IKA-APAT NA KABANATA
To make the long story short, oo, naging kami ni Mister Reyes—Arthur Reyes, yan yung full name nya, siya ang first boyfriend ko. Matagal na palang may crush sakin ang loko, first year pa lang daw at kaya pala nya ginagalingan sa math, kasi, gusto nya, mapansin ko sya. Hindi ba naman siraulo, ‘di ba?
Botong-boto ang mga kaklase namin sa love team namin. Akalain mo nga naman, ang dating academic rivals, lovers na ngayon. Nakakatuwa lang isipin na ganito ang kinahinatnan namin. Miss Reyes pa rin ang tawag niya sakin kahit na kami na, as I said before, never did he say my name. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi naman ako nagtanong, kasi nasanay na din naman ako na ‘yun ang tawag niya sakin. Smooth sailing naman ang lovelife namin. Wow, lovelife talaga, landi lang!
Hindi naman ako bawal magkaroon ng boyfriend. Okay lang naman kay mama, yun nga lang ang gusto niya, gawin ko lang syang inspiration, dapat alam ko pa din daw kung anong priorities ko. Nabanggit ko na si Arthur sa kanya, pero, hindi pa sya nakikita ni mama. At oo nga pala, sa kanya ko lang sya ipapakilala dahil 5 years ng patay si papa, car accident. Namimiss ko na nga sya e. Sayang hindi nya makikilala yung first boyfriend ko. Anyway, ang sabi ni mama, ipakilala ko daw para naman daw makilatis nya. Natawa na lang ako kay mama nun, pero nangako ako na ipapakilala ko rin si Arthur sa kanya, kung kaya’t nung sabadong yun, yeah, that fateful day…
Masaya pa nga kaming pumasok sa bahay nun. Nagluto si mama, dahil sa bahay magdi-dinner si Arthur. Gugulatin ko sana si mama nun, pero, siya ata ‘yung nagulat kasi nahulog niya yung platong hawak niya, pagkalabas niya sa kusina. Parang nakakita ng multo si mama nun, at hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon nya, at ang sunod na nangyari ang nagpagimbal sa akin, parang may malakas na bombang sumabog ng malaman kong anak pala sya ni papa--Arthur--sa isa sa mga naging babae ni papa nun.
Simula noon, nilayuan ko na si Arthur, dahil, alam naman natin na, mali, na hindi dapat magkaroon ng kami, kasi, basically, magkapatid kami sa ama, kaya kahit masakit, kahit unti-unti minamahal ko na sya, kinalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi namin ipinaalam ang rason kung bakit kami naghiwalay, parehas lang kaming nanahimik nun. Isa ito sa mga sikreto ko sa buhay, nagmahal ako, sa maling tao pa, sa kanya pa—Bakit sa kuya ko pa? Grabe talaga. Kung nalaman ko lang talaga, ‘di sana hindi nangyari to. Hindi naman ako galit kay mama, hindi rin naman ako galit kay papa, masakit lang talaga sa loob na, kung kelan ka naman nagmahal, sa maling tao pa talaga…
Iniwasan ko na si Arthur nun. Hindi ko na sya kinakausap. I became as cold as ice sa kanya, hindi man lang naging civil ang pakikitungo ko sa kanya. Yun naman siguro talaga ang dapat, para agad akong makapag-move on, para makalimutan sya.
We graduated, ako ang Class Valedictorian, siya naman ang Salutatorian, hindi ko alam kung sinadya ba ni Arthur, pero kung ano’t ano pa man. Hindi ko tanggap sa sarili ko, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko deserved.
Nakakuha siya ng scholarship sa ibang bansa, then, we parted ways.
At ako dito pa rin naman nag-aral ng college sa university kung saan kami nag-high school. Actually, ang una kong kinuhang program sa St. Francis University ay Engineering, undecided pa talaga ako nun e. 2 years na ko sa program ng mapagtanto kong hindi ito ang para sa akin—hindi Engineering ang tinitibok ng puso ko, kaya, I shifted.
Yes, I took up, what my heart really wanted—AB Psychology at 3rd year college na ako ngayon. I have no regrets, actually, kahit alam kong this school year, dapat, isa na ko sa candidates for graduation ng Engineering department. Follow your heart, sabi nga ng Selecta.
Tahimik na sana ang buhay ko, kung hindi lang sya bumalik.
Bakit kasi, bumalik pa sya? Ugh.
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.