Chapter 7.2
Nagmamadali si Jesica habang pababa halos muntik na nga niyang mabunggo ang anak. "Sorry anak. Kadarating mo lang ba?" Habang nagsasalita ay patuloy ito sa pagbaba.
"Kanina pa po ako nakipagkuwentuhan muna ako kay daddy naabutan ko siya sa lanai. Mukhang may importante kang lakad mommy." Usisa ni Venice sa ina.
"I'm going to meet Sophia Dela Vega and I'll discuss our problem to her." Maluwag ang pagkakangiti ni Jesica sa anak, nasisiguro siya na maayos na ang problema sila sa shopping mall.
"Kasama mo ang tita Althea?" Muling tanong ni Venice.
"No anak, nasa Italy ngayon ang tita Althea mo second honeymoon nila ng tito Gabriel mo. Pero ang tita Althea mo ang nag set ng meeting na ito to discuss our problem."
Tumango na lamang si Venice, malaki ang tiwala niya sa kanyang ina pagdating sa pagnenegosyo. "Good luck mommy, sana may maitulong si Mrs. Dela Vega sa problema natin but I want to remind you na masama ang ugali ng Xin Ellis na iyun." Tuwing naaalala ni Venice ang lalaking yun ay nanggigigil siya sag alit.
"Mauna na ako anak, nakakahiya naman kung si Sophia pa ang paghihintayin ko." Nagmamadali ng tinungo ni Jesica ang driveway kung saan naghihintay ang kanilang driver.
Sa isang coffee shop nagkita sina Jesica at Sophia. "Mrs. Dela Vega, I'm glad na pinagbigyan mo ako." Nakangiting bungad ni Jesica.
"Let's drop the formality just call me Sophia, okay lang ba Jesica?." Palakaibigan ang tono ng pananalita nito. Umupo si Sophia sa tapat ng kinauupuan ni Jesica, kaninang pagpasok niya sa coffee shop ay agad na niyang napansin na mukhang balisa ito kaya alam niyang may pinoproblema ito kaya lang ay mas gusto niyang ito ang unang magbukas ng usapan tungkol dito.
Napangiti si Jesica, medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil mukhang makakasundo niya si Sophia. "Thank you Sophia for your time, alam kong napaka busy mo."

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
General Fiction"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA