Chapter 10.2

12.9K 410 146
                                    

Chapter 10.2

Nang magising si Venice ay tila naguluhan siya, hindi pamilyar sa kanya ang silid at lalo siyang natigilan ng maramdaman na may mabigat na nakapatong sa isa niyang binti. Nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi ni Ellis ay mariin siyang napapikit. Alam niyang napakalaking pagkakamali ang ginawa niya ngunit alang-alang sa kanyang mga magulang ay gagawin niya lahat. Akmang babangon na siya ng maramdaman niyang mahigpit siyang niyakap ng katabi, binaon pa nito ang ulo sa may leeg niya. 



"Baby...it's still early." Bulong ni Ellis at muling sinubsob ang mukha sa leeg ni Venice. At ginawaran ng maliliit na halik. 



Mariing napapikit si Venice ng maramdaman ang ginagawa ng binata. Kailangan niyang pigilan kung hindi ay baka saan na naman sila humantong. "Mr. Dela Vega, I have to go home now." Marahan niyang binaklas ang braso nito na nakayakap sa kanya. 


"For god sake Venice! stop the formalities. Huwag kang umakto na parang wala lang sa'yo ang nangyari sa atin." Parang gustong sakalin ni Ellis ang dalaga naiinsulto siya sa ikinikilos nito. He bedded a lot of women pero ito lamang ang kauna-unahang babaeng nilambing niya after they made love. Lahat ng mga nakakasama niya sa kama ay hindi na niya pinapaabot ng umaga at kapag nakuha na niya ang gusto niya sa mga ito ay halos ipagtabuyan niya sila. 


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? What do you expect Mr. Dela Vega? It is just a deal and I hope you have a word of honor. " Tinalikuran na ito ni Venice at ng makita niya mga damit na maayos na nakatupi sa ibabaw ng sofa ay agad niya itong dinampot at dire-diretso sa banyo. 



Tiim bagang na lamang na sinundan ni Ellis ang dalaga. 



Napahawak sa dibdib si Venice ng pagbukas niya ng pinto ay nakatayo doon si Ellis na sadyang hinihintay siya. "What?" Inis na tanong niya rito ng ilang sandali ang lumipas ngunit nanatiling nakatitig lamang sa kanya. 



"Kailan ka ulit pupunta rito?" Wala sa sariling naitanong ni Ellis. 



Napakunot ang noo  ni Venice. "After few weeks itatawag ko na lang sa'yo kung ano man ang result." 


"What if the result is negative?" 


"Wait for the result, we'll cross the bridge when we get there." Hindi na nagpaalam pa si Venice rito. Dire-diretso na siyang lumabas sa silid nito. 

____________

Laking pasasalamat ni Venice dahil ilang linggo na ang lumipas ay hindi na siya muling inistorbo ni Ellis. Ngunit parang bigla niyang hinahanap hanap ang pangungulit nito sa kanya. Mula ng gabing may nangyari sa kanila ay hindi na nawaglit ito sa isipan niya. Napabuntong hininga siya ng maalala si Lilac, ang babaeng kinababaliwan ni Ellis. 


Naputol ang pagmumuni-muni niya ng dumating ang isa sa mga katulong nila. "Doktora, ito na po yung carrot juice ninyo." Marahan nitong inilapag ang isang basong juice sa harap niya. Mula ng nagdalaga siya ay hindi nawawala ang carrot juice sa kanyang breakfast menu. 

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon