Chapter 4.1
Inis na inis na nilisan ni Ellis ang opisina ni Dra. Borden. Pabalya niyang isinara ang pintuan ng kwartong iyon. Ang ibang doktor at nurse ay nagulat pa sa ginawa niya. Tinungo niyang muli ang kwartong inuukopa ni Lilac. Sumilay ang ngiti sa knyang labi, ngunit mabilis din iyong nawala ng mabanaag niyang malungkot ito. Mabilis pa sa alas kwatrong pumasok si Ellis sa kwarto ni Lilac at tinabihan ito.
"Hey, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Ellis. Tulala lamang si Lilac. Akala ni Ellis ay hindi pa siya nito iimikin. Ngunit maya maya lamang ay nilingon nito ang gawi niya.
"Ang baby ko, Ellis. Nasaan siya?" Tanong nito sa kanya. Ramdam niya ang pighati sa tinig nito. Kung may paraan lamang para maibalik ang buhay ng bata ay gagawin niya ang lahat. Ngunit wala na silang magagawa. Kung hindi lamang ang Dra. Almonte na iyon ang naging doktora ni Lilac siguro ay naisalba ang bata.
"I~I'm really sorry, Lilac. Hindi naisalba ang bata ng doktor na umasikaso sa iyo." Nag unahan ang pagpatak ng mga luha nito. Pinili ni Ellis na daluhan ito at aluin. Marahang iniabot ni Ellis ang dalawang kamay nito at ikinulong sa mga palad niya.
"Please Ellis, bring my baby back. Siya lamang ang tanging kayamanan ko." Pag mamakaawa nito sa binata.
Awang awa si Ellis sa lagay ni Lilac. Pinakalma niya ito hanggang sa makatulog. Mas pinili niyang mag lagi pa roon upang mag isip ng solusyon sa problema ng minamahal. Nang maalala ni Ellis ang usapan niya at nang magulang ay agad siyang napatayo.
Napangiti na lamang si Ellis sa naisip. Kailangan niya ng tulong ng Dra. Almonte na iyon upang maisakatuparan ang balak niya. Dapat lamang na mangyari iyon sa lalong madaling panahon kung hindi ay kukulitin na naman siya ng magulang. Ang masama pa roon ay tatanggalan si Ellis ng mana at lahat ng properties na nakapangalan sa kanya. Iyon ang pinag usapan nilang mag ama. Kinuha ng binata ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.
"Yes, Si Ellis ito. I need you to find information about someone. Her name is Dra. Venice Almonte." Huminto ito sa pagsasalita at patuloy na nakinig sa kabilang linya.
"Yes, you're right. She's the same doctor. Send it to me, A.S.A.P." Iyon lamang ang sinabi ni Ellis at mabilis na ibinalik sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Muli siyang lumapit sa kinaroroonan ni Lilac.
"Sana ay maaring mangyari ang naiisip kong plano. Sana rin ay pumayag ka, Lilac. This is for you. Ikaw lamang ang inaalala ko. I can give you my son if you want." Tanging nasabi ng binata at lumabas ng silid na iyon. Tinungo niya ang opisina ni Dra. Borden upang maumpisahan ang nais niya.

BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
General Fiction"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA