Chapter 12.2

1K 75 12
                                    


"Hindi ko akalain na madali palangkausap ang mag-asawang Dela Vega. Did you notice Sophia's reaction?"Nakangiti si Jesica habang nagsasalita. Kadarating lang nila mula samansiyon ng mga Dela Vega at kasalukuyan silang nagpapahangin salanai.



"No, hindi ko napansin," maiklingtugon ni Vincent. Hindi na mahalaga sa kaniya kung ano ang reaksiyonni Sophia ang mahalaga ay nangako ang mga ito na pananagutan ng anaknila ang ginawa kay Venice. Habang patungo sila sa mga Dela Vega aymarami ng naglalaro sa kaniyang isipan at marami na rin siyangnabuong plano kung sakaling magmamatigas ang mga magulang ni Ellis.Hindi niya hahayaang madehado ang nag-iisa niyang anak gagawin niyaang lahat para maturuan ng leksiyon ang Xin Ellis na yun.



"She seems so happy when shelearned about it. Mukhang hindi magkakaroon ng problema si Venice samga magiging biyenan niya."



"Hindi nga siya magkakaroon ngproblema kay Zach at Sophia, panno naman kay Xin Ellis?" turan niVincent sabay buntong hininga.



"I'm sure na hindi magigingproblema ni Venice si Ellis. Nakita ko kung gaano siya mag-aalalanoong nakaraang araw ng hindi niya mahagilap ang anak mo."



"Huwag kang masyadong magtiwala salalaking iyun, hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isipanniya," pagpapaalala ni Vincent sa kabiyak.



"I understand pero sa anak komalaki ang tiwala ko," may pagmamalaki sa tinig ni Jesica.



"What do you mean?"



"Sweetheart, napakaganda ng anaknatin at mabait pa. Halos magkandarapa nga mga anak ng mga kaibiganmo para makilala siya. Kaya nasisiguro akong magugustuhan din siya niXin Ellis."



Napailing na lamang si Vincent. "I'mconfuse right now, sweetheart. Hindi ako sigurado kung tama ba itonggagawin natin."



"Ayokong matulad sa atin si Venice.Maraming mga taon ang nasayang na magkasama sana tayo dahil sapagmamatigas ko at iyun ang ayaw kong maranasan ng anak natin."



Buong pagmamahal na kinabig niVincent ang asawa at ginawaran ng banayad na halik sa mga labi.



Napangiti si Venice habang nakatanawsa mga magulang. Lalapitan sana niya ang mga ito ngunit tilanapakaseryoso nang pinag-uusapan nila kaya nagpalipas muna siya ngilang sandali. Mahinang pagtikhim ang ginawa niya upang ipaalam samga ito ang presensiya niya.



"Venice, bakit gising ka pa? Bawalmagpuyat ang mga buntis," pagpapaalala ni Jesica sa anak.

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon