Chapter 1.2 (Venice Almonte)
"I'm glad you have time to visit us." Nakasimangot na bungad ni Jesica sa dining room ng maabutan ang anak na prenteng nakaupo habang hinihintay silang mag-asawa.
Malambing na sinalubong ni Venice ang ina sabay yakap nito. "Mommy, I'm just busy in the hospital. I hope you'll understand and besides dito pa rin naman ako nakatira." Alam niya na malaki ang tampo ng mga magulang sa kanya dahil maraming mga mahahalagang okasyon siyang napalampas dahil sa kaniyang propesyon.
"Yeah, I almost forgot that my unica hija is a doctor and very dedicated to her job. She's willing to sacrifice her family just for the sake her patients. At kahit dito ka nakatira ay halos hindi ka na namin nakikita ng daddy mo." Mababakas talaga sa boses ng ginang ang pagtatampo sa anak.
Nagpapasaklolong tumingin si Venice sa ama na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Dad, please explain it to mom."
"Magmula sa simula hindi kami sang-ayon ng mommy mo sa pagdodoktor mo Venice dahil alam naming kung ano ang mangyayari. Look at you anak, almost everyday kulang ka sa tulog nag-aalala kami na baka ikaw naman ang magkasakit." Mahabang litanya naman ni Vincent sa anak. Matamang pinagmasdan nito ang anak at kahit nakasimangot ay mababakas pa rin ang gandang taglay nito na namana sa kanilang mag-asawa. She had an oval shaped flawless face. Her nose was a perfect shape slightly sloped upward and long lashes that even curled upward a bit and her eyes were a light brown as if they had a twinkle in them. She had perfect features like a models picture without all the garb of makeup. Her natural beauty made you want to stare at her features and wonder which one made her so outstandingly in beauty.
Napabuntong hininga si Venice ang akala niya ay kakampihan siya ng ama ngunit pati ito ay ipinapahayag ang pagkadisgusto sa napili niyang propesyun. "I wish I have siblings' para hindi ako ang laging nakikita ninyo."
"Hindi mo kasi kami naiintindihan ng daddy mo..."
"Mom, alam ko naman na nag-aalala kayo sa akin pero kaya ko na po ang sarili ko." Pagbibigay assurance ni Venice sa mga magulang para tigilan na siya sa pangungulit ng mga ito.
"We're also concern about our business. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana namin kaya umaasa kami na sana one of these days magkaintres ka na pag-aralan ang pagpapatakbo nito."
"Don't worry, kapag mag-aasawa ako I'll make sure that he can manage our business." Sabay kindat nito sa mga magulang. Dinaan na lamang niya sa pagbibiro para mawala ang tensiyon sa pagitan nila.

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
General Fiction"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA