Chapter 3.1

5.9K 227 5
                                        

Chapter 3.1

Sinakto talaga ni Ellis na makauwi sa oras ng hapunan sa kadahilan na pinilit ng ina na sila ay sabay-sabay na kumain. Alam niyang maaring hindi lamang iyon ang dahilan. Nasa biyahe na sana siya patungo sa sariling condo na malapit lamang sa opisina. Minsan ay doon ito nagpapalipas ng oras kapag ayaw niyang maistorbo ng makulit na ina. Sa bukana pa lamang ng bahay ay may naghihintay na sa kanya.




"Hi Kuya! Kanina pa kita hinihintay, hindi na kita nakikita." Himig pagtatampo nito. Alam niyang naglalambing lamang ang nakababatang kapatid dahil sa iilang linggo na nilang hindi pagkikita. Abala si Ellis sa trabaho samantalang si Issha naman ay sa pag aaral nito. Huling taon na nito sa kolehiyo.




"Tss, nasaan sina mama at papa?" Tanong nito kasabay ng paghalik sa noo. Magka akbay silang sabay pumasok ng kabahayan.




"Nandoon na sila sa hapag at nag uusap ni papa. Hinintay talaga kita ng marinig ko sa intercom na nasa gate ka na." Ngiti nito sa kanya.




"Do you need something from me? Why so malambing Issha?" pagbibiro ni Ellis sa kapatid.




"Oh my! Kapag naglalambing ba ako sa iyo, kuya. Does it mean na may kailangan ako sa iyo? Ang sama mo!" Nagulat siya ng kumalas ito bigla. Walang lingon likod na nauna itong pumasok kung nasaan ang mga magulang.




"Iho, It's good that you're already here. Halina't maupo nang tayo ay makapag hapunan na."Anyaya ni Zach sa anak. Nagbigay galang si Ellis sa mga ito at muling nilapitan ang nakakababatang kapatid.




"Sorry na lil girl. Bati na tayo." Maagap niya itong hinalikan sa ulo. Maingat siyang naupo sa tabi nito. Tahimik at mapayapa sana ang kanilang hapunan kung hindi lamang nag umpisa ng usapan si Issha.




"Oh mom? How's Aunt Lilac by the way?" Tanong nito sa ina. Nanigas siya sa kanyang kinauupunan ng marinig ang pangalan ng minamahal. Nang lingunin ni Ellis ang ina ay mataman na pala itong nakamasid sa kilos niya. Napatuwid na lamang siya ng upo at tumikhim.




"She's doing fine. Sana ay makalabas na nga siya. At Ellis, ano itong nabalitaan kong halos mag eskandalo ka roon sa ospital?" Tugon ni Sophia sa anak bago magpatuloy sa pagkain.

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon