Chapter 5.2
"May nahanap ka na ba?" Bulong ni Venice kay Dale Andrew ng mapagsolo sila. Laking pasasalamat niya ng tantanan siya ng mga magulang ng kaibigan kaya nang makakuha siya ng pagkakataon para makausap si Dale Andrew ay hindi na niya pinalampas.
"Venice, ang hirap ng pinapagawa mo. Puwede bang humingi ka na lang sa akin ng kahit na anong pabor dahil walang matinong babae ang papayag sa gusto mong arrangement." Nagpapaunawang turan ni Dale Andrew.
Wala silang kaalam alam na di kalayuan ay pinagmamasdan sila ni Issha. Nang ikwento sa kanya ng kanyang kuya Xin ang nangyari sa hospital ay doon na nagsimulang nabuhay ang pagkainis nito kay Venice kahit hindi pa niya personal na nakikilala. Ngayong nakilala na niya ito ay lalo siyang naiinis dito lalo na at nakikita niyang masyado itong close kay Dale Andrew. Parang hindi niya kayang tanggapin ang isang iresponsableng doktor na gaya ni Venice Almonte ay mapapabilang sa pamilya nila.
"Kuya Andrew, I have something to consult to you." Malambing na nilapitan ni Issha ang pinsan, hindi man lang niya tinapunan ng sulyap si Venice.
"It's about business at gusto ko sana na tayong dalawa lang." Binigyan niya ng diin ang huling salitang binitawan.
Agad namang naunawaan ni Venice ang gustong mangyari ni Issha. "Dale Andrew, I'll go ahead, pakisabi na lang kina tito at tita." Paalam ni Venice.
"Venice, it's too early halos kadarating mo lang." Protesta ni Andrew.
"Kailangan kong dumaan sa hospital may mga aasikasuhin pa ako." Naiilang din si Venice ay mapanuring tingin ni Issha. Nagiging palaisipan sa kanya kung bakit ganito ang pakikitungo sa kanya ng dalaga.
Pagak ang pinakawalang tawa ni Andrew. "You should enjoy your life. Lagi ka na lang nssa hospital, sige ikaw rin baka paggising mo isang umaga ay matanda ka na."
Nagkibit balikat na lang si Venice bago nito binalingan ang supladang pinsan ni Andrew. "Issha, mauna na ako." Tipid na nginitian niya ito.
Nang makalayo si Venice ay agad na hinarap ni Issha ang pinsan. "Kuya, nililigawan mo ba si Dra. Almonte?" Halata sa tinig niya ang pagkadisgusto kay Venice.

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
Fiksi Umum"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA