IKA-PITONG KABANATA

90 6 4
                                    

IKA-PITONG KABANATA

                Mati-turn off o mati-turn on? Grabeee. Ano na ba 'tong pumapasok sa isip ko. Nababaliw na ko. Pero syempre, inalis ko rin agad sa isip ko 'yun. Hindi naman ako katulad ni Ma'am Dueñas, na ibubuka agad ang legs 'pag nagustuhan ang isang tao. Mataas ang moral ko at I am absolutely against pre-marital sex. Pero kung totoo mang nag-chorvahan na sila. Edi wow. Kilala pa man ding Christian devotee si Ma'am, 'yun pala nasa loob ang kulo. Aynakoooo. At teka, bakit hanggang ngayon sila pa rin ang iniisip ko? Ano nga ba namang pakialam ko sa buhay nila? Wala naman 'di ba. Kaya imbes na isipin at problemahin pa sila. Finocus ko na lang gawin 'yung mga requirements namin para sa finals. Kasi, kung sila na lang ang iisipin ko, walang mangyayari sa buhay ko.

                Kaya naman, two weeks palang bago matapos ang finals ng 1st sem ay natapos ko na lahat ng requirements. Ang iniisip ko na lang ngayon ay ang mga test para sa Finals. Pero aside from that, iniisip ko rin kung paano ko i-spend ang sembreak ko. Sabagay 3 weeks lang naman 'yun. Eh kung tapusin ko na kaya lahat ng novel books na nasa bookshelves? Oh kaya naman ay manuod ng Netflix. Oo nga no, bakit hindi? Arte ko. As if naman talagang pinag-iisipan ko pa, kung paano ko talaga i-spend ang sembreak ko, eh yan lang naman usually ang ginagawa ko. Hindi naman kasi ako gumigimik. At madalang lang naman akong lumabas ng bahay. 'Pag nagyaya lang si Koreena, dun lang ako lumalabas e. Katulad niyan, syempre, si Alvin kasama nya sa sembreak.

                "Duchess, kelan finals nyo?" tanong ni mama habang nagbe-breakfast kami. Wala akong pasok ngayon, syempre naman, may day off din ako no.

                "October 14-16 po." Sagot ko.

                "Pagkatapos ba nun, e, wala na kayong pasok? Sembreak nyo na?"

                "Opo, mama. Sembreak na namin. Bakit mo po natanong?" medyo nagtatakang tanong ko sa kanya.

                "Naisip ko lang, nak. Bakit hindi tayo pumunta ng Palawan sa sembreak mo."

                Wow. Palawan.

                "Talaga mama?" excited kong sabi sa kanya.

                "Oo naman, nak. Gift ko na din sa'yo. Ang taas ng mga grades mo e. Nakita ko sa portal mo." Nayakap ko ng wala sa oras si mama, ang bait-bait nya talaga.

                "Thank you, ma! The best ka talaga." Natutuwa kong sabi sa kanya. Ngumiti lang sya saka namin pinagpatuloy ang pagkain.

                "Ano Dutch, may balak ka na kung anong gagawin mo sa sembreak?" tanong ni Koreena sakin habang nagpapa-manicure at pedicure kaming dalawa sa Nail-a-holics Nail Salon & Spa. Oh diba, nagagawa pa naming magpaganda. To think, ilang araw na lang, at final exams na.

                "Sabi ni mama, pupunta daw kami sa Palawan. Ikaw?" Lumingon ako sa kanya saka ngumiti.

                "Wow, Palawan. Kami, sa Baguio, kasama si Alvin. Edi pupunta kayo sa El Nido?"

                "Probably. Hindi ko pa alam kay mama e. Alam mo naman." Nakangiti kong sabi sa kanya.

                "Ang swerte mo talaga sa mama mo, Dutch." Natutuwang sabi nya.

                "True." Nakangiting pagsang-ayon ko naman sa kanya.

                Sembreak na. Nagready na kami para umalis ni mama. For light travel lang naman yung dala namin. Nagdala din si mama ng bikini suit. Ako naman, nagdala ng libro, hindi kasi talaga pwedeng mawala 'yun 'pag umaalis ako. Dinala ko din yung mga gadgets ko, katulad ng camera, Ipad at pocket wifi ko. Sabi ni mama one week daw kami dun at kilala pala ni mama yung manager ng resort na pupuntahan namin. Hindi na ko nagtanong sa kanya, kahit gustong-gusto kong magtanong pinigilan ko ang sarili ko.

                1 hour and 15 minutes ang travel by air papunta sa El Nido, Palawan. Pagkalabas namin ng Lio Airport ay may lalaking may hawak ng cardboard paper nakalagay ang, 'Welcome to El Nido, Kristina and Duchess.' Nilapitan namin yung lalaki, at nalaman kong driver pala sya nung may-ari ng resort. Ihahatid nya daw kami sa resort. Hindi na lang ako kumibo, pero may kutob talaga ako.

                At hindi nga ako nagkamali, boyfriend ni mama, yung may-ari ng resort. Yumakap sya agad kay mama at nagsorry dahil hindi nya kami nasundo, sa kadahilanang medyo busy daw sa resort. At, totoo nga, sobrang dami ng tao sa resort. May Spanish blood ang boyfriend ni mama, maputi sya at matangkad, at sobrang tangos ng ilong. Naiiling na lang ako. Nagdadalaga na ulit ang mama ko. Alulululu. Hindi naman ako umattitude sa boyfriend ni mama, mabait naman kasi sya, atsaka na-appreciate ko 'yung warm ng pag-welcome nya samin. Napakalaki at napakaganda ng resort. Mas maganda pa 'to, kesa sa Bora. At take note may wifi connection.

                Inutusan ni Tito Alfonso yung isa sa mga crew na dalhin sa Deluxe Seaview Room yung mga gamit namin. Saka kami nag-lunch, parang fiesta nga e, sobrang dami ng pagkaing hinanda. Grabeng accommodation naman, feeling ko VIP kami ni mama. Sabagay, girlfriend nya nga naman si mama. Pagkatapos kong mag-lunch ay nagpaalam na ako sakanila. Sabi ko magpapahinga muna ko. Ipinahatid ako ni Tito Alfonso sa isa sa mga crew sa room namin.

                Habang naglalakad kami, ay hindi ko mapigilang mamangha sa mga cottage na nadadaanan namin. Ang gaganda. May cliff cottages, may beachside cottages, may water cottages at syempre ang pinakamaganda, ang Deluxe Seaview rooms plus the panoramic view of the sea. I wanna live here. Pagkapasok ko sa room namin ay hindi ko mapigilang mamangha. The roofs are furnished with indigenous Filipino materials. Floors are wooden and walls are covered in woven bamboo slats, locally known as sawali. Ang ganda!

                Iniwan na ko ng crew saka ko na inayos lahat ng gamit ko. Pagkatapos kong ayusin ay nagpicture taking muna ako, gamit ang iPhone6+ ko, saka ko inupload sa IG then shinare ko sa FB yung photo ko sa veranda na kita ako at ang dagat. Nilog-out ko din ang IG ko, tapos, FB naman ang binuksan ko.

                Binuksan ko ang notification at nabigla sa nakita ko.

                Paris Montemayor and other 15 people liked your photo.

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon