IKA-LABING APAT NA KABANATA

31 4 0
                                    

IKA-LABING APAT NA KABANATA


            “Dutch, okay na ba ‘yung bagahe mo? Nadala mo na ba lahat ng kailangan mong dalhin? Mag-iingat ka dun nak at lagi kang magsusuot ng sweatshirt para di ka lamigin.” Tuloy-tuloy na sabi ni mama sa pintuan ng room ko habang sinasara ko yung zipper ng maleta ko. Oo, maleta talaga. Isa lang naman. Para di hassle sa pagbibitbit.

            “Opo, mama.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Para namang first time kong aalis. Si mama talaga. Naiiling na lang ako sa kanya.

            “Anong oras ba kita gigisingin bukas?”

            “4am, ma. 5am call time e.”

            “Osya, pagkatapos mo dyan, matulog ka na. Baka ma-late ka pa.”

            “Osge ma.” Tapos nilapitan ko sya saka hinalikan sa pisngi.

            “Mag-iingat ka dun ah?”

            “Opo.” Sabi ko sa kanya saka na ko pumunta sa banyo para maghilamos.


            Bukas na nga pala yung alis namin papunta sa Baguio para sa PACSA. 4 days and 3 nights—sana mag-enjoy kami ng mga co-councils ko. National event to, so, for sure marami kaming makikilalang taga ibang universities and colleges. Na-eexcite ako. Grabe, para namang 1st time kong pupunta sa Baguio.

**
            “Hello, Dutch! Himala! ‘Di ka late ngayon.” Nakangiti salubong sakin ni Elaine, saka ako niyakap. Nginitian ko lang sya saka na kami pumasok sa loob ng university bus. Halos kumpleto na rin pala yung mga council nung pagkadating ko—dahil ako na pala ang pinaka-late sa lagay na yun. Nakita kong medyo abala sila sa pagbubuhat ng mga gamit na dadalhin para sa Baguio—stocks ng pagkain at kung anu-ano pa. Kaya naman pagkalagay ko ng maleta sa loob ng bus ay isa na rin ako sa mga tumutulong.

            Maya-maya lang din naman ay lulan na kami ng bus papunta sa Baguio. Hindi naman halatang excited sila.

            “Once we get there, pa-picture tayo dun sa malaking statue ng Lion.” Sabi ni Angelo, isa sa mga College Representatives.

            “Oo nga, tapos pasyal tayo sa ibat-ibang tourist spots.” Sabi ni kuya Byron.

            Nakita ko na lang na naiiling si Sir LJ. Parehas siguro kami ng iniisip na hindi naman bakasyon ang ipinunta namin doon. Nagdadaldalan lang sila habang nasa biyahe. Ako naman imbes na makinig sa mga kalokohan nila ay nagpasyang matulog.

**
            Naramdaman kong may yumuyugyog sakin kaya naman idinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko.

            “Good morning, sleepy head.” Bati sakin ni Elaine. Nakangiti sya saka nya hawak yung camera nya. Narinig ko na lang na nag-click yung camerang hawak nya.

             Tinignan ko yung wristwatch ko, 11:16am. Saka tumingin sa bintana ng bus. Malapit na kami sa Baguio.

            “Nagugutom ka na ba?” tanong ni ate Reese--VP Internal ng USC-- ngumiti lang ako, saka nya ko binigyan ng sandwich at mineral water.

            “Ang ganda mo talaga Dukesaaaaaaa.” Sabi ni kuya Byron--VP External ng USC--habang nakatingin sa camerang hawak nya. Nangiti na lang ako sa sinabi nya. Kakagising ko lang tapos nambola pa.

            “Nice Byron! Binata na!” rinig kong sabi ni Angelo.

            “Huwag mo na lang pansinin Dutch, gutom lang ‘yang mga ‘yan.” Sabi ni kuya Dylan. Nginitian ko lang sya. I just don’t feel like talking right now. Ewan ko ba. Tinamad ata akong magsalita.

**

            Three-storey ang lodging house na titirhan namin. Ang cute. Lalo na sa veranda, kitang-kita mo ang mga bahay-bahay. Tas ang lamig pa. Di mo na kailangan ng aircon. I wanna live here. Apat yung rooms, may tig-iisang malalaking double deck, yung pinakamalaking room may queen-sized bed at yun ang room na napili nina kuya Dylan at Sir LJ. Kami naman dun sa room malapit sa veranda, na may connecting door papunta sa room nila. 15 lang naman kaming mga sumama kaya naman medyo malaki na samin yung lodging house.

            Nag-ayos lang kami ng gamit, kumain ng lunch at nagpahinga saka na kami pumunta sa Teacher’s Camp dun kasi ang event. Dinala ko lang ang knapsack bag--na may laman ng kung anu-anong abubot ko and we’re ready to go.

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon