Chapter 8.2

6.2K 284 40
                                        

Chapter 8.2


Nang mga sandaling iyun ay galit na galit si Venice habang hinihintay si Ellis. Talagang hindi siya tatantanan ng lalaki hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Kanina habang binabasa ang mga dokumentong ipinagpilitan nitong iabot sa kanya ay nakaisip siya ng paraan upang matigil na ang kalookohan ni Ellis. "I'll give him a dose of his own medicine."  Kausap ni Venice sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga taong paroo't parito sa labas ng coffee shop. 



Napapitlag siya ng tumunog ang celphone na nasa ibabaw ng mesa. Nagmamadali niya itong dinampot ngunit nadismaya siya ng makita ang number na nakaregister. Ang kanyang mommy ang nasa kabilang linya. "Mommy...." 



"Venice, where are you? Kanina pa kami naghihintay ng daddy mo." Bungad ni Jesica ng marinig ang boses ng anak. 



"Nandito pa po ako sa hospital." Pagsisinungaling niya sa ina.  Nawala sa isipan niya na may usapan sila ng mga magulang na dadalawin nila ang kanyang tito Dennis at  tita Emer niya ng araw na iyun. 



"Don't tell me na may emergency na naman diyan at hindi mo puwedeng iwan?! Por dios po santo anak! Alam nila na kasama ka naming uuwi ng San Simon." Nagsimula ng magtaas ng boses si Jesica. Madalas nilang pingtatalunan ng anak ang tungkol sa propesyon na napili nito dahil nawawalan na ito ng oras para sa personal na bagay. Lagi niyang pinagdarasal na sana dumating ang araw na makakilala si Venice ng isang lalaki na makapagpabago rito. 



"Mommy, this is important. It is not about my job...." Napabuntong hininga si Venice, hindi niya alam kung sasabihin niya rito na makikipagkita siya kay Ellis. 



"It is about Xin Ellis Dela Vega right?" Medyo naging mahinahon na si Jesica, nahimigan niya ang bigat na dinadala sa dibdib ng anak. "Huwag mo ng problemahin ang tungkol sa business natin anak, kami ng daddy mo ang gagawa ng paraan. If he wanted to terminate our verbal contract with them then let him basta huwag kang papayag sa gusto niyang mangyari." Mahigpit na bilin niyang bilin dito. 



"Mommy, I'll explain it to you later. Mauna na kayo ng daddy na umuwi ng San Simon susunod na lang ako. Magpapamaneho na lang po ako kay mang Fred." Tukoy niya sa kanilang family driver. 



"Okay, basta siguruhin mo na makakaluwas ka dahil magtatampo sa'yo ang tita Emer mo. Mag-iingat ka rin sa pakikipag-usap kay Ellis, he's heartless businessman huwag na huwag kang makikipagdeal sa kanya." Mahigpit na pagpapaalala ni Jesica sa anak. 



Napakagat sa labi si Venice bago sumagot. "Yes mommy." Kung alam lamang ng kanyang ina ang binabalak niya ngayon ay siguradong magpapanic ito. Kaya minabuti na lang  niyang huwag na munang sabihin dito ang hinaharap na naman niyang problema. 


Walang kamalay malay si Venice ay kanina pa siya pinagmamasdan ni Ellis habang nakikipag-usap sa telepono. Napapangiti si Ellis habang patuloy niyang pinag-aaralan ang kabuuan ng doktora at may kung anong sumisingit sa kanyang isipan na mas mainam kung ito ang magiging ina ng kanyang magiging anak. Mula sa di kalayuan na kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng dalaga, at ng napakagat ito ng labi ay may kung anong binuhay ito sa kanyang katawan. 



"Damn!" Mura ni Ellis sa sarili. Naiinis siya dahil  bigla na lamang siyang nagkaroon ng pagnanasa sa dalagang doktor. Nang nakita niyang tapos ng makipag-usap ito sa telepono ay nilapitan na niya ito. 



Napasimangot si Venice ng matanaw si Ellis na papalapit. Halos isang oras siyang pinaghintay ng lalaki kaya hindi niya hahayaan na mawalan ng saysay ang pag-uusap na ito. "Akala ko hindi ka na darating Mr. Dela Vega." Seryosong bungad niya rito ng tuluyang makalapit ito sa kinauupuan niya. 



"You should be thankful na pinagbigyan ko ang request mo. Ano ba ang pag-uusapan natin?" Preskong tugon ni Ellis bago hinila ang silya sa tapat ng dalaga. At ng magtama ang paningin nila ay hindi maipaliwanag ni Ellis ang naramdaman, bumilis ang tibok ng kanyang puso.  Agad niyang sinaway ang sarili dahil hindi nito kailangang malaman na ganito ang epekto niya sa kanya. 


Napataas ang kilay ni Venice. "Alam mo kung ano ang dapat nating pag-usapan." Sabay pabagsak na lapag ni Venice sa envelope sa harap ni Ellis. "Ano na namang kalokohan ito Mr. Dela Vega?" Pinipigilan niya ang tumaas ang boses, ayaw niyang makaagaw ng atensiyon sa mga nasa kabilang mesa. 



"Sinabi ko naman sa'yo that I'll make your life miserable dahil sa kapabayaan mo sa trabamo mo. Nagsisimula pa lang ako Venice." May pagbabanta ang pananalita ni Ellis. 



Nakipagsukatan ng tingin si Venice, hindi niya dapat ipahalata sa kaharap ang kabang nadarama. "Alam kong nakukuha mo ang lahat ng gusto mo at hindi mo ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag na maging baby maker ninyo ni Lilac." 



"Hu-hmmm. So... pumapayag ka na sa kondisyon ko? Iuurong ko ang kaso mo." Nakakasilip na ng tagumpay si Ellis, alam niya ilang sandali na lamang ay mapapapayag na niya ito. 



'Yes, pero may mga kundisyon ako." Taas noong turan ni Venice. 


Umaliwalas ang mukha ni Ellis pagkarinig sa pagpayag ng dalaga. 


"Papayag akong maging baby maker mo pero sa akin ang egg cells not from Lilac." Patuloy ni Venice. Kung naririnig lamang siya ng mga magulang niya ngayon ay baka inatake na sa puso ang kanyang ama. 


"Wait a minute....this is not what I want...." Pagpoprotesta ni Ellis sa gustong mangyari ni Venice. Pero sa kaibuturan ng puso niya ay may excitement siyang nadarama. 



"This is what I want...dahil ako ang magbubuntis at hindi naman ako papayag na dadalhin ko sa sinapupunan ko ang anak ng ibang tao. And one more thing I want natural conception." Halos pigil ni Venice ang hininga habang hinhintay ang magiging reaksiyon ni Ellis. 



Hindi makapaniwala si Ellis sa naririnig mula kay Venice. She wants natural conception ibig sabihin nito ay may sex na involve sa pagitan nila. Iniisip palang niya na nakakulong sa mga bisig niya ang dalaga ay may hiwaga ng nangyayari sa kanyang katawan. Ayaw niya sana sa ideya nito ngunit hindi rin naman niya mapapalampas ang pagkakataon na makasama ang dalaga. 

__________________________________________

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon