CHAPTER 33

442 14 0
                                    

(Tori's POV)

The dinner was so awkward. Roni can feel the tension between the four of them. She can't even put the finger on what she was feeling right now.

Napatingin siya ng lihim kay Roni. She wants to say sorry. Hindi niya gusto ang halikan ni James but she was so torn between choosing in the present moment because of the secret she keeps. She unconsciously put a hand on her stomach.

'I'm sorry. I am such a bad----'

"So James, did you hear that Silver is dead?"

Napalingon siya kay Roni. Hindi niya alam kung bakit nito iyon tinanong kay James. Roni was seriously staring directly at James while saying those words.

James settled on his chair. Tila saglit itong hindi mapakali. He was also caressing his jaw with his fingers. Tumikhim ito.

She suddenly became interested. James doesn't usually caress his jaws. Kapag guilty ito o may gustong iwasang topic lang nito ginagawa iyon. She observed James. What are you guilty about, James? Are you guilty just the same as me? What are you trying to hide?

"Yes, I heard. And it was an unfortunate event. He was the center player after all."

"Hindi mo man lang naisipang tanggihan ang position? Because honestly, if it were me. I would suspect you have something to do with his death."

Doon na tumawa si James. "Why would I do that. He was also my friend. Isa pa I was with Dean that time." Tumingin ito kay Dean. "Di ba Dean?"

Napalingon sila kay Dean.

Saglit na tumitig ng seryoso ang Kuya niya kay James. "Yes he was really with me."

Tila hindi naman naniniwala si Roni dito. But seeing that it was confirmed by Dean. Alam nilang totoo ang sinasabi ni James. Dean is known for saying the truth all the damn time.

"No. Kahit sabihin mo pang kasama mo ang kapatid ko. There's clearly something you are not telling us. Parehas kayo ni Kuya." Roni said with conviction. Tiningnan pa nito ang kapatid nito.

"Ano bang gusto mong palabasin, Roni?" Kumunot na ang noo ni James. Mukhang nag sisimula na din itong mapikon. "Na sinungaling ako? Ayaw mo ba ng narinig mo sakin? Well kung gusto mo hukayin mo ang bangkay ni Silver. Itanong mo kung sino pumatay sa kanya. 'Cause honestly di pa din alam ng mga pulis hanggang ngayon."

Tumayo na ito. "You are such a buzzkill sometimes. I'm outta here."

Kita niya sa mukha nito ang pagkapikon.

"J-James----"Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng hindi man lang siya nito nilingon. Tuloy tuloy lang itong lumabas.

"James!" Dean also said. Ito ang tumayo para sundan si James pero hanggang pinto lang din ito. He stopped to look at his sister.

"Little sis. That's rude. Di pa talaga alam kung sino ang pumatay kay Silver. And you are clearly accusing us. Parang sinabi mo na din na kaya kong mag sinungaling sa inyo."

Mariing umiling si Roni. "When our hands are forced, sometimes we can be against our ideals and morale, Kuya. And I hope you don't."

Seryoso ang tingin ni Dean. "You know me little sis. Hindi ako sinungaling." Saka ito lumabas para sundan si James.

"R-Roni?"

Nakita niya kung paano bumagsak ang balikat ni Roni. She was clearly just trying to hold on to her resolve.

"R-Roni?" Tori looked at Roni's face.

She tried so hard to appear calm and collected. Ayaw siguro nitong makita ni James ang kahinaan nito but when it's the two of them. Ngayon lang niya nakita ang pag aalala sa mukha nito.

"A-Are you ok?"

Agad siyang lumapit dito para yakapin ito. She wants Roni to know na andito lang siya para dito.

Ngumiti ito pero agad din siyang tinitigan nito sa mata. She sniffed the t-shirt Roni was wearing. Ma m-miss niya ang amoy nito kapag umuwi siya sa probinsiya.

"What are you doing?"

Roni's shoulder became relaxed and her shoulders moved in an up and down motion with her laughing. Umangat ang sulok ng labi niya. Gusto niya ang mga ngiti ni Roni ngayon.

"I'm sniffing your clothes. Ma m-miss kasi kita kapag umuwi na ako mamaya sa bahay ni Aunt Clara."

"Ok. Pero tama na baka maubos ang amoy ko. Tsaka ihahatid pa kita sa sakayan ng bus pauwi sa inyo di ba?"

"Sige na nga." Naka pout na turan niya. "Para aamoy lang eh ang damot. Ma m-miss mo din ang pag lalambing ko sayo ng ganito."

"Bakit saan ka ba pupunta ha? Baby ko?" Marahan siya itong kinabig ulit palapit dito. "Ok sige na nga singhutin mo na ulit yung t-shirt ko baka kulang pa ang pag aadik mo."

Kung alam lang nito kung saan siya pupunta. Will Roni still chase after her? Even if she's broken because of what Tori was about to do?

Lumungkot ang mga mata niya pero agad siyang ngumiti nang tumititig ito sa mata niya.

Nakasimangot na ngumuso ulit siya. Totoo naman na ma m-miss niya ito. She doesn't want to let go of Roni now. "No! Hindi na. Hatid mo na ako sa bus stop."

Napailing na lang ito. Minsan naiisip siguro nito na may period siya dahil paiba iba ang mood niya. Pero kung alam lang nito ang totoong dahilan. Sa naisip ay nalungkot siya.

"Sige na nga tara na."

7 pm pa naman kaya makakahabol pa sila sa 7: 30 na schedule ng mga bus. Nag suot ito ng jacket bago sila umalis sa condo nito. Dala dala din niya ang back pack niya na lagi niyang daladala pauwi. They hopped on Roni's car and they drove off to the bus station.

Hindi naman kasi siya gumagamit ng kotse kapag pupunta sa tiyahin niya pauwi. Yun kasi ang bilin ni Aunt Clara dahil medyo delikado nga ang daan papunta sa bayan. Mahirap namang bumiyahe mag isa lalo pa at madilim din ang kalsada na iyon. Marami daw ang nadidisgrasya doon.

"Roni. What if may malaman ka tungkol sakin, na masama. Kaya mo pa din ba akong patawarin?" mayamaya ay tanong niya ditto nang nasa highway na sila.

She wants to know para maihanda niya na ang sarili niya sa posibilidad na kamuhian siya nito.

Nilingon siya nito saglit. Saka napakunot ang noo nito sa tanong niya. "Why?"

"Kasi kung halimbawa. Life and death situation.... yung mga ganun ba?" Alanganin ang ngiting ipinakita niya ditto.

Roni smiled at her.

Ma m-miss ni Tori ang mga ngiti nitong iyon para sa kanya.

"Syempre naman. Mahal kita eh. Tsaka gano ba kalaki yang kasalanan mo na yan? Kasing laki ng butas ng ilong ni Mr. Delos Santos?"

Napabunghalit siya ng tawa sa sinabi nito. Si Mr. Delos Santos yung teacher nila sa English na nanlalaki ang butas ng ilong kapag nagagalit. Kaya relate na relate siya. Roni had made jokes about it before na pwede na daw silang pumasok sa butas ng ilong ng teacher nila kapag sisinghot ito. Kawawa daw ang estudyante na nasa unahan.

Roni really made her days better. Kung sana ito ang nagustuhan niya nung una pa lang.

"Thank you Roni, for making my days brighter." Ngumiti siya dito.

And she liked what she sees in Roni's eyes. There was so much admiration in those eyes. Tumatama sa mukha nila ang ilaw sa gilid ng daan and it made Roni's face serene.

"So ano nga ba yung tungkol sa sasabihin mo---?" Hindi na natuloy ang sasabihin nito dahil nasa tapat na sila ng bus station. 

When I'm broken - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon