko.
Tinignan ko naman sya. Patay malisya naman sya na parang seryosong seryosong nagbabasa ng Manila Bulletin.
Maya-maya naman ay naramdaman kong hinahawakan nya yung left hand ko.. parang gusto nyang sakupin with his right hand..
Buti na lang at medyo nakatakip yung dyaryong hawak nya. Tumingin naman ako sa paligid namin. For Pete's sake! Hindi nya ba nare-realize na nasa library kami?!
Kung may lilingon sa pwesto namin malamang magtataka sila. Pero buti na lang at halos busy ang mga estudyante sa loob ng library.
And then he held my hand and gently pressed it.
Sir Paris, what the hell are you doing? Sabi ng isip ko. Saka ko sya tinignan. Nakangiti lang sya saka nakangiti sa dyaryong hawak nya.
Gaga! Pakipot ka pa! Alam mo naman sa sarili mo na gusto mo rin.
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.