IKA-LABING PITONG KABANATA
"Duchess, anak, gising na. Male-late ka na."
Kahit na inaantok pa ay binuksan ko na ang mata ko. Grabeng panaginip yun, akala ko pa man din totoo na.Sayang. Chance ko na yun e. Bumangon na ko saka dumiretso sa banyo para maligo ng mabilis dahil tama si mama, male-late na nga ako. After 15 minutes rin naman ay off to go na ko. Nagpaalam na ko kaagad kay mama saka dali-daling nag-para ng taxi papunta sa St. Francis University.
Nakarating naman ako sa university ng safe and sound. At hindi naman ako na-late, thank goodness. Mahal talaga ako ni Lord. The day went well naman, or so I thought. Hindi ko nga namalayang break na pala namin. At gutom na ko. Grabe, 'di ako nag-breakfast.
"Tara, kain na tayo Dutch." sabi ni Koreena. Tumayo na ko saka sumunod sa kanya.
Naglalakad na kami papunta sa canteen ng makita ko si Sir Paris. Grabe, ang gwapo nya talaga. Nakasuot lang naman sya ng uniform nila pero bakit parang model sya? Kasama nya si Sir LJ.
"Hoy, Duchess kumain ka na. Ginawa mong ulam si Sir Paris." natatawang sabi ni Koreena sakin.
"Sssh, wag kang maingay." Bawal ko naman sa kanya agad.
"Hoy, Dutch. Tigil-tigilan mo nga 'yang pagngiti-ngiti mo. Para kang baliw." maya-maya ay sabi nya.
"Ano bang problema mo, may batas na ba ngayon na bawal ngumiti?" tanong ko naman sa kanya.
"Nakakaloka ka talaga." Natatawang sabi nya. "Maiba ako, nagpalit ka na ba ng #? Di kita macontact kagabi e."
Ah oo nga pala, nagpalit nga pala akong ng #. Wala e, iba na kasi 'pag famous, maraming stalker.
"Oo, text na lang kita mamaya. Nakalimutan kitang inform, super pagod ko kasi kagabi e. Alam mo naman..."
"Oo nga Best, lumalaki na nga eyebags mo oh. Grabe, kaya ako ayaw ko mag-council e. Nakakastress." sabi nya. Tinignan ko naman agad sa salamin yung sarili ko.
Nangiti na lang ako. Kahit naman kasi pagod ang trabaho ng pagiging student council, masaya naman ako sa ginagawa ko. Lalo na, mababait at mga siraulo din naman mga kasama ko.
Natapos naman ang araw ng maayos. Hindi ko nga lang nakita pauwi si Sir Paris, sayang! Ay ano ba 'to. Grabe ah.
Kauwi ko ng bahay ay ginawa ko lang ang mga assignments at nagbasa-basa ng notes dahil may test kami bukas. Mga 9pm ay nag-message lang ako sa mga friends ko sa FB na nagpalit na ko ng #. I-sinend ko sa lahat ng online from A-Z. Hindi ko alam kung dala lang ba ng antok o pagod, o talagang nananadya lang talaga ang pagkakataon.. Nung nasa letter P na ako kay Sir Paris Montemayor ko na-send. Pero alam ko kay Patrick Samson ko isesend yun. Grabe, ano bang kamalasan to. Kinakabahan tuloy ako, baka isipin naman nito, sobrang sinisiksik ko 'yung sarili ko sa kanya.
Duchess Reyes: Sorry, wrong chat.
Paris Montemayor: Hala
Duchess Reyes: Sorry sa istorbo.
SeenOh ang saya, seenzoned.
A/N: Sorry, ngayon lang nakapag-update. Busy ang bakasyon e. Hehehe. Salamat pa rin sa mga nagbabasa. ☺️😍😘
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.