Chapter 10.1
Tanghali ng nagising si Ellis kinabukasan, una niyang naalala ang pag uusap nila ng doktora.
Agaran niyang hinagilap ang cellphone at tinawagan ang dalaga. Halos maibato ni Ellis ang cellphone ng hindi man lang ito sagutin.
"Oh baby, Please answer your phone!" Kausap niya sa sarili hindi alintana ang salitang lumabas sa bibig. Ilang beses pa muli niyang sinubukan na tawagan ngunit bigo pa din. Sinimulan niyang magtipa ng mensahe.
Dra. Almonte;
I'll see you tonight, Venice.
Xin Ellis DV.
Ganoon lamang kasimple at ipinadala iyon kay Venice. Agaran kumilos ang binata upang makipagkita kay Lilac.
Ito ang pupuntahan niya ngayong araw. Sa isip niya ay nag aalangan pa. Paano na lamang kung hindi pumayag si Lilac sa kundisyon ni Venice? Itutuloy pa ba niya ang balak. Malaki ang posibilidad na tumanggi ito. Sa huli ay umaasa si Ellis na sumang ayon si Lilac.
Ilang beses na niyang sinipat ang cellphone habang nasa biyahe para sa mensahe ni Venice ngunit wala man lang dumarating. Tila nag iinit ang ulo niya sa ginagawang pang iisnob ng Almonte na iyon.
Sa huli ay marahas na dinampot muli ang cellphone at idinayal ang numero ng doktora. Sa pangatlong ring ay may sumagot, hindi na hinintay ni Ellis na magsalita ang nasa kabilang linya.
"What the hell woman?! I've been calling you since last night! Why aren't you answering? The deal's tonight!"
"Who's this? Why are you shouting at my daughter at anong deal ang tinutukoy mo?" Natigilan si Ellis at inihinto ang sasakyan sa tabi.
"I~i'm sorry. Am I calling the wrong number? Am I talking to Venice Almonte?" Halos mautal ang boses ni Ellis sa pagtatanong sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Thoughts of You
Ficción General"I only know that the first time is accidental, the second time is inevitable and the third time is by fate." -VTA