(Tori's POV)
After 5 years
"Nica!"
Tori's voice is hoarse. Kanina pa siya sumisigaw habang hinahanap ang anak niya.
Ganun na lang ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Her heart beat is beating so fast and loud she might as well be deaf. Namamawis na din ang kamay niya sa sobrang kaba.
Hindi niya mahanap ang anak kahit saan. Saglit lang niya itong iniwan dahil mag lalaro pa daw ito sa sand box. At bumili naman siya ng ice cream para dito. Hindi malayo ang icecream vendor sa pwesto nila kaya naman hinayaan niya muna ang anak but it was only for a few seconds.
What if nakuha na ito ni James? Sa naisip ay lalong sumikdo ang dibdib niya.
"Nica! Anak!" Inikot niya na ang buong paligid.
'Please! Don't let him get my baby!'
Nakatakas kasi sa kulungan si James pagkatapos ng limang taon. Nangako pa ito noon na kukunin ang anak nila. Ibinalita noon sa t.v ang pagtakas ng mga ito sa kulungan. Natatakot nga siyang balikan sila nito at kuhain ang anak niya.
Hindi na siya nanatili sa playground para hanapin ang anak. She re-traced the steps going into the direction of her child's school. Nagbabakasaling naisip lang ni Nica na bumalik sa school dahil naiinip na ito sa pag antay sa ice cream.
"Nica!" Nangilid sa luha ang mga mata niya. She can't lose her baby!
"Mama!"
Marahas na napalingon siya sa boses na iyon ng anak. She saw them together. Roni and Nica.
Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. She put a hand to her chest to try and clam herself down.
Roni is holding Nica's hand while coming towards them. Nakangiti ang dalawa at mukhang nauna pa itong bilhan ni Roni ng ice cream. Her daughter is holding a strawberry ice cream samantalang chocolate naman ang kay Roni.
Napangiti siya. Parehas na parehas sila ng anak. Favorite ang strawberry. Buti na lang at halos sa kanya nag mana si Nica ng ugali at physical na anyo. Ni walang bakas ni James dito.
That's why she adored Nica so much. Gusto niyang maging malaya ang anak na mag mahal. Ang mga bagay na hindi niya nagawa noon ay hahayaan niyang matuklasan ng anak niya. She was just here guiding her precious baby into a human being who loves despite of fear.
She run towards them. Holding the melting ice cream in her hands.
Nangilid ang luha niya ng makalapit sa mga ito.
"Mama? Your ice cream is melting? You want mine?" Inosenteng tanong sa kanya ng anak niya.
Umiling lang siya at inilabas ang panyo para punasan ang nag kalat na ice cream sa mukha ng anak. "No baby ok na si Mama. Sa susunod baby please puntahan mo ako ha? Tell me kung saan ka pupunta."
Masayang tumango tango ito habang dinidilaan ang sarili nitong ice cream.
"I'm sorry baby. Nung nakita niya kasi ako tumakbo agad sakin si Nica eh"
"Eh kasi mama sabik na akong makita si Mama Roni." Ngiting ngiti ang anak niya habang nakatingin sa kanya. "I told her what we did in class. Di ba Mama Roni? Nag drawing kami ng stars!"
Napatawa na siya sa anak niya. Ang bibo nito. Minsan sa sobrang daldal nito sila na ang mauubusan ng kwento. Kaya siguro mag kasundo ito at si Roni. Parehas na makwento.
Inangat niya ang tingin kay Roni na kahawak sa batok nito.
"No it's ok. At least I know she's safe." Nakahinga na din siya ng maluwag. Ibinalik niya ang tingin sa anak. "Ok pero syempre wag mong kakalimutan si Mama. Gusto ko ding marinig yung kinikwento mo eh."
Ngumiti si Roni sa kanya. Inabot din nito ang kamay nito na agad niyang tinanggap. They all hold hands while walking towards the car. Nasa gitna nila ang anak niyang si Nica na itinuring na ding anak ni Roni.
-----------------------
Unbeknown to them someone is watching them from a distance.
Naikuyom nito ang kanang kamao sa nakikitang saya sa dalawang babae.
'Matatapos din ang masasayang araw niyo. Kukunin ko ang anak ko!'
Piping usal nito sa sarili hanggang sa unti unti ng nawala sa kanyang paningin ang dalawang kasama ng anak niya.
---------------------------
Life is full of uncertainties. Hindi man nila hawak ang takbo ng buhay. Tori is still grateful that it went this way. Hindi niya sana nakita ang tapang na meron siya ngayon. Ang patuloy na lumaban sa buhay in spite of everything bad happening.
If she could live her life all over again. She would still be Clio De Luna Richards. Iniwan ng mga magulang sa tiyahin at nabuntis ng maaga sa edad na 21. Because she will still realize her feeling towards Roni. Meron din siyang adorable na baby girl, and that is all that matters to her.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Aunt Clara!" Sabay sabay na bigkas nilang lahat sa ginanap na munting salo salo sa bahay.
"Maraming maraming salamat sa surprise party!" Tuwang tuwa ng tiyahin niya ng makita silang apat. Dean, Roni, Nica and her.
Dumaan na din kasi sila sa isang kilalang bakery shop para kuhain ang pinagawa nilang birthday cake.
Nagising noon ang tiyahin niya makalipas ang isang linggo. Umiyak pa nga ito noon ng malaman na muntik na silang dalawang mamatay dahil na rin sa ginawang aksidente ni James.
"Birthday wish na po Aunt Clara." Roni urged her Aunt.
Tiningnan sila isa isa ni Aunt Clara. "Thank you at pumunta kayo sa birthday ko." Saka ito pumikit para sa hiling nito.
"I wish na sana lagi tayong magkakasama sa mga susunod pang kaarawan, pasko at bagong taon."
Napangiti siya.
"Naku Aunt Clara. Baka po di matupad yung hiling niyo dapat hindi sasabihin!" Dean said.
"Panira ka ng moment Kuya Dean!" Pabiro namang sinuntok ito ni Roni sa braso.
"Sorry." Nag peace sign si Dean sa kanila.
Maya maya pa ay napuno na ng kasiyahan ang loob ng bahay.
She knew there were still challenges ahead of them. Pero sama sama naman nilang haharapin iyon ng may tapang.
"Hey. Anong ginagawa mo?" Roni approached her. Nakatingin lang kasi siya sa masayang kwentuhan ng tiyahin niya, ni Dean at ng anak niya.
"I was just thankful na tanggap na ni Aunt Clara ang relasyon natin. At andito pa din ang bestfriend ko. Parang bumalik lang sa dati ang lahat."
Ngumiti na din ito. "No hindi bumalik sa dati ang lahat. Dahil kung ganun na nga. I would still be hiding my feelings for you at hindi naging tayo."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Thank you for fighting for us Roni."
Roni held her hand and kissed it. "Always."
(The End)
BINABASA MO ANG
When I'm broken - Completed
Ficção AdolescenteVeronica Laudel Silvano aka Roni is inlove with the bestfriend of her brother. She's popular at marami ang nagkakagusto sa kanya. But she's a lesbian, out and proud. Hanggang saan niya ba kaya na mag tiis para sa taong mahal niya? Clio Deluna Richa...