Chapter 6.2

5.6K 211 19
                                    

Chapter 6.2

"Venice, where are you?" Mababakas sa boses ni Jesica ang lungkot habang kausap ang anak sa telepono.




"I'm on my way home. Something wrong mom?" Medyo binagalan ni Venice ang pagmamaneho dahil bigla siyang kinabahan ng marinig ang kakaibang tinig ng ina. Sigurado siyang may problema ito.




"Okay, I'll talk to you later. Ingat ka sa pagdadrive." Pagpapaalala ni Jesica kay Venice.




Pagkababang pagkababa niya ng tawag sa ina ay muli na namang nag ring ang celphone. "Sana naman walang emergency sa hospital." Bulong ni Venice nang makita ang hindi kilalang number na nakaregister sa screen ng phone niya. Iniisip niya na baka isa sa mga nurse galing ang tawag. Kung maaari nga lang ay paliparin ang minamanehong sasakyan para makauwi na ay kanina pa niya ginawa, masyado siyang nag-aalala para sa ina.




"Hello..." Matamlay niyang bungad.




"Dra. Almonte, I want to meet you right now." Aroganteng bungad ng lalaki sa kabilang linya.




Hindi na kailangang hulaan ni Venice kung sino ang kausap sa kabilang linya. Napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito. "Mr. Dela Vega, kung busy kang tao ganun din ako at may mga schedule rin akong sinusunod. If you wanted to meet me call my secretary in the hospital para maisingit ka sa schedule ko." Pagtataray niya sa kabilang linya. Kung bakit ba naman kasi mukhang wala sa bokabularyo nito ang salitang pakiusap. Tuwing magsasalita ito ay tila haring gustong lagi siya ang nasusunod.




Pagak na tawa ang pinakawalan ni Ellis. "Let's see baka kapag nalaman mo ang hinaharap mong problema ikaw mismo ang magmakaawang makipagkita sa akin. Sa tingin ko hindi mo pa alam ang nangyayari."




Magsasalita pa sana si Venice ngunit busy tone na ang kasunod na narinig niya sa kabilang linya. Halos gusto niyang ibato ang hawak na telepono dahil sa galit kay Xin Ellis.





Hanggang makauwi ng bahay si Venice ay nagpupuyos ang kalooban niya. Pabalabag niyang isinara ang pintuan ng kotse niya na ipinagtaka ng sumalubong na kasambahay sa kanya.




"Ma'am, mukhang may kaaway po kayo." Alanganin nitong salubong kay Venice bago tinulungan ang amo na magbitbit ng mga gamit.

The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon