IKA-LABING ISANG KABANATA

70 8 5
                                    

IKA- LABING ISANG KABANATA

Hindi ko alam kung tama ba 'yung desisyon kong sabihin kay Koreena na crush ko si Sir Paris, kasi, imbes na i-sikreto nya, e, binubulgar pa nya. Saming dalawa lang naman. Pero nai-eskandalo pa rin ako. Grabeee. Minsan nga, gusto ko na syang ihagis sa bangin. 'Yung bang tipong nanahimik ka lang kahit na nagkasalubong na kayo ni Sir Paris, tapos sya todo kantiyaw sa'yo na, kesyo nandyan na daw 'yung boyfriend ko, at batiin ko daw. Oo, boyfriend daw. Nakakaloka 'no? Sarap sabunutan. Aynakooo. 'Di ka na nga nagpapahalatang kinikilig, sya naman sge lang sa pagtulak sa'yo para lapitan si Sir.

Ang napansin ko lang lately, hindi na magkasama si Sir Paris at Ma'am Dueñas. Ibig kong sabihin.. 'di na sila sabay umuuwi at 'di mo na rin silang makikitang sabay naglalakad sa corridor. Iniisip ko na lang baka LQ sila. Pero alam nyo, minsan, gusto kong tanungin si Sir Paris kung ano bang real score sa kanila, kaso, nahihiya ako e. Like, WTF. Ganun ba kami ka-close para tanungin sya ng ganung mga bagay-bagay.

Alam nyo kasi, ang chismis, uso daw kasi sa kanila 'yung 'what you see, what you get'

Anyway... Mabait si Sir Paris. Pano ko nasabi? Wala, feeling ko lang. Biro lang. Pero, seryoso, mabait sya. Makikita mo naman e. Tsaka hindi lang naman sakin galing---hindi ako bias kasi madami din naman ang nagsasabi. Hindi naman sya manyak. Grabeee. 'Yung ganoong itsura iisipin nyong manyak? Aba, kung sya ang definition ng pagiging manyak, papamanyak ako. Todo todo na. Haha.

I admit cool syang prof. Kilala sya halos lahat ng estudyante sa university, at wala namang bad comments sa kanya. Except the chismis. As far as I know, 'di pa naman proven kung totoo 'yun.

At oo nga pala, hindi ko alam kung natatandaan nyo pa 'yung sinabi ni Kore dati... 'yung magiging prof daw namin si Sir Paris. Asang-asa pa man din akong makikita ko na sya every other day kasi T-TH 'yung sked dapat namin sa kanya. Kaso dinecline nya, hindi ko alam kung bakit. Aynakoooo. Para syang babae, unpredictable.

Kahit papano naman e, nag-level up na rin kami ni Sir. Constantly magka-chat na kami ngayon. Unti-unti kaming nagiging close. Katulad ng ibang estudyanteng ka-close nya.

Nagbabatian kami ng 'Good morning', 'Good afternoon' at 'Good evening' mapa-chat man o mapa-personal. At sa mga ganung pagkakataon ko nararamdamang sobrang swerte ko. Bakit hindi, hindi nya naman ako estudyante, pero masasabi kong  close kami. At kahit ganun lang kababaw ang rason ko ay pinagpapasalamat ko na sa Diyos 'yun. Kasi, sa totoo lang, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko.

"Miss Reyes, it's your turn." ang sabi ng prof ko sa Social Psych. First meeting namin sa kanya, 'di ba nga last week, wala sya? Out of the country. At, orientation ang nangyayari ngayon. Oh 'di ba? Para talaga kaming mga 1st year students. Ang sabi ni Sir Perez, we should introduce ourselves, state our expectation on the subject and on the professor and give a trivia about ourselves. And that would be worth 100 points and will serve as a quiz.

Hindi ko alam kung anong pakulo nya. Pero feeling ko.. feeling nya ata mga freshmen kami. Naisip ko tuloy, ganun ba talaga kami ka baby face?

Anyway, medyo na-startle 'yung mga blockmates ko sa sinabi nya.

Kaya naman.. the things you never expected to hear, ay malalaman mo pala dahil dito sa pakulong 'to ni Sir Perez. Actually, this trivia game is more on confessing your secrets.

Katulad na lang ng kinonfess ni Lara Sy. Well, ang sabi lang naman nya, dati syang lesbian. Like, what? 'Yung ginawang coloring book ang mukha, dating lesbian??? Okay. Nagulat talaga ko. Sayang wala si Koreena, absent sya e. Nilalagnat. Binubully kasi ni Kore si Lara.

Anyway,  back to present. Ano naman kayang sasabihin ko sa klase? Hindi naman pwedeng 'yung alam nyo na. Arthur + Me, in a relationship. That will be a big NO. PATAY KANG BATA KA 'PAG NAGKATAON.

"Miss Reyes?" Ulit ni Sir Perez. Nakangiti pa rin naman sya. Tumayo na ko saka pumunta sa podium sa harap. Nakakakaba pala to.

"Hello. I'm Duchess Katherine Reyes, 19 years old." Nakita ko sa mga mukha ng mga kaklase ko na medyo nabigla sila. I know right. That reaction though. "Yes, I'm 19, like most of you here. Maaga lang talaga akong nag-aral. Kaya nung nagshift ako sa AB Psych, fitted na yung age ko." Nakangiti kong sabi sa kanila, saka ako nagpatuloy. "Actually I'm not expecting anything naman, from neither the subject nor the professor, kasi tiwala naman ako sa teaching skills ni Sir." Tapos tumingin ako kay Sir Perez, nakangiti sya sa akin.

"And your trivia about yourself?" tanong ni Sir Perez.

Now what?

"Ahhh. Actually, I have a crush..." Nakita kong ngumiti 'yung mga blocksmates ko. I know that smile. Yes, finally, malalaman din nila na si Duchess Reyes, may crush.

"He's not a co-student, rather, he's a prof here." Nakatingin si Sir Perez sakin. Looking interested. Is he expecting na sya 'yung prof na sabihin ko?

"Who?" Tanong ni Sir Perez, ang laki ng ngiti nya.

Am I gonna say it? Really? Will I?

No choice ako. They're waiting for my response.

"Si Sir Paris po." nagba-blush na sabi ko. What the heck?! This is so embarassing.

Nothing Compares To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon