IKA-SIYAM NA KABANATA
Paris Montemayor: Tulog na.
Oh wag agad masama ang isip ah. May friends din naman silang estudyante. Hindi lang naman ako. Katulad ni Sir LJ at Ma’am Dueñas may mga friends din sila sa FB na kapwa ko estudyante. Remember nung binati sila ng mga co-council ko? Isa kaya sila sa mga cool na profs sa university kung alam nyo lang. Pero ang pinagtataka ko lang, why would he message me. Ni hindi ko nga sya kilala. I mean, di naman kami magkakilala. Di ko nga sya prof ‘di ba? So how come?
Pagkakita ko palang sa pangalan nya, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Grabee. Siguro nga nasosobrahan na ko sa kape. Titigilan ko na talaga, nakakasama sa puso.
Hindi ko alam kung rereplyan ko ba sya o hindi. Sa huli, nireplyan ko din sya, kunsintidor kasi ang aking malanding soul. Naghuhumiyaw ng"Chance mo na yan! Aarte ka pa ba?"
Duchess Reyes: Nasa SB pa po ako e. Bawal matulog dito.
Ibinaba ko na ang cellphone ko saka na inumpisahang basahin ang librong dala ko. Hindi ko naman inaasahang magre-reply pa sya nun. Kasi baka nga naman wrong sent lang. Grabe. Wrong sent, WTF. Parang text lang ah. Maya-maya lang ay narinig ko ang notification sound ng FB messenger.
Paris Montemayor: Takaw.
Takaw daw? FC talaga ‘tong si Sir. Sarap banatan... Banatan ng pagmamahal. Alulululu. Luka-luka lang.
Duchess Reyes: Luh. Hindi naman. Ikaw tulog ka na po.
Oh diba, ang landi lang talaga.
Ibinaba ko na rin agad ang cellphone ko. At itinuloy ang pagbabasa. Pero ang hirap mag-focus. Oh, diba, gusto mo sya? Sige, i-deny mo pa. Kasi naghihintay ako ng reply nya pero hindi na sya nagreply nun. Pero okay lang naman yun, atleast ‘di ba? Grabe, Dutch! Ang babaw lang ng kaligayahan mo.
At dahil hindi na ko makapagconcentrate sa binabasa ko. Inubos ko lang yung inorder ko saka na ko lumabas ng coffee shop. Nagpara ng taxi saka bumalik sa hotel. Para kong timang na nakangiti. Ang lakas talaga ng epekto nya sa’yo.
“Dutch!” sigaw sakin ng bestfriend ko, alam nyo na siguro kung sino, si Koreena. Maka-sigaw, ang aga-aga e. Mabilis syang lumapit sakin, saka ako niyakap. Tapos may kung anong tinitignan sa likod ko. Nagtaka naman ako sa inasal nya.
“Nasan pasalubong ko?” maya-maya ay sabi nya. Pero mukhang disappointed yung mukha nya. Natawa naman ako sa naging reaksyon nya.
“Nasa bahay. Hindi ko dinala kasi pupunta tayo mamaya dun. Birthday ni Mama, remember?” Nakita kong lumiwanag ang mukha nya. Gaga talaga tong bestfriend ko.At oo nga pala, first day po ng klase namin para sa 2nd sem. Nasa hallway palang ako ng salubungin nya ko. Grabeng scene ginawa nya. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. At pasalubong talaga ang hinanap nya, hindi man lang ako kinumusta ‘di ba.
“Ay oo nga pala! Nakalimutan ko, Dutch!” medyo nagtampo naman ako sa kanya. “Joke lang,” nakangiti nyang sabi. “Last week pa kaya ako nakabili ng gift ni tita.”
Ngumiti naman ako sa kanya, saka nagyayang pumunta na sa lecture room kasi baka ma-late kami. Naglalakad na kami papunta sa lecture room ng makita ko si Sir Paris, naglalakad sya papunta sa direksyon namin.
“Hello Sir!” malawak ang ngiting sabi ni Koreena. Ngumiti naman si Sir Paris sa kanya. At ako, hindi ko naman sya tinignan, kunwari ay sa ibang direksyon ako nakatingin, pero alam ko sa peripheral view ko na tinitignan nya ko.
“Tara na, male-late na tayo.” Sabi ko saka hinawakan si Koreena sa braso.
“Bye, sir!” sabi ni Koreena. Diretso lang ang tingin ko, pero ilang hakbang palang ang nagagawa namin ni Koreena ng...
“Duchess, asan pasalubong ko?”
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.