IKA-ANIM NA KABANATA
Kung nagtataka kayo kung bakit nasa harap ko si Sir Paris ngayon, mas nagtataka ako no. Grabe. Bakit nasa harap ko ‘tong gwapong to? Ilang beses ko pang lihim na kinurot yung sarili ko. Napasobra ata ako ng kape kaninang umaga at naghahaluccinate ako ngayon.
“Duchess Reyes… What a pretty name.” nakangiti nyang sabi.
Paano nya nalaman ang pangalan ko? At bakla ba sya? What a pretty name daw.
Nagtataka man ako kung bakit nya alam ang pangalan ko, nginitian ko lang sya saka sya nilampasan. Pero bago pa ko makalabas ng library narinig ko pa syang nagsabing, “See you around.”
Pagkalabas ko ng library. Hindi ko alam anong nangyari sakin, pero kinabahan ako bigla e. Parang bumilis yung tibok ng puso ko. Diyosme. May sakit na ba ko sa puso ngayon? Kailangan ko na bang magpatingin sa cardiologist?
Nakauwi naman ako sa bahay ng maayos. Nagtataka nga si mama kung bakit para akong baliw na nakangiti lang, the whole time na kumakain kami ng dinner.
“Oy, Duchess. Magsabi ka nga sakin ng totoo. May boyfriend ka ba?” diretsahang tanong ni mama sakin. Natawa na lang ako sa sinabi nya.
“Mama, wala po. Atsaka, boyfriend agad? ‘Di ba pwedeng crush muna?” Nailing na lang sakin si mama saka ngumiti na lang din. Habang kumakain ay nagtatanong lang si mama tungkol sa school, tinatanong kung kelan ang midterms namin at kung may kailangan daw ba akong libro para mabili nya. Sinabi ko sa kanya yung mga kakailanganin kong books. Sabay lang kaming natapos kumain ni mama at ako na din ang nag-offer na mahugas ng plato. Nagtataka man si mama sa inaasal ko, ay ngumiti na lang sya. Pagkatapos kong hugasan yung mga platong pinagkainan namin ni mama, pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko at nakatulog ako ng mahimbing ng gabing ‘yon.
“Dutch! Tara SB tayo.” yaya ni Koreena, kakatapos lang ng midterms namin. Ang bilis lang talaga ng panahon. Pumunta na kami sa SB malapit sa university. Actually, suki na kami dito, kilala na kami dito, kaya naman ng makita kami ng guard, agad niya kaming pinagbuksan ng pinto saka binati ng ‘Good afternoon po.’
Umupo na kami sa favorite spot namin sa SB. Yung pang two-sitter na upuan. Nag-order na sya ng maiinom at makakain namin. Ako naman nilabas ang bagong librong binabasa ko, War and Peace by Leo Tolstoy. Mahilig kasi ako sa mga classic novels.
Pagkatapos nyang umorder ay bumalik na rin sya agad sa upuan namin. Hinintay nya lang tawagin yung pangalan nya para sa inorder namin saka nya kinuha yung cellphone nya, ititeks nya siguro si Alvin. Maya-maya lang din naman ay nakuha nya na yung inorder nya.
Saming dalawa ni Koreena, sya yung mas madaldal. Kung anu-ano lang ‘yung kinukwento nya at hindi naman ako nagsasawang pakinggan sya. At sya kaya ang dahilan kung bakit updated ako sa chismis sa university—madami kasi syang source. Katulad ngayon, ang sizzling topic for the day ay sina Sir Paris at Ma’am Dueñas.
“Alam mo ba Dutch ang chismis tungkol sa kanila, nakikita daw sila sa hotel, at madalas silang nakikita sa SB malapit dun sa hotel.” Lumapit pa talaga sya sakin at binulong yan.Muntikan ko ng mabuga sa kanya ‘yung frappe na iniinom ko. Tama ba yung rinig ko? Hotel? Parang kumirot ata yung puso ko sa narinig.
“Nung una ayaw ko din maniwala e, kaso, sabi ni Alvin, totoo daw yung chismis.” Napansin nya ata na hindi ako naniniwala sa kanya, pero natigilan ako, hindi malabong mangyari yun. ‘Di ba nga? Ang chismis may something sila?
“Hotel talaga. Grabe naman. Pero ‘di ba, hindi pa naman sila kasal?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Nakooo, Dutch. Malamang bibigay agad si Dueñas sa kanya, bubukaka agad yun. Ang gwapo kaya ni Sir. Choosy pa ba sya, e hindi naman sya maganda.” Eto naman ang gusto ko kay Koreena. Prangka. Walang ka-kyeme kyeme.
“Sabagay..” kahit naman siguro ako. Ayyy ano daw? Agad ko namang binura sa isip ko yun. Ang landi ko lang talaga.
Umuwi rin ako kaagad, pagkatapos namin sa SB. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Mati-turn off ba ko sa kanya o ma-ti-turn on?
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
LosoweDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.