Chapter 3.2
Panay ang buntong hininga ni Venice habang nakatitig sa mga halamang alaga ng kanyang ina. Dapat ng mga oras na yun ay nasa hospital siya ngunit parang nawalan siya ng ganang pumasok ngayon.
"Wala ka bang duty Venice?" Kanina pa nasa likuran ng anak si Jesica ngunit hindi nito napansin ang presensiya niya dahil tila napakalalim ng iniisip nito.
"Mom, I just feel exhausted. I think I need some rest, medyo stressful sa hospital these past few days." Umusad ng konti si Venice para makaupo ang ina sa tabi niya.
"Ginugulo ka pa rin ba nung asawa ng pasyente mo?" May pag-aalala sa boses ni Jesica. Magmula ng malaman niya ang tungkol sa naging problema ng anak ay hindi na rin siya mapakali.
Marahang umiling si Venice. "Actually after the incident in the hospital I didn't hear any news from him. Si Dra. Rosbago at Dra. Borden na ang in-charge kay Mrs. Morel."
"Now, you've learned your lesson. Kung hindi ikaw ang attending physician huwag kang makialam." Panenermon ni Jesica sa anak.
"Mommy, hindi naman ganun yun. We're talking about life here kapag emergency na hindi kami puwedeng mamili ng pasyente." Malumanay na paliwanag ni Venice sa ina. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang reaksiyon nito.
"Ewan ko..." Sabay iling ni Jesica. "Kung sana ang mga negosyo natin ang inaasikaso mo wala ka sa ganyang sitwasyon."
"Mom, heto na naman tayo..."
"Okay, okay." Sabay kumpas ni Jesica sa dalawa niyang kamay tanda na pagsuko nito.
Magsasalita pa sana si Venice ng biglang tumunog ang hawak na celphone.

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
General Fiction"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA