IKA-LABING WALONG KABANATA

38 4 2
                                    

IKA-LABING WALONG KABANATA

Oh, ang saya. Seenzoned.

Anyways, natulog na din ako nun. Hindi naman talaga big deal sakin 'yung pag-seenzoned nya. Oo totoo, hindi talaga big deal. Sus, bakit naman magiging big deal? Hindi nga. Ang kulit e. Promise, hindi nga. Kaya nga hanggang ngayon nagngingitngit pa rin ako kasi nga sineenzoned nya ko. Grabe lang. Sarap ihampas sa kanya 'tong iPad na hawak ko.

Grabe, Montemayor!!! Bakit mo ko sineenzoned?

OA na kung OA.
Basta naseenzoned ako ng crush ko. Ang saklap.

*Notification Sound*
Paris Montemayor: Di ko naman alam # mo e.

Nabalik ako sa tamang pagiisip ng makita ko ang message nya. Grabe, akala ko na-seenzoned na ko. Late lang pala sya nakapagreply.

Hindi ko alam kung anong irereply ko sa kanya, na-speechless ako.
Ano pa nga bang sasabihin ko? Wala naman, 'di ba? Kaya naman bilang ganti, ako na lang ang nag seenzoned sa kanya. Anong akala nya, sya lang may karapatan?!

**
Pagkagising ko kinabukasan, kinuha ko agad sa bedside table ang phone ko para tignan ang oras. Nagtataka nga ako dahil wala namang pasok ngayon dahil rest day namin pero ang aga kong nagising. Meron bang himala?

Meron akong notif sa sa messenger. Binuksan ko agad.

Paris Montemayor: Ano bang # mo? Pwede kong mahingi?
Sent 01:32am

My goodness!!!

May himala nga ata!

Relax. Breathe in. Breathe out.

Totoo ba to? Bakit naman sobrang too good to be true ang nangyayari?

Lord, sign po ba 'to?

**
At dahil nga nakatopak ang aking malanding soul, sinend ko sa kanya ang # ko.
Tama ba to? Ugh, ewan. Bahala na...
Kinabahan na naman ako ulit. Ano ba 'to? Hayyyy. Pero may part sakin na nae-excite.

Hindi ko alam kung matutulog ba ako ulit o hihintayin syang magreply. Pero syempre, wala dun sa dalawa yung pinili ko. I've decided to take a shower at kumain ng breakfast kasabay ni mama. Magmo-movie marathon na lang ako, tutal, rest day ko naman at walang assignments at test. Salamat naman at makakapagpahinga din ako.

Science fiction ang genre ng movies na napili ko. Una kong pinanuod ang Interstellar, medyo inaantok pa nga ako e. Kaya naman nagpagawa pa ko ng kape kay mama nun. Oh di ba, sosyal. Hahaha. Super nagustuhan ko ang kwento, eye opener sya at mind blowing kaya 'yung ghost na part.

Sunod ko naman pinanuod ang Maze Runner. Nabasa ko na 'yung book, pero, parang mas gusto ko 'to kesa sa book.

Nawala ang focus ko sa pinapanuod ko ng may magtext sa phone ko. Hindi dahil may ringtone at nagva-vibrate pero kasi bumukas yung ilaw ng screen. Pinause ko muna ang pinapanuod ko saka binasa ang message.

From: +639098765432
Hi, Ms. Reyes.

Di ko kilala yung nagtext. Pero, kinakabahan ako.

**
Binasa ko ulit yung message.
Fuck. Bakit ako kinakabahan?

Gaga! Syempre kinakabahan ka kasi baka si Arthur yang nagtext, sya lang naman tumatawag sa'yo ng ganyan.

Nah, pero, baka si Sir Paris, 'di ba nga kakabigay mo lang ng # sa kanya. Wag ka ngang nega, Dutch! Sa isiping iyon ay medyo na-excite naman ako. Grabe, ako? Ititext ni Sir Paris? Edi wow!

Naexcite tuloy ako malaman kung sino yung nagtext.
I dialled the number. Ilang ring lang din naman ay sumagot ang nasa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to? Kilala ba kita?" agad kong tanong.
Nanatiling tahimik sa kabilang linya.

"Ano ba, sasagot ka ba o hindi? Papatayin ko na 'to." sabi ko.

Papatayin ko na sana 'yung phone ko ng may nagsalita.

"Wag... I miss you, Ms. Reyes."

Putangina. Si Arthur.

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon