CHAPTER 35

517 19 1
                                    

Tori's POV

Tori felt like her whole world had crashed. Napayuko agad siya pagkapasok niya sa loob ng bus. She sat and immediately put a hand to her face. Pigil na pigil niya ang pag hagulgol. Her shoulder shook as she cried silently.

She knew what Roni's reaction will be pero hindi niya maiwasang sumakit ang puso niya sa nakitang galit sa mukha nito. Hindi siya handa sa nakita sa mga mata nito. Poot at galit. It was too much for her.

Inilagay niya ang kamay sa tiyan niya. I'm sorry anak. I could have given you a better future but I don't know how.

Muli siyang humikbi. Her shoulders shook habang pilit niyang pinipigil ang tuluyang pag hagulgol. The woman next to her looked at her with pity and Tori looked away. Ayaw niyang maramdaman na may naaawa sa kanya. She thinks that she deserves it all.

If only she could choose Roni.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Kailangan niya bang tumakas din para makawala sa sitwasyon na meron siya? O manatili sa sitwasyon na sigurado siyang magiging miserable siya? Ito ba ang naramdaman ng ina niya nang iwan siya nito sa poder ng tiyahin niya?

Now she knew that the responsibility is overwhelming. Kaya siguro hindi na siya binalikan ng mama niya.

Yumuko siya at hinaplos nang may pag suyo ang tiyan niya. I won't leave you behind. I promise anak. H-Hindi ako gagaya sa aking mama.

Kahit hindi niya alam ang magiging kinabukasan nilang dalawang mag ina. She will fight for this child to be born. Kahit hindi na siya pangatawanan ni James. O tanggapin pa ni Roni.

Her tears started falling from her eyes nang maalala ang dalaga. Roni had been there for her. Lagi itong nasa tabi niya sa tuwing nalulungkot at nagagalit siya sa mundo.

She felt secure in Roni's arms at alam niyang maswerte ang babaeng mamahalin nito balang araw. But she doesn't want Honey to be that woman. Gusto niya sana ay siya lang ang mahalin nito. But how could she be so selfish?

She shook her head stubbornly. Sa isipin pa lang na mapupunta sa iba si Roni ay parang kinukurot sa sakit ang puso niya. Could she really give up Roni?

Hindi! Naikuyom niya ang kamao niya. She loves Roni so much. Handa siyang makipag hiwalay kay James. Kailangan niyang makausap ang tiyahin niya.

She wants to have a bright future for her and her unborn child. A future where they have big smiles on their faces and picnics in the park.

Huminto na ang bus at kahit na kumakabog ang dibdib niya sa kaba ay tumayo siya sa kinauupuan. Tori looked at the small house her Aunt Clara was in.

Ngayong araw na ito ay mag papaalam na siya dito na titira na siya ng Maynila. Mag p-part time na lang siya at since may scholarship pa naman siya sa pagiging varsity player. Siguradong magiging maayos din ang lahat.

Buo na ang loob niya nang bumaba sa bus. Tinulungan pa siya nang konduktor dahil siguro napansin nito ang pamamaga ng mga mata niya at ang bigat ng mga gamit na daladala niay.

Pagkapasok niya sa loob nang bahay. Agad na nag salubong ang kilay niya nang makita ang tiyahin niya na tila nakaabang na sa kanya sa upuang kahoy.

"Tori?"

"Yes po, Tita?" She put the bags she had on the floor. Iniwas niya ang mata sa mapanuring titig nito dahil siguradong mahahalata nito ang pamamaga ng mga mata niya.

Kumabog ang dibdib niya sa uri nang titig na ibinigay sa kanya ng tiyahin niya. That's the look her Aunt Clara would make kapag may ginawa siyang malaking kasalanan noon.

Nanlaki ang mga mata niya nang i-angat nito ang hawak hawak nitong maliit na bagay. Her Aunt Clara was holding a pregnancy kit.

Kumabog ang dibdib niya sa sobrang takot. Tila nangasim din ang tiyan niya. Gusto niyang mahimatay ng mga oras na iyon.

P-Paano nito nakita?

"Baka may gusto kang sabihin sakin?" Matiim ang mga titig nito.

Pinagpawisan ang mga kamay niya kaya naman kinuskos niya iyon sa suot suot niyang pantalon.

Hindi niya na napigilan ang sarili niya. Agad siyang napaluha. She can't stop herself from crying. Kaya naman agad niyang tinakpan ang mukha ng sariling mga palad. Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pang mag test dito din mismo sa bahay ng tiyahin. She can't really believe what it says on the pregnancy test kit. Kaya naman inulit niya din iyon sa condo. Hindi niya alam na naiwan niya alam na makikita pa ng tiyahin niya ang pregnancy kit na tinapon niya sa basurahan sa loob ng kwarto niya.

"I-I'm sorry Tita..." Hindi halos lumabas sa bibig ni Tori ang mga salitang iyon. Sumisigok ang boses at halos kainin niya ang mga sinasabi niya.

Hindi siya makatingin dito dahil alam niyang dismayado ito.

"Is it James?"

Matigas pa din ang tono nito.

Marahang tumango siya. But if there's something that she was thinking about the most. It was Roni. Sigurado siyang ngayong alam na ng tiyahin niya ang lahat. Ipipilit siya nitong ipakasal kay James.

But she can't! Gusto niyang makasama si Roni.

"Papuntahin mo ngayon din si James dito sa bahay. Kailangan ka niyang panagutan kung hindi sisiguraduhin kong pupunta ang magulang niya ngayon din dito....... Papuntahin mo na ngayon din!"

"N-No...."

Ikiniling nito ang ulo nito.

"Bakit?"

She felt herself trembled. Ngayon niya lang nakita ng ganito ang tiyahin niya. Even before when she made something wrong, lagi siya nitong iniintindi. But she can't do what her Aunt Clara tells her to.

Inangat niya ang mukha niya. "I-I don't need him. I can raise this child alone. P-Punta ako sa Maynila. Doon na ako titira a-at...

"Sa ayaw at sa gusto mo Tori. Magpapakasal kayo ni James. Kailangan niyang panagutan ang batang dinadala mo dahil hindi ko na kayang suportahan pa kayong mag ina. Doon ka na titira sa poder ni James."

She felt her heart crumble. 'No!'

She doesn't want that! Si Roni ang mahal niya at hinding hindi siya sasama kay James!

Mabilis siyang umiling. "No! Hindi si James ang mahal ko." Huminga siya nang malalim. She wants to gather her courage to the next thing she was about to say.

"Roni is my girlfriend. Sa kanya po ako sasasama sa Maynila sa ayaw at sa gusto niyo!"

Nanlaki ang mga mata nito. "A-Anong sinabi mo?"

Saglit itong natulala at nang makabawi ay agad itong umiling. Nag sign of the cross din ito.

Tori flinched.

"Sur maryosep! Tawagan mo ngayon si James!"

"No!"

Hindi ito nag patinag sa sinabi niya. Her Aunt Clara forcefully took the phone from her hands. Wala na siyang nagawa nang i-dial nito ang number ni James. Her Aunt Clara pushed the loud speaker button.

But Tori couldn't take it. Nag martsa siya papasok sa kwarto niya and started packing her clothes inside her bag. But her Aunt Clara followed her.

Inaalis nito ang mga damit na inilagay niya sa bag niya. She angrily took it nag hihilaan na sila ng mga damit niya nang marinig ang masayang boses ni James sa kabilang linya.

"Hey Babe!" James chirped happily on the other side of the phone.

"Buntis ang pamangkin ko at ikaw ang ama. Kaya pumunta ka ngayon din!"

Hindi niya narinig ang sasabihin sana ni James dahil agad ng ibinaba ni Aunt Clara ang tawag. Matiim siya nitong tinitigan. "You disappointed me Tori. Akala ko hindi ka gagaya sa mama mo. But you are really the same. Parehas kayong malandi kaya naman iniwan ka niya sa akin dahil sumama naman siya dun sa bago niyang nakilala sa Taiwan."

Umiling iling pa ito. She can't really see the face her Aunt Clara is making. Lalo pa at nanlalabo na sa luha ang mga mata niya. She wants to cry so badly in Roni's arm. 

When I'm broken - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon