Chapter 4.2

5.3K 203 4
                                    

Chapter 4.2


Pabagsak na naupo si Venice biglang nanikip ang kanyang dibdib. Halos pabalibag niyang ibinaba ang telepono."Napakawalang hiya talaga ng lalaking yun! Saan ako hahanap ng babae na papayag sa kagustuhan niya?" Nagngingit siya sa galit dahil sa gustong ipagawa sa kanya ni Ellis. 




Nagmamadaling binuksan ni Venice ang laptop na nasa harapan at sinimulan niyang isa-isahin ang mga profile ng mga kaibigan na alam niyang may maitutulong sa kanya. Biglang naalala niya ang isang kaibigan. Dali-dali niyang dinampot muli ang telepono. 





"Dale Andrew, I need your help." Wala ng paligoy-ligoy na bungad ni Venice ng may sumagot sa kabilang linya. 





"Kung hindi mo kailangan ang tulong ko hindi ka makakaisip na tawagan ako." May halong pagtatampo sa tinig nito. 





"At kailan ka pa natutong magdrama?" Pang-aasar ni Venice. 





"Bigla mo na lang akong iniwan sa ere ng magkaproblema ako kay Margarette. Anong klase kang kaibigan? Pero kahit na ganun ang ginawa mo sa akin I'm still willing to help you." May halong pangongosensiya na turan ni Dale Andrew. 




"Sorry, naging busy na ako sa hospital." Malambing na wika ni Venice. Alam niya ang kahinaan ng kaibigan, kapag nilambing na niya ito ay agad nawawala ang tampo. 




"What's your problem this time?" Biglang na curious si Dale Andrew. 




Nagpakagat sa pang-ibabang labi si Venice, hindi niya alam kung paano niya sisimulang sabihin dito ang kinasasangkutang problema. "Puwede mo ba akong paghanap ng isang babae na puwedeng maging baby maker?" 




"What?! Are you serious?" Hindi makapaniwala si Dale Andrew sa sinabi ni Venice. 




"I'm willing to pay her kahit magkano. Ikaw lang ang kilala kong malapit sa mga babae baka naman isa sa kanila ay mapakiusapan mo." Desperado na talaga si Venice na malutas na agad ang problema niya para mawala na sa landas niya ang mayabang na si Xin Ellis.

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon