Chapter 11.2
Inabutan ni Jessica si Venice na tahimik na nakaupo sa gazebo na nasa kubling bahagi ng kanilang hardin. Tila kay lalim na naman ng iniisip nito. Magmula ng mapaugnay ito kay Ellis ay naging malulungkutin na ang kanyang anak kaya naman kapag nakakaharap niya ang binatang Dela Vega ay hindi niya maiwasang pakitaan ito ng pagkadis-gusto.
"Venice, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na iwasan mo munang mag-isip ng mga problema dahil hindi iyan makakabuti sa bata." Umupo si Jesica sa tabi ng anak at marahang inabot ang isang kamay nito bago muling nagsalita. "Tandaan mo hija, lahat ng problema ay may solusyon at ang problema mo ngayon ay kayang-kaya namin ng papa mo na gawan ng paraan."
"Mama, ayoko na madamay pa kayo ng papa rito. Ako ang gumawa ng problemang ito kaya ako rin ang lulutas." Mariing tanggi ni Venice sa ina.
"Hindi mo kami mapipigilan ng papa mo dahil hindi namin kayang panoorin ka lang sa ganyang sitwasyon. Ang kapal ng Dela Vega na iyun! Ang lakas pa ng loob niya na pumunta rito pagkatapos ng panggigipit niya sa'yo." Marahang binitawan ni Jessica ang kamay ng anak bago napabuntong hininga.Kung hindi lang niya napigilan ang sarili kahapon baka nakapagbitaw siya ng masasakit na salita ka Xin Ellis.
Isinandig ni Venice ang ulo sa balikat ng ina. "Mama, siguro mas makakabuti kung pumunta muna ako ng America."
"No! I wont allow it. Huwag mong takasan ang problema mo Venice dahil maaaring lalong lumala pa iyan dahil sa paglayo mo."
"Nandito kanina si Ellis at pinagpipilitan pa rin niyang kunin ang bata." Pagsusumbong ni Venice sa ina. Unti-unti ng pinamamahayan ng takot ang kanyang dibdib dahil sa nakita niyang determinasyon ni Xin Ellis na makuha ang anak sa kanya.
"At paano nakapasok ang magaling na lalaking iyun?! Mahigpit kong ipinagbilin na hindi siya papayagang makatuntong muli rito." Napatayo sa kinauupuan si Jessica at pinagmasdan ang anak. "Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siya sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya.
"Hindi niya ako sinaktan pero muli niyang pinaalala ang kasunduan namin." Problemadong wika ni Venice. Walang kaalam-alam ang ina sa kasunduan nila tungkol sa mga properties nila na maaaring mapasakamay ni Ellis. Ang tanging alam lang nito ay ang demandang kahaharapin niya kapag hindi siya tumupad sa napag-usapan.
"To hell with that agreement! Magdemanda siya kung gusto niya, hindi natin siya aatrasan. Makakatikim sa akin ang lalaking iyun." Pilit na pinipigilan ni Jessica ang galit ngunit sa nakikitang kalunus-lunos na sitwasyon ng anak ay lalo siyang nanggigigil.
"Mama, hindi lang tungkol dun ang naging kasunduan namin." Napakagat sa pang-ibabang labi si Venice. Siguradong masesermunan siya ng ina kapag narinig nito ang ipagtatapat niya.
Nanghihinang muling napaupo si Jessica. Talagang napakatuso ni Xin Ellis dahil mukhang ginigipit nito ng husto ang kanyang anak. "Ano pa ang nakapaloob sa kasunduan ninyo?" Mahinang tanong niya sa anak.
"All of our properties under my name will be transferred to him including my bank accounts. " Nakayukong turan ni Venice, hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng ina. Hiyang-hiya siya rito dahil imbes na makatulong siya sa pagpapalago ng negosyo nila ay mukhang mawawala pa ang ilan sa mga ari-arian nila dahil sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
Ficción General"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA