Chapter 11.1

7.1K 316 71
                                    


Chapter 11.1

Ilang buwan na ang lumipas ng huli silang mag usap ni Venice. Ellis feel so disoriented. Gustong gusto niyang muli makita at mahalikan ang mapupulang labi ng doktora. Ngunit ni tanaw ay hindi magawa ng binata.

Naging abala si Ellis sa trabaho ng kumpanya. Tanging siya lamang ang naiwan na mamahala ng mga ito dahil lumipad patungo ng ibang bansa ang mga magulang at kapatid upang magbakasyon.

Sa tuwing natatapos ang oras ng kanyang trabaho ay agaran siyang dumadalaw sa ospital upang bisitahin ang doktora. Ngunit ilang araw at gabi na ay hindi man lamang sinuwerte si Ellis masilayan ang dalaga.

Tawagan man ng binata ito ay pirming busy ang linya ng doktora. Sa tingin ni Ellis ay nagpalit na ito ng numero o naka blocked na ang numero niya sa cellphone nito. Gustuhin man ni Ellis na personal niyang dalawin ang doktora ay tila kinakain siya ng hiya. Madalas nitong maalala anghuli nilang pag uusap. Nadala lamang si Ellis ng kanyang damdamin.

Isang ideya ang naisip niya. Mabilis na napindot ni Ellis ang intercom ng kanyang sekretarya.

"Can you call Holland tulips? I need a bouquet of double bloom tulips. I prefer white rhapsody and pink panther. Order that if it's available." Mando ni Ellis sa sekretarya. "Is that all sir? Dito ko ho ba ipapadeliver sa office?" Tanong ng kanyang sekretarya. Napaisip muli si Ellis kung siya ba ang personal na magdadala nito sa dalaga.

"Hmm, please ask the shop if they have Delafee chocolates. No, don't tell them to send it here. I'll forward you the address and to whom it should be given."

"Okay sir, Got it."

*********************

Kabado si Ellis ng mga oras na iyon. Hindi biro ang nararamdam niyang kaba dahil sa huli ay mas pinili niyang siya ang kusang magdala ng mga bulaklak sa bahay ng doktora. Dumaan na si Ellis sa ospital at napagalaman ni Ellis na dalawang araw na itong hindi pumapasok. Gumapang ang pag aalala ni Ellis sa kalagayan ng dalaga. Isang marhas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago pinindot ang doorbell.

Si Jessica ang nagbukas ng gate ng bahay na ikinagulat ni Ellis. Pormal ang itsura nito at tila galit pa sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito, Xin Ellis?" pormal na tanong nito.

"Nais ko ho sanang makita si Venice, tita. Ilang linggo na ang lumipas ng huli kaming mag usap. Kahit sa telepono ay hindi ko na siya macontact. I always visit the hospital after work but she's not around. Nanggaling na po ako sa ospital at nalaman ko na ilang araw na siyang hindi pumapasok." Mahabang paliwanag ni Ellis.

"She's not here, Ellis."

"Where is she, tita? I need to see her. Gusto ko ho na maibigay sa kanya ang bulaklak na ito." HIndi na nakapagpigil si Jessica sa tinatagong inis at galit para sa binata.

"Umalis ka na, Ellis!. Wala ang anak ko rito. Nasisiguro ko na kung narito man si Venice ay hindi niya nanaisin na makita ka. Makaka alis ka na." Galit ang nasa tinig ni Jessica.

"What do you mean, Tita Jessica?" Nanlamig si Ellis sa narinig. Did her Venice run away? Ngunit bakit?

"Because she no longer wants to deal with you! Hindi na niya ibibigay ang bata, Ellis! Tila nabasa ni Jessica ang nasa isip ng binata.

"Yes Ellis! Alam ko ang kasunduan niyo ng anak ko. I know her because she is my child. Lahat ng kilos at pagbabago sa kilos niya ay alam na alam ko."

"T~tita, I~i'm s~or" Hindi na natapos ni Ellis ang sasabihin ng lumapit sa kanya ang isang tauhan. Alangan pa itong lumapit sa sa binata at iginigiya ang daan patungo sa labas. Kulang na lang ay mabali ang leeg ni Ellis upang matanaw ang ina ni Venice.

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon