PANGALAWANG KABANATA
Simula nung malaman kong may something sa kanila ni Ma’am Dueñas, I started to back off. Pinigilan ko na yung sarili kong pagpantasyahan sya, kahit na ba madalas ko syang makitang tumambay sa library. Na-realized ko din naman kasi na mali magkagusto sa kanya. Unang-una, prof sya at may girlfriend pa. Tsaka, busy din naman kasi ako sa academics. I think I don’t have enough time… Hala! Busy ang gaga! And, asa naman akong magkakagusto din sya sakin, ‘di ba? Duh? Prof magkakagusto sa estudyante? Bawal yun ‘di ba?
So, as the days passed, nakakalimutan ko na ring crush ko pala sya. Na-focus kasi ang atensyon ko sa academics at sa iba pang extra-curricular acivities katulad ng pagiging student council. Kung hindi nyo natatanong, College Representative lang naman ako. Ehem! At President’s Lister pa. Ehem!
“Oy, Dutch! ‘Di mo sinasabi ah, sumali ka pala ng Quiz Bee. Oh kumusta naman?” ang salubong sa akin ni Kuya Dylan, ang Presidente ng USC, (University Student Council) pagkapasok ko sa Student Council Office. May ipapapirma kasi ako sa kanya.
“Okay naman po. Champion po tayo.” Nakangiti kong sabi sa kanya saka inabot yung mga papel na kailangan nyang pirmahan.
“Nice! Congrats! Beauty and brain ka talaga.” Nginitian ko lang sya. Maya-maya lang ay inabot nya na sakin yung mga papel.
“Thank you. Osige, kuya. Aalis na ko, ibibigay ko na to sa OSA.”
“Okay, ingat ka.” Sabi nya.
Pagkalabas ko sa Student Council Office, which is nasa third floor ng AB Hall, naglakad na ko pababa ng hagdan. Nasa ground floor kasi ang OSA (Office of Student Affairs) sa kabilang building. Tinignan ko yung wristwatch ko, 4:45 pm na. 5pm nagsasara ang mga office, kaya todo effort ako sa paglalakad. Kung bakit kasi, walang elevator. Ang mahal ng tuition fee, tapos ganito?! Super reklamo naman ako, akala mo naman nagbabayad ako ng tuition fee. Naiiling na nangingiti na lang ako sa naisip ko. Baliw na ata ako.
“Miss Reyes.”
Sabi ng boses sa likod ko. Napaigtad ako. Kilala ko ang boses na yun. Hindi ako maaring magkamali. Hindi ko alam kung lilingon ba ako o tatakbo. Pero pinili ko na ang pangalawa. Tumakbo ako ng mabilis. Muntikan pa nga akong matapilok sa hagdan e. Mabuti na lamang at walang tao sa hallway. Iisipin siguro nilang nababaliw na ko, o kaya naman ay parang nakakita ng multo. At para nga akong nakakita ng multo sa itsura ko, dahil pagkapasok ko ng OSA, tinanong ng OSA Coordinator kung napano daw ako at bakit ako namumutla. Sinabi ko na lang na medyo masakit ang ulo ko. Sinabi nya na uminom daw ako ng gamot saka magpahinga. Pagkatapos kong ibigay sa kanya yung mga papel na pinapirma ko kay Kuya Dylan ay lumabas na ko at mabilis na naglakad papunta sa gate.
Hindi ako maaring magkamali. Siya nga. Yung lalaking narinig kong tumawag sa akin kanina.
Nagbalik na sya, pero, kelan pa?
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.