CHAPTER 13

3.1K 156 38
                                    

(Roni's POV)

"Can't you just find something?" Napipikong sita niya sa isang police officer na lalake. Nakaharap ito sa kanila at naiirita na siya sa nauuna nitong tiyan habang may subo subo pang donut. "My friend is in danger if you can't find those people who broke in on her condo!"

Furstrated na napahilamos na siya sa mukha.

"I'm sorry po. Pero sira yung cctv sa likod at wala naman pong nakitang dumaan na kahinahinala sa harap ng entrance kung saan nakalocate ang isa pang CCTV camera. The guard also didn't hear anything that time."

"Bullshit!"

Honey pulled her aside bago pa niya maisipang sapakin ang pulis. Even the people in the police station are giving them looks because she looked like she wants to punch someone or something.

"It's ok Laude. Ipapaayos ko na lang yung CCTV sa likod. Maybe I will feel safer if I will do that. Tsaka sasabihan ko na din si manong guard na wag ng paalis alis sa pwesto niya. I'll let him be a stay in. Yung guard house sa labas ng condo may kwarto at c.r naman yun."

She threw the police officer an irritated look. Nasa police station na naman sila para i follow up ang incident report na ginawa nila nung nakaraang linggo at hanggang ngayon nga wala pa ring nahanap ang mga ito.

Police in the Philippines really are a bunch of dudes with huge bellies. Walang ibang ginawa kundi humilata at umupo sa opisina ng mga ito.

She felt a tugging on her white shirt. Kaya naman binalingan niya ng tingin ang may gawa nun. Her face softened when her eyes landed on Honey's face. "But still you're safety is not guaranteed. Kung sa condo ko na lang kaya ikaw muna manirahan? Or better yet maghanap tayo ng condo na malapit lang sa condo ko---"

But she stop midway on finishing her sentence because she remembered something. Baka malaman nito ang tinatago nilang relasyon ni Tori kapag nasa malapit lang ito. Tsaka kung sa condo niya ito papatirahin si Tori naman ang magagalit sa kanya.

"Laude?"

Napansin nito ang hindi niya pag kibo.

"Ah....eh kung bumalik ka na lang kaya muna sa bahay niyo? Hindi na ako mag aalala knowing na kasama mo si Tito." but then her eyebrow furrowed." Wait alam na ba ni tito ang nangyari?"

Hindi ito nakasagot. Ilang sandali pa bago ito umiling.

"Ano ba naman yan, Honey?!" napasuklay siya sa buhok niya. "You should have told him!"

"Pero ayaw ko namang mag alala si daddy. He has many problems already with the company. I don't want to add on his worries."

Lumambot ang ekspresyon niya. She became selfish there for a second.

"Ok. Ganito na lang. Go home ka muna. Ipaalam mo kay tito ang nangyari. Then I'll think of something." hinalikan niya ito sa noo." For now, let's get you some clothes. Nauubos mo na yung mga big shirts ko."

Tumawa ito saka siya hinampas ng mahina sa braso. "You, idiot!"

................

"Roni......I really need you right now. Di mo ba siya maiiwan?"

Napalingon si Roni sa likuran niya. Making sure na wala sa likod niya ang bestfriend niya habang kausap si Tori. Ayaw naman niyang maisip ng kaibigan na pabigat ito sa kanya.

"Tori....I can't she needs me. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi safe ang bestfriend ko."

Sandali itong natahimik sa kabilang linya. Then she heard a sigh. "Bestfriend lang ba talaga para sayo si Honey?"

When I'm broken - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon