Chapter 5.1
"Hello, Ellis?, yes narito na kami ng iyong papa kasama na rin si Issha." paliwanag ni Sophia sa kausap.
"Ikaw na lamang ang hinihintay. The program will start soon." Tumango tango ito na tila nasa harapan lamang ang kausap. Sa isip ni Sophia ay nais na nitong batukan ang anak dahil wala pa din ito. Alas siyete impunto ang usapan na magkita kita para sa dinner kung saan naroon sila.
"Hurry up! You're late! Bye." Mabilis na ibinalik ni Sophia ang cellphone sa kanyang purse bag.
"Nasaan na po si kuya, mama?" Tanong ni Issha sa ina.
"He's on his way anak. Let's go. doon na natin hintayin si Ellis sa ating table." Anyaya ni Sophia sa anak at asawa. Iniangkla ni Sophia ang kamay kay Zach sa kabila naman ay si Issha. Imbes na ang kapareha ng anak ay ang kapatid nito ay wala iyon at hindi alam kung nasaan ng lumpalop ng mundo.
"Iyan talagang panganay na anak mo, Zach. Pinasasakit niya ang ulo ko. Mabilis akong tatanda lalo sa anak mo. " Pabulong na angal ni Sophia. Ngunit sa harap ng mga tao ay patuloy ang pag ngiti nito.
"Hayaan mo na si Ellis. Matanda na iyon alam na niya ang kanyang ginagawa. You're still beautiful anyway." Pabulong na puri ni Zach kay Sophia.
"OhHH! Ang sweet naman talaga ng mga magulang ko." Pang aasar ni Issha.
"You'll find your own prince, honey. Someday, pero hindi muna ngayon." baling kay Issha ng ama.
"Hindi pa ako ready sa mga bagay na iyan papa, mama. Tutulong pa po ako sa pagpapalago ng negosyo." Paliwanag nito.
"Zach! Sophia here!" Kaway ni Gabriel sa di kalayuan. Ito pala ang kasama nila sa table.
"Kamusta Gab? Althea?" Nakangiting bati ni Zach sa pinsan at asawa nitong si Althea. Tumayo ang mga ito at bumeso sa kanila

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
Ficción General"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA