Chapter 14.2

3.2K 114 56
                                    

"Mommy, nakausap mo na si titaSophia?" tanong ni Venice. Inabutan niya ang ina na prentengnakaupo sa living room habang hawak nito ang mobile phone.


"Alam mo mabuti na lang hindimahirap kausap si Sophia. Wala ka na tayong dapat ipag-alala dahilnagkaintindihan na kami." Nginitian ni Jesica ang anak.


Umupo si Venice sa tabi ng ina."Mommy, thank you so much. Ano kaya ang mangyayari sa akin kungwala kayo ni daddy?"


"Don't worry, hanggang kailangan moang suporta namin ng daddy mo nandiyan kami sa tabi mo." Matamisna muling nginitian ni Jesica ang anak.


"Sinabi ko rin pala kay Sophia nahindi natin ipagkakait ang bata sa kanila. Puwede silang bumisitarito kahit anong oras. Okay lang naman sa 'yo din ba?" pahayag niJesica.


"Mommy, kung ako ang masusunodayoko nang ma-involve pa sila sa magiging anak ko. We don't needthem."


"Venice, kung meron kayong hindipinagkakasunduan ni Xin Ellis huwag mong idamay ang mga magulangniya. Kung ako ang nasa kalagayan nila siyempre gusto ko rin naman namakilala ako ng apo ko," paliwanag ni Jesica.


"Gugulo lang ang buhay namingmag-ina kung nandiyan ang mga Dela Vega." Hindi matanggap ni Veniceang gustong mangyari ng ina.


"Mas lalong gugulo ang buhay natinkung ipagkakait mo sa kanila ang bata. Tandaan mo na may karapatandin sila lalo na si Xin Ellis. Wala rin tayong magagawa kunggugustuhin ni Xin Ellis ng equal custody sa bata. Kaya ngayon pa langihanda mo na ang sarili mo," pagpapaalala ni Jesica.


Mariing ipinikit ni Venice ang mgamata. Pakiramdam niya ay nagsisimula na namang sumakit ang kaniyangulo. Hindi kayang tanggapin ng kaniyang kalooban ang mga sinasabi ngina.


"Mommy, what do you think?"


"I've been in your situation. Atalam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Huwag kangmasyadong magpaapekto sa emosyon mo. Alam ko na nagagalit ka kay XinEllis pero hindi mo puwedeng itago ang katotohanan na may karapatandin siya sa magiging anak ninyo."


Napabuntong hininga si Venice. "Hindiko na alam ang gagawin ko. Kasalanan ko ito dahil pinatulan ko angkakokohan ni Xin Ellis, hindi ko na naisip na ako ang talo rito."


"Don't blame yourself, anak. I knoweverything happens with a purpose. Sa ngayon hindi mo panaiintindihan pero nasisiguro ko may magandang plano ang Diyos,"pagpapalakas loob na turan ni Jesica.


"Mommy, ano kaya ang magigingreaksiyon ni lolo and lola? Imagine, it's like history repeatsitself." Ngayon pinagsisisihan ni Venice ang naging padalus-dalosniyang desisyon. Maraming mga taong maaapektuhan dahil dito.


Nailing si Jesica. "Siguradongmasesermunan ka ng mga iyun. Ihanda mo na ang sarili mo pati sa lolaDivina mo. Tanggapin mo na lang kung ano ang mga sasabihin nila dahiltalagang napakalaking pagkakamali ng ginawa mo."


Magsasalita pa sana si Venice ngbiglang tumunog ang kaniyang cellphone. Napasimangot siya ng makilalaang numero. "Mommy, excuse me. I have to answer this," mabilissiyang tumayo at pumunta sa study room.


"What do you want this time?"pasinghal niyang tanong sa kabilang linya.


"Venice, ano na naman itongkaartehan mo?" balik tanong ni Xin Ellis.


Napataas ang kilay ni Venice. "Excuseme, Mr. Dela Vega. Kaartehan na ba kung ayokong pakasal sa 'yo?"


Lihim na napamura si Xin Ellis. Gustoniyang sigawan ang dalaga ngunit kung gagawin niya iyun ay baka maslalong lumala ang sitwasyon nila. "Venice, hindi ko na alam anggagawin ko sa 'yo. Ayaw mong ibigay sa akin ang bata ngayon naman napakakasalan kita ayaw mo pa rin. Ano ba ang gusto mong gawin ko?"May pagpapakumbaba na sa tinig niya.


"Leave me alone. Iyan angpinakamabuti mong gawin dahil tuwing nag-uusap tayo ay pinapainit molang ang ulo ko," mataray na tugon ni Venice.


"Ah, talagang sinusubukan mo ako. Ijust want to let you know, Dr. Venice Almonte that whether you likeit or not we'll get married," may pinalidad sa mga katagangbinitawan ni Xin Ellis.


May kabang naramdaman si Venice perohindi siya nagpahalata. "I didn't know that you're too desperate tomarry me," pang-uuyam ni Venice.


"Sabihin mo na ang lahat ng gustomong sabihin. Basta hindi ako papayag na solohin mo ang magiging anaknatin. May karapatan din ako sa kaniya. I'll see you tonight, honey."Hindi na hinintay ni Ellis kung ano pa ang sasabihin ni Venice. Kungsiya ang masusunod ay ayaw na niyang makipagtalo sa dalaga dahilinaalala niya rin ang kalagayan ng pagbubuntis nito.


"Ang hirap talagang kausap nglalaking iyun," bulong ni Venice.


"Anak, tuma..." Natigilan siJesica. Napansin niya na nakasimangot ang anak habang nakatitig sacellphone nito.


"Mommy, si Xin Ellis iyungtumawag," pagbibigay alam niya.


"Oh sorry, kung naistorbo ko angpag-uusap ninyo."


"It's okay. Tapos na kamingmag-usap. As usual nagtalo na naman kami." Naiiling si Venicehabang nagsasalita.

"Huwag mo na kasing pinapatulan,hindi makakabuti sa pagbubuntis mo. Kaya pala ako napasugod ditodahil tumawag ang lola Lulu mo."


"I miss them. Kumusta sila nilolo." Magmula bata ay talagang malapit na ang loob ni Venice sakaniyang lolo at lola.


"They're on their way here."


Umaliwalas ang mukha ni Venice sanarinig. Bigla niyang nakalimutan ang naganap na pagtatalo sa pagitannila ni Xin Ellis. "That's great!"


"They will stay here for fewmonths. Alam mo na ang ibig kong sabihin," seryosong turan niJesica.


Nanlaki ang mga mata ni Venice ngmaunawaan ang gustong iparating ng ina. "Oh god! It means,malalaman nila ang tungkol sa amin ni Xin Ellis."


"Yes! Dahil sa ayaw at sa gustonatin lalaki ang tiyan mo at hindi naman sila bulag para hindimahalata ito. Kaya ang mabuti nating gawin ngayon pa lang ayipagtapat na sa kanila ang totoo."


"Lalong gugulo lang ang sitwasyonkung makikialam pa sila pero wala akong pagpipilian. I have to facethe consequences." Naisip ni Venice ay buti na lang talaga aynapapayag ng kaniyang mommy si Sophia upang huwag ituloy angpamamanhikan mamayang gabi dahil kung nagkataon ay talagang hindi nasiya makakaatras. Nasisiguro niyang masusunod ang desisyon ngkaniyang lolo Alejandro.

_______

A.N. 

Happy reading! ^ ^


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon