Chapter 9.2

5.7K 283 29
                                        

Chapter 9.2

Katatapos lang bisitahin ni Venice ang kanyang mga pasyente, pakiramdam niya ng mga oras na iyun ay hapong-hapo siya. Sino ba naman ang hindi mapaapgod? Mula umaga ay abalang-abala siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang meron sa araw na ito at sunod-sunod ang mga isinusugod sa emergency room.



Kasalukuyan siyang naglalakad sa may pasilyo ng hospital ng maramdamang nag vibrate ang kanyang telepono na nasa bulsa. Sigurado siyang galing sa kanyang mommy ang message, nangako siya kanina na sasabay sa hapunan ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naipit siya sa kanyang trabaho. Mukhang mahabang paliwanagan na naman ang kailangan niyang gawin para mawala ang tampo nito sa kanya. Agad niyang dinukot sa bulsa ang celphone ngunit nalukot ang mukha niya ng makita kung sino ang nagpadala ng text message sa kanya. 




"Ang kulit talaga ng lalaking ito." Bulong niya sarili pagkatapos basahin ang message nito at muling ibinulsa ang kanyang cellphone. Hindi muna siya sumagot dahil kailangan niyang pag-isipang mabuti kung pagbibigyan niya ang imbitasyon nito. At isa pa ay pagod na siya at gustong-gusto ng umuwi kaya nagmamadali siyang sumaglit sa kanyang opisina upang kunin ang kanyang mga gamit. 



Samantalang si Ellis ay panay ang sulyap sa cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Ilang minuto na ang lumilipas mula ng nagpadala siya ng text message kay Venice pero wala pa rin siyang reply na natatanggap. 




"Bro, relax! she might be sleeping at this hour or may be she's with her boyfriend. Huwag mong istorbohin." May halong pang-aasar na turan ni Sky ng mapansin na hindi mapakali ang kaibigan.  




"Damn!" Biglang uminit ang ulo ni Ellis ng marinig ang huling sinabi ni Sky. Naisip niya na hindi imposible kung may boyfriend nga si Venice at baka sa mga oras na ito ay magkasama nga ang dalawa. Inis na napatayo si Ellis. 




"Hey! where are you going?" Habol ni Sky sa kaibigan ng walang paalam na lumabas ito ng bar. Inabutan na niya ito sa may parking area. 



"Kailangan kong makausap si Venice para matapos na ang paghihirap ni Lilac. Bumalik ka na sa loob and enjoy the night." Pagtataboy ni Ellis  kay Sky at dali-daling sumakay sa kanyang kotse. 



Akmang isasara na ni Ellis ang pinto ng kotse ng biglang iharang ni Sky ang isang kamay at mataman siyang tinitigan. "Are you sure you're doing this for Lilac? o baka naman gusto mo lang makaisa dun sa doktor." 



"Shut up bro!" Putol ni Ellis sa mga sasabihin pa sana ni Sky. Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa muli ito, mabilis niyang isinara ang pinto ng kotse at pinasibad palayo sa kinatatayuan ng kaibigan. At habang nagmamaneho ay muli niyang inilabas ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Venice. 

__________

"Ahh! This man is getting on my nerves!" Reklamo niya ng makita kung sino ang tumatawag.  Kasalukuyan siyang nagmamaneho ng muling tumunog ang kanyang telepono. Ayaw niya sanang sagutin ito ngunit natutulilig ang tenga niya sa pag-iingay ng aparato. 



"Mr. Dela Vega, ano na naman ang kailangan mo?" Pormal na bungad ni Venice sa kabilang linya. 



"Did you receive my message?" Tanong ni Ellis ng maulinigan ang boses ng dalaga. Hindi niya maipaliwanag ang biglang pagbilis ng kabog ng dibdib ng marinig ang tinig ni Venice na kahit parang naiirita ang tono ng pananalita nito. 



"Wala na tayong dapat pag-usapan dahil nasabi ko na sa'yo ang gusto kong mangyari. Kung hindi ka papayag hindi mo makukuha ang anak na gustong -gusto mo." Nakangisi na si Venice ng mga sandaling iyun. Napag-isipan niya na hindi dapat siya magpakita ng kahinaan sa binata dahil may lalo lamang siyang sisindakin nito. Nasisiguro niya rin na hindi ito sasang-ayon sa suhestiyon niya dahil alam niyang mahal nito si Lilac. 



Natigilan si Ellis, bigla siyang naguluhan hindi niya alam kung ano ang nararapat na gawin ngayon. Gusto niyang mapasaya si Lilac at ang pagkakaroon ng isang anak ang alam niyang magpapawala sa pangungulila nito ngunit iba naman ang gustong mangyari ni Venice. Ang babaeng napili niya na magdadala ng punla nila ni Lilac. 



"Mr. Dela Vega, are you still there?" Naiinip na tanong ni Venice ng biglang tumahimik sa kabilang linya. 



"Yes" Maikling tugon ni Ellis. 



Napabuntong hininga si Venice dahil mukhang wala namang importante silang pag-uusapan ng lalaking ito. "Mister, kung wala kang mahalagang sasabihin please hang-up the phone. I'm driving right now..." 




"Saan ka pupunta? Sino ang kasama mo? Sa ganitong oras ng gabi nasa labas ka pa rin?" Sunud-sunod na tanong ni Ellis. 



"It's none of your business...." Napaismid pa si Venice habang nagsasalita. Hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita ng mayabang na binata. 



"Venice, do you have a boyfriend?" Hindi na nakatiis na muling tanong ni Ellis. Itinabi niya muna sa gilid ng daan ang kotse dahil hindi siya makapag focus sa pagmamaneho.




"Kanina itinerary ko ang pinakikialaman mo ngayon naman personal na buhay ko. Ano naman sa'yo kung may boyfriend ako?" Naiiling si Venice dahil nagiging pakialamero na ang lalaki. 



Parang lalong uminit ang ulo ni Ellis sa huling sinabi ng dalaga. Iniisip pa lamang niya na may ibang lalaking humahawak dito ay parang gusto na niyang magwala. 



"Okay fine! Payag na ako sa gusto mong mangyari! Just make sure to clear your schedule tomorrow." Hindi na nag-isip si Ellis basta na lamang ito nagdesisyon. 



Biglang napapreno si Venice at muntik na siyang sumubsob sa manibela, hindi niya inaasahan ang naging desisyon ng binata. 

__________________________

A.N.

Wahahahaa..... Dito na magsisimula ang lahat!!!!!!


The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon