IKA-LIMANG KABANATA
Pagkatapos ng insidenteng yun sa hagdan, hindi ko na ulit nakadaupang-palad si Arthur. At ipinagpapasalamat ko yun, dahil, hindi ko alam kung paano ko sya haharapin 'pag nagkataon.
"Grabe, bakit naman ang daming gwapong prof ngayon? Nasa paraiso na ba 'ko?" rinig kong sabi nung kaklase namin pagkapasok ko ng lecture room. Baliw talaga.
"Dutch! Buti naman at nandito ka na, may ikwe-kwento ako sa'yo." excited na sabi ni Koreena pagkaupo ko sa upuan katabi niya.
"Oh ano naman?"
"Dutch, nakita mo na ba si Sir Reyes? Grabeee. Ang gwapo-gwapo nya." kinikilig nyang sabi. Parang walang boyfriend ang gaga.
"Sir Reyes? Sino yun?" kunwari ay tanong ko. Pero alam ko, kung sino yung sinasabi nya.
"Siya yung bagong prof sa Math Department. Teka, Reyes sya ah. 'Di ba kayo magkamag-anak? Di mo ba sya kapatid? Pakilala mo naman ako oh." sa sinabi nyang yun, nabatukan ko sya.
"Aray.. bakit ka naman nambabatok?" nakasimangot na sabi nya.
"Alam mo naman na wala akong kapatid 'di ba? Siraulo ka talaga." Nailing kong sabi sa kanya.
"Ehhh binibiro lang naman kita. Hmm. Sa tingin mo, may girlfriend na kaya sya?"
"Aba, ewan ko, di ko naman sya kilala. Aynakooo, Kore, buti pa, tigil-tigilan mo nga yan. Tandaan mo, may boyfriend ka na. Alvin Franco, rings a bell?" natatawang sabi ko sa kanya.
"Alam ko naman yun, friend. Syempre, 'di ko naman pagpapalit si Alvin, mahal na mahal ko kaya yun. At oo nga pala, iteteks ko nga pala yung lalaking yun." Kinuha nya yung cellphone nya.Nailing na lang ako sa kanya.
Pagkatapos ng klase ko sa Abnormal Psychology, pumunta na ko sa Student Council Office, may urgent meeting daw. Ano naman kaya ang agenda ngayon? I have no clue, dahil, kakatapos lang ng activity sa school.
Umupo ako sa pwestong katabi ni Elaine, sya yung general treasurer, pagkapasok ko sa office. Halos kumpleto na rin naman kami nun. Ilang minutes lang nag-preside na si Kuya Dylan, syempre kasama nya rin si Sir LJ, ang adviser naming mga student council.
"Alam ko, nagtataka kayo kung bakit nagpatawag ako ng urgent meeting. Naka-received si Sir LJ ng e-mail from PACSA. Pupunta tayo sa Baguio sa November." Sabi ni Kuya Dylan.
"PACSA stands for Philippine Association of Campus Student Advisers, it's an annual national convention, usually held for 4 days and 3 nights in Teacher's Camp. Don't worry hindi tayo dun mag-stay, we'll rent a lodging house. And, the bonus part is, it's all expense paid." nakangiting sabi ni Sir LJ.
Na-excite naman ang ibang mga kasama ko sa pagpunta sa Baguio. Grabe, parang ngayon lang sila pupunta sa Baguio... Natatawa na lang ako ng palihim sa kanila. Pinag-usapan kung anong plano para sa PACSA, kung anong ipipresent ng St. Francis University. Kung magpapagawa ba daw kami ng bagong Student Council t-shirt, kung anong dadalhin namin sa Baguio, at kung anu-ano pa. Hindi naman halatang excited sila 'di ba? To think, it's 3 months away pa.
"Meeting adjourn. Have a nice day!" sabi ni Kuya Dylan. Isa-isa na kaming nagtayuan at lumabas ng office. Pagkalabas ko, nakita ko si Sir Paris at Ma'am Dueñas. Grabe, ang puti nya talaga. Binati sila ng mga kasamahan ko, ako naman, nginitian lang sila. Hindi sa bitter ako ah? Kung hindi dahil, hindi ko naman sila prof at hindi naman nila ako kilala. Hinihintay pala nila si Sir LJ, at dun ko lang napagtanto na magkakaibigan pala sila. How come, I haven't know?
Naging prof ko si Sir LJ nung 2nd year ako, oo, naalala ko sa Politics and Governance, pero, hindi ko naman napapansin, oh sadyang wala lang akong pakialam? Anyway, napapansin kong napapadalas ang pagsasama nung dalawa, hindi dahil stalker nila ako ah, pero 'yun kasi ang chismis ng mga blockmates ko, may something lang daw sila, pero walang tinatawag na "sila." Oh well, bahala sila sa buhay nila. Matatanda na rin naman sila e. Kaya na nila yan.
Bumaba na ko ng hagdan, kasama ko pa rin sina Elaine, sabay-sabay kasi kaming uuwi niyan. Pero nagpaalam din ako sa kanila at sinabing mauna na sila, dahil kailangan ko pang ibalik yung mga books na hiniram ko sa library. Kaya naman dali-dali akong naglakad papunta sa library.
Binalik ko na sa librarian yung mga libro. Pagkatapos ay tumingin-tingin lang ako ng mga librong kakailanganin ko para sa ginagawa kong research paper. Tinignan ko ang wristwatch ko, 6:05pm pa lang. 7:30pm nagsasara ang library. May oras pa ko para magbasa. Pagkatapos kong makita ang mga librong kailangan ko ay naghanap ako ng bakanteng upuan at sinimulan ng basahin ang librong napili ko. I take down notes, while reading. 7:26pm na rin ng matapos ako kaya naman nagligpit na ko. Binalik ko na ulit sa bookshelves yung mga libro. Papalabas na ko ng library. Ang susunod na pangyayari ang ikinabigla ko..
Nasa harap ko si Sir Paris ngayon.
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.