IKA-LABING DALAWANG KABANATA

66 7 1
                                    

IKA-LABING DALAWANG KABANATA

Ugh. Just, WTF. Sobrang impulsive naman ata ako ngayon, tama ba talaga 'tong ginawa ko? Hayyy. Bahala na nga.

Umupo nako sa pwesto ko pagkatapos nun. Dahil alam kong sobrang namumula na ang mukha ko.. Embarrassing moment of my life.

Pagkatapos ng klase kay Sir Perez--rather, the orientation..

"Crush nya pala si Sir Paris?"

"Kelan pa?"

"OMG! Bagay sila!!!"

'Yan lang naman ang mga narinig ko mula sa mga chismosang kaklase ko. Naiiling na lang ako. Hayyy.

Maya-maya lang naman ay tumahimik sila. Ewan ko kung bakit, dahil ba sa pananahimik ko? Oh may dumaang anghel?

Pero maya-maya din naman ay umingay na ulit sila. Ang daldal talaga nila.

Ako naman kausap lang si Sky, 'yung seatmate ko sa Social Psych. Pinaguusapan lang namin 'yung trilogy book ng Fifty Shades of Grey, na nabasa nya last week. Kaya naman ngayon ay inire-recommend nya sakin.

Na-amused naman daw ako sa theme ng book--BDSM and for sure pang mature audience lang 'to. Naisip ko tuloy gawing thesis paper, mukhang maganda eh.

"Uy, Dutch. Si Sir Paris." sabi ni Lara, na nasa harap ng upuan ko, nakatingin sya sa likod, tinignan nya ko tapos binigyan nya ko ng nakakalokong ngiti.

Inirapan ko lang sya.

"Wag mo kong pinagtitripan. Sasakalin kita." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kita niloloko, totoo naman. Asa likod kaya sya." Tapos ang laki ng ngiti nya.

Ako naman 'tong gaga. Lumingon. At sana hindi na lang ako lumingon.

Kasi, bumilis ang kabog ng puso ko. Shutanginamels. Normal ba 'to?

Hindi nya nga ako niloloko.

Nakita ko si Sir Paris, nasa loob sya ng room, pero may kausap sya, si Lizzy, yung blockmate kong VP ng Campus Youth Ministry, nasa dulo sila ng lecture room, malapit sa pintuan. Pero nakangiti sya sakin. Sakin nga ba? Eh, sa direksyon ko nakatingin e. At hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila, pero, malakas ang loob kong na-chismis na niya--Lizzy--kay Sir Paris.

Grabe. Kelan pa sya nakaupo dyan? Narinig nya ba 'tong mga hampaslupang mga kaklase ko?

Gusto ko na lang lumubog sa upuan ko at lamunin ng lupa. WTH.

Anong kahihiyan ba 'tong nangyayari sakin ngayong araw?

Ako na ba ang bagong Reyna ng Kamalasan?

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon