Chapter 9.1

5.8K 210 13
                                        

Chapter 9.1


Iniisip ni Ellis ang planong inilatag ni Venice ilang araw na ang nakakaraan. Hindi pa muling nakakausap ng binata ang doktora.


"Hindi, hindi maari ang nais ni Venice. Paanong magiging anak namin iyon ni Lilac kung sa natural na paraan namin gagawin! Dugo't laman naming pareho?" Litanya ni Ellis habang kinakausap ang sarili.


Marahas na napatayo ang binata at naglakad pabalik balik sa loob ng sariling kwarto sa mansyon. Kahit na litong lito sa balak ng doktora ay tila nag iba ang pintig ng puso ni Ellis. Naisip ng binata na kailangan nito ng kausap. Hindi maari ang kapatid dahil wala ito sa mansyon. Nag desisyon na lamang si Ellis na magpunta sa Bar ng kaibigan at doon mamalagi para makapag isip. Agad din nitong hinagilap ang personal na gamit at susi ng sasakyan. Papalabas na si Ellis sa bukana ng marinig ang ina.


"Saan ang tungo mo, Ellis? Gabi na anak." Napapikit na lamang ang binata, matamis ang ngiti ng hinarap nito ang ina.


"May pupuntahan lamang po ako, ma. My sister's not home, I am bored." Paliwanag nito sa ina.


"Okay, don't get laid tonight Ellis. Mag ingat ka." Paaalala ni Sophia.


"Yes ma, please mag pahinga na po kayo at gabi na."


"Oo anak, by the way kamusta nga pala ang status niyo ni Venice? Iyong doktora na gustong gusto ko para sa iyo." Nang maalala ang dalaga ay ginamit ito para makatakas sa ina.


"That's why I'm going out ma. Lalabas kami ni Venice ngayon. Ang totoo ay nais ko siyang masurpresa sa hospital dahil my duty siya ngayong gabi. Kahit man lang masabayan ko siya sa pagkain at makilala na namin ng lubusan ang isa't isa." Tama nga si Ellis dahil ng marinig ng ina ang mga sinabi ay ngumiti ito ng pagka tamis. Bigla ay pinagtulakan ang anak palabas ng kanilang mansyon.


"O siya, sige na at pumaroon ka na sa magandang dalaga Ellis. Kung maari lamang na iuwi mo na ang doktora ay tiyak na ikatutuwa ko. Balitaan mo ako sa mangyari ngayong gabi, Ellis." Isang mabilis na halik ang ibinigay ni Ellis habang natatawa sa ina. at agad tumulak paalis.


Naroon na ang iilang kaibigan ng dumating si Ellis sa bar na lagi nilang pinupuntahan. It is owned by his father. The Barricade, binata pa lamang ang ama ng itinayo ang lugar na iyon. Ilang dekada na ang nakalipas at tinatangkilik pa rin ito ng mga tao. Mayroon na silang branch nito sa Asia at sa buong PIlipinas. Ngayon nga ay kay Ellis na ito pinamamahala.


"What's up bro? Bakit nagpatawag ka ng meeting? Problem? Women? Got someone pregnant? Naku, matutuwa niyan si Tito Zach." Tawang tawang pahayag ni Skyler, Nag iisang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang. Halos kasing tangkad ni Ellis si Skyler ngunit mas malapad ang katawan nito sa kanya. Nakatali ang buhok nitong kulot at hanggang balikat. Katulad ni Ellis ay iba din ang kulay ng mata nito. Kulay abo na minana din sa ama.


"Shut up, Sky! I hope Tito Hunter and Tita Rizalyn finds out what are you hiding." Bakas sa mukha nito ang pagka gulat sa sinabi.


"F*ck bro, what do you know?" Nanlalaki ang mata ni Sky na nagtanong kay Ellis. Mabilis na lumapit si Ellis at may ibinulong.


"Got you now, baby boy huh?!" Pang aasar ni Ellis rito ng makitang tila naubusan ng kulay ang gwapong mukha.


"F*ck you Ellis, don't you dare tell my parents that!" Tinapik tapik lamang ni Ellis ang balikat ng kausap at mabilis na iginiya ito paupo.


The Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon