Chapter 2.1
"Mabuti naman at umuwi ka kanina pa kita hinihintay, Ellis." bungad ni Sophia sa anak. Hinalikan niya ito sa pisngi at tinungo ang sofa. Maingat ang kanyang pag upo habang ang anak ay tila pagod na binagsak ang katawan sa sofa.
"May dinaanan pa ho ako. Ano bang pag uusapan natin? Hindi ba pwedeng ipagpabukas ito?" Iritadong tanong ni Ellis. Ang totoo ay wala naman talaga siyang pinuntahan. Nagpalipas lamang siya ng ilang oras sa isang cafe upang iwasan ang kanyang ina.
"Habang tumatanda ka ay bastos ka ng sumagot sa akin, Ellis!" Sigaw nito sa anak na si Ellis. Tila wala naman itong narinig mula sa kanyang ina dahil hindi man lang ito lumikha ng kahit anong galaw.
"Hindi naman lingid sa iyo ang disgusto ko sa pagtingin mo kay Lilac. Goodness Ellis! She's like a mother to you. For Christ sake anak, itigil mo ang kabaliwan mong iyan." Nagsusumamong nakiusap si Sophia sa anak.
"Hindi mo ako mapipigil mama. I love her. Kahit doble pa ng edad ko ang tanda niya sa akin ay mahal ko siya." Hindi mababakas sa mukha ni Ellis ang pag aalinlangan sa sagot sa ina. Si Sophia ay napahilot na lamang sa kanyang sintido.
"La Folie!" Hindi na nakapag timpi pa si Sophia.
"Hindi naman kami nagkulang ng ama mo sa pag aalaga sa iyo. Bakit sa kanya mo pa naisipan magmahal? Ellis, please gumising ka sa kahibangan mo. May asawa na si Lilac." Halos lumuluha na sa pakikiusap sa anak. Bigo niyang tinapunan muli ng tingin ang anak. Nakayuko lamang ito at ang mga palad ay nakahilamos sa mukha. Tumayo si Sophia at napailing na lamang.
"Mamili ka Ellis. Ang pamilya mo o iyang pagmamahal mo kay Lilac. Isa itong kahihiyan!" Agarang tinalikuran ni Sophia ang anak. Hindi na muling tinanaw pa si Ellis. Bilang ina ay masakit ang ginagawa ng anak. Hindi naman niya makuhang magalit kay Lilac dahil wala naman itong kasalanan. Bagkus ay nahihiya pa nga si Sophia sa kaibigan dahil sa inaasal ng anak.
Ilang minuto pa ang pinalipas ni Ellis sa pag iisip. Maging siya ay hindi na alam ang gagawin. It's hard to stop loving someone. but much harder when falling in love with someone who can't ever be yours.
Kinabukasan ay maagang nagtungo sa Ospital si Ellis. Ni hindi na ito nag abala pang magpaalam sa mga magulang. Nagulat siya ng mabungaran si Tyler na naroon sa tabi ni Lilac na mahimbing ang tulog. Pakiramdam niya ay kinurot ang puso niya. Huminga siya ng malalim at mabilis na lumakad patungo sa kinaroroonan ng dalawa.
"Let's talk." kaswal na sabi niya. Napailing na lamang si Tyler sa batang lalaki. Hindi niya akalain na sa dating asawa niya pa ito magkakagusto. Nilingon niya muli si Lilac at sumunod na sa binata.

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
Fiksi Umum"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA