IKA-DALAWAMPUNG KABANATA

22 0 0
                                    

IKA-DALAWANGPUNG KABANATA

Anong pag-iinarte 'to, Dutch? Ano naman ngayon kung hindi kayo magkapatid? Di ba matagal ka ng nakapag-move on? Almost 5 years ka na rin namang single at masaya ka na ngayon, hindi ba? Nagkagusto ka na nga sa iba e, wag mong sabihing nakakalimutan mo na si Sir Paris?

Pero si Arthur ang first love ko... Hindi nga ba't pinangarap kong maging Mrs. Reyes nya noon? Hindi ba't sya yung lalaking nagpakilig sa batang puso ko noon.

Noon yun, Dutch. Iba na ngayon. Alam mo na matagal ka ng walang feelings sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit ka umiiyak ngayon. Yung totoo, nakashabu ka no? Alam mo na si Sir Paris na ngayon ang bumibihag sa puso mo. For Pete's sake, Duchess Reyes! Isipin mo naman ang sarili mo, mas masaya ka ngayon 'di ba? Ngayon mo lang naranasan yung sobrang kilig 'di ba? Sagutin mo ko.

Pero hindi kami pwede ni Sir Paris. Like, duh. Ni wala ako sa kalingkingan nya, kahit pagbali-baligtarin ko man ang mundo, professor sya at estudyante lang ako, kaya malabo. Malabo talaga.

"Dutch, you're spacing out again. Okay lang ba talaga?"

"Huh? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa bestfriend ko.

Nakaupo kami sa student center. Hawak niya yung iPad nya. Ako naman, hawak ko yung libro ko sa Abnormal Psychology.

"Kanina ko pa tinatanong kung may test ba tayo sa Abnormal Psychology."

"Ah, wala naman. Gusto ko lang basahin 'to. Masama ba?"

"Hmmmm. Lalim ata ng iniisip mo? May problema ka ba?"

"Wala. Okay lang ako, bes." Saka ako ngumiti. Hindi na rin naman siya nagtanong nun. Nabaling ulit sa iPad ang atensyon niya. Ako naman, iniisip kung, anong gagawin...

Pagkatapos ng last period ko para sa araw na 'yun agad akong dumiretso sa student council office. May kailangan kasi akong gawin.

Pagkapasok ko, nakita ko sina Sir Paris at ang SC Adviser namin nagkwekwentuhan habang kumakain ng palabok. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha nya. Grabe! Ang gwapo mo talaga!

"Dutch, tara kain. Nagdala si Sir Paris ng palabok." aya sakin ni adviser. Ngumiti lang ako saka sinabing, "Okay lang po, kakatapos ko lang pong kumain."

Nakita ko si Sir Paris na kumuha ng plato at mga kubyertos. Pinangkuha nya ko ng palabok.

"Hindi, kumain ka. Sige na. Eto oh. Para sa'yo 'to. I won't take no as an answer."

Napilitan tuloy akong kunin yung in-offer nyang palabok.

"Come, join us here." sabi pa nya.

Tangina. Kinikilig ako sa simpleng gesture nya na 'to...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon