IKA-LABING TATLONG KABANATA
Two weeks na rin simula nung mag-confess ako sa harap ng mga hampaslupa kong mga blockmates. Nakalimuutan na rin naman ata nila, I mean, di na kasi nila ako tinutukso. Hindi katulad nung nakaraang linggo… As in, i-bubugaw ka nila, ‘pag nakita nilang napadaan sa lecture room si Sir Paris. Grabe. Nakakairita na kaya. Na-aalibadbaran na nga ako sa kanila. Napaka-oa, crush lang naman e. Hayyyy. Mga isip-bata talaga ‘tong mga blockmates ko.
“Dutch, nakita ko pala kanina si Kuya Dylan, sabi nya may meeting daw kayo mamayang 7:30pm.” Sabi ni Koreena.
Tumango lang ako sa kanya saka ipinagpatuloy ang pagkain ko ng baked mac. Nasa canteen kami ngayon.
“Alam mo, Dutch. Parang may nag-iba sa’yo ngayon.” Maya-maya ay sabi nya. Napataas naman ‘yung kilay ko sa narinig.
“Ano namang nagbago sakin, aber?” mataray na sabi ko sa kanya.
“Iba yung aura mo e. Mas lalo kang blooming ngayon. May boyfriend ka ba?” sabi nyang nakangiti sakin.
Uminom muna ako ng mineral water saka ko sya sinagot.
“Gaga. Wala kong boyfriend. Bakit mo naman nasabing meron?”
“Naisip ko lang, baka boyfriend mo na si…” tas lumapit sya sakin saka bumulong.. “Sir Paris.” Nabigla naman ako sa sinabi nya.
“Sya, boyfriend ko? In my dreams, Kore. In my dreams.” Sabi ko sa kanya.
“In my dreams daw… Hmmmm. Akala mo siguro hindi ko alam… Lagi ko kaya kayong nakikita sa library lately, magkasama sa table. Dati di naman, ‘di ba?” tapos nag-grin sya. Ako naman speechless. Ay nakakaloka ‘to. Shutanginamels.
“At alam ko din, kung bakit lagi kang puyat.” nag-pause sya sandali tapos may tinignan sa cellphone nya, “Dahil sa kanya.” Tapos may pinakita syang picture. Picture ni Sir Paris, ‘yung bagong profile picture nya. “Lagi kayong magka-chat. Lagi kang online e.” nakangiting sabi nya.
Speechless ako at alam kong sobrang pulang-pula ko na sa harap nya.
“Oh, wala kang masabi ‘no? Hahaha. Okay lang ‘yan, best. Naranasan ko na din ‘yan, kay Alvin. So, tapatin mo nga ako. Boyfriend mo na ba sya?”
Boyfriend ko ba sya?
“As far as I’m concerned, hindi ko sya boyfriend. Unang una, di naman sya nanliligaw. Paano ko sya sasagutin? Paano magiging kami? At nakakalimutan mo ata, prof sya dito Kore. Mawawalan sya ng trabaho ‘pag nalaman nilang may girlfriend sya tapos estudyante pa.” mahaba kong lintanya sa kanya.
Nagkibit-balikat lang sya. Tapos ininom nya yung juice na inorder nya. Mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
“Alam mo, Kore. Sasabihin ko naman sa’yo, kapag may something na samin. Why would I lie to you? Bestfriend kita, ano ka ba.”
“Oo na po, Madam Reyes.” Nakangiti nyang sabi. “Oo nga pala. Samahan mo pala sa CAS Faculty room bago tayo pumunta sa lecture room. May ibibigay daw si Ma’am Elaine.. Siguro ‘yung requirement nya for prelims.” Ah, oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Class President nga pala si Koreena.
Oo tama, bakit nga naman ako magsisinungaling sa kanya? Di naman talaga nanliligaw si Sir Paris. Well, sort of. Pero, hindi. Lately kasi ang dami nyang tanong ‘pag magkasama or magka-chat kami. Asking for the basic facts in my life... like my hobbies, my favorite books, favorite movies at kung anu-ano pang favorite na ‘yan. He’s also having my background check. Asking for my parents.. my siblings, as if I have one. Kung taga-saan daw ba ako. At kung anu-ano pa. Pero lahat naman ng tanong nya, I answered whole-heartedly. Oha! Gaga lang ‘di ba?
“Oy, Dutch. You’re spacing out. Tara na.” sabi nya sakin saka nya ko hinila sa upuan.
Pagkapasok namin sa loob ng Faculty room. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ko kasi nandito si Sir Paris o tatakbo kasi nandito si Sir Reyes.
Nasa kabilang cubicle si Sir Reyes sa dulong part. Hindi nya ko napapansin kasi may ginagawa sya. Mukhang nagta-type ng kung ano sa laptop nya tapos naka-headset pa. Inilayo ko kaagad ‘yung tingin ko sa direksyon nya. Si Sir Paris naman, eto kalikuran lang ng upuan ni Ma’am Elaine. Medyo malayo sa cubicle kung saan naroroon si Sir Reyes.
“Miss Reyes.” Nakangiti nyang sabi sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. Tapos may kinuha sya sa bag nya, saka nya inabot sakin.
“Oh wag mong isiping conjugal property yan ah. Ibalik mo ‘yan.” Nakangiti nyang sabi sakin. Conjugal property? Natuwa naman ako sa sinabi nya.
“Yes, Sir. Wag kang mag-aalala. Ibabalik ko. Salamat ah?” tapos lumabas na din ako agad. Iniwan ko na sya, kasi kinikilig ako. Ay ang landi ko! Pero hindi lang ‘yun naman yung dahilan… Baka makita ako ni Arthur, mahirap na.
“Ang tagal mo naman, Dutch. Tara na malelate na tayo.” Sabi ni Koreena pagkalabas ko ng faculty room. Hindi ko namalayang nauna pala syang lumabas kesa sakin. Akala ko kausap nya pa si Ma’am Elaine.
Habang naglalakad kami tinanong ni Koreena kung ano ‘yung hawak ko.
“Ah, ito ba?” tapos tinaas ko ‘yung hawak ko. “Libro. Hiniram ko kay Sir Paris. Anna Karenina by Leo Tolstoy.”
Tapos nakita kong ngumiti lang si Koreena. Pero alam ko, may ibig sabihin ‘yung ngiting ‘yun.
BINABASA MO ANG
Nothing Compares To You
RandomDuchess, a third year Psych student fell in love with Sir Paris. It's a whirlwind forbidden romance.