CHAPTER 3

3.9K 167 8
                                    

(Roni's POV)

"Roni! Tama na!"

Tori was shrieking when she put another cut-size of apple in her mouth. Gising na ito at ngayon n ga ay pinapakain niya dahil nag aalala siyang hindi pa ito gumaling sa sipon at ubo. Isa pa kasalanan niya kaya ito may ubo ngayon.

"Isa pa dali na. Para gumaling ka na. Bakit ba kasi natulog kang basa ang buhok?"

Nanlaki ang mga mata nito ng nilingon siya. Then Tori's eyebrow furrowed. "Anong ako ang may kasalanan? Inabot kaya ako ng lamig sa labas ng c.r dahil ang tagal mo maligo. Nakatulog ako dahil sobrang antok ko dahil sa sipon."

"S-Sorry na." Napalunok si Ronnie at dahan dahang ibinaba ang hawak na tinidor na may nakatusok na apple. "Di ko naman kasi akalain na ang bilis mong magkasakit."

"Now you know."

Pinagkrus pa nito ang dalawang braso nito sa dibdib. Ronnie looked away dahil biglang lumobo ang dibdib nito. Agad agad din kasi siyang pinawisan habang tinitingnan ang bahaging iyon ng katawan ni Tori. All her thoughts are really inappropriate when it comes to Tori. Minsan gusto niya ng batukan talaga ang sarili niya.

"Sige na kumain ka na muna nito at humigop ka ng sabaw para hindi ka boses ngongo."

Pagkasabi nun ay agad niyang inilapag sa lamesa ang platito ng green apples at tumayo. Hindi niya na inantay ang reaksiyon nito but she heard Tori said something na hindi niya naman din naintindihan.

She went to the kitchen to grab a glass of water. Agad niya itong ininom na parang uhaw na uhaw.

Ang aga aga pa pero akit na akit na siya sa ayos nito. Ronnie looked at where Tori is seating. Nag tataka ang tingin nito habang nakatingin sa kusina. Hawak nito ang platito ng mansanas at kumuha ng ilang hiwa doon. Mabuti na lang at hindi siya masyadong kita sa pwesto niya pero siya ay nakikita niya kung anong ginagawa nito.

Tori was eating the apple, kahit na ang inosente lang para dito ng ginagawa nito ay nanunuyo na ang lalamunan niya.

Ronnie grabbed another glass of water. Shit! Kailangan na talaga nitong umuwi! Bago pa siya mawalan ng self control!

Huminga siya ng malalim at mabilis na ibinuga iyon. Ilang beses niyang ginawa iyon bago siya pa martsang lumabas ng kusina. Pero agad siyang napahinto ng malaglag sa dibdib nito ang hawak nitong mansanas. Ronnie immediately looked down. Ang init ng mukha at tenga niya sa nakita. Bago niya maibaba ang mukha niya kanina ay nakita niya pa ang pag dukot nito sa pagitan ng dibdib nito.

Ronnie wiped the bead of sweat in her forehead. Saka niya ikinuyom ang kamay niya. Babalik na sana siya ng kusina but Tori called her.

"Uy Ronnie. Nood naman tayo ng bagong movie. Wala ka na bang iba dito maliban sa mga porn?"

Nanlaki ang mga mata ni Ronnie sa narinig na sinabi nito. "A-Anong porn. Uy imbento ka Tori. Walang ganun diyan."

Tori threw her head back laughing. "Wala nga. Binibiro lang kita. Baka kasi umamin ka na meron nga."

Pinigilan ni Ronnie na ngumiti sa sinabi nito. In the end she chooses to smile while shaking her head. Lumapit siya dito at nakihalungkat na rin sa mga flashdrive na meron siya. She just downloaded whatever was available sa internet. Isa pa, kadalasan ay sa netflix na rin naman sila nanonood. Kaya hindi niya maintindihan kung anong sinasabi ni Tori sa kanya.

"Here." Ronnie lifted a white flashdrive na nalagyan niya na ng bagong movies. "May mga bago dito. Horror."

"Uy exciting!" Pinag kiskis pa ni Tori ang kamay nito at inagaw sa kanya ang flashdrive para isaksak sa flatscreen tv niya.

"Pumunta ka sa ref, Ronnie. Kuha ka ng beer dun. Gagawa akong popcorn."

Pagkasabi nun ay nag lakad na ito sa kusina at nag halungkat sa mga supplies niya. Sanay na sanay talaga ito sa bahay niya. Dapat siguro ay pag bawalan niya na din kung minsan si Tori na pumunta ng basta basta sa unit niya.

Napailing na lang na bumalik siya ng kusina. She took out 2 beers at bumalik siya sa living room. She waited for 5 minutes bago natapos si Tori na mag luto ng popcorn nila sa microwave. Pabagsak itong naupo sa tabi niya.

Ronnie looked at Tori with her eyebrows crossed. Mukhang nang iinis lang talaga ito dahil tinawanan na naman siya at binangga pa nito ng bahagya ang balikat niya.

"Ito naman si Ronnie. Meron ka ngayon? Init ng ulo mo, baby."

"S-Simulan mo na nga ang palabas at umuwi ka na pag katapos."

Tori showed a mock shock expression. "What did you say baby? Ayaw mo na sakin pagkatapos mong lapastanginin ang katawan ko."

"Kailan ko naman nilapastangan ang katawan mo?"

Tila naeskandalo talagang tinabunan pa nito ang dalawang dibdib. Ronnie looked away. Ang init na ng mukha niya. Siguradong mahahalata na ni Tori na may epekto ang pinag sasabi nito sa kanya. Kaya naman she leaned in to take the remote control and pressed the play button.

Nakahinga siya ng maluwag ng tumutok na din ang tingin nito sa harap.

Ronnie was sipping her beer ng mag salita ito. Muntik niya ng maibuga ang nainom na beer. She coughed several times sa sinabi nito.

"Kagabi nung tumabi ka sakin. You groped me."

"H-Hindi totoo yan ah?" Nilingon niya na ito at pinanlakihan ng mata. Sinigurado niya pa nga kagabi na sa buhok lang siya nito nakahawak at hindi sa bewang o sa ano mang parte ng katawan nito na nasa baba. "K-Kung may nang manyak sating dalawa ikaw yun, Tori."

Tori's shoulder shook. Hinawakan din nito ang tiyan at ang bibig nito para pigilan ang tawang kakawala sa bibig nito but in the end, Tori laughed. Napasimangot na si Ronnie. Mukhang pinag t-trip-an na naman siya nito.

"Ang cute kasi ng mukha mo Ronnie kapag naiinis. Kaya ang sarap mo asarin. Pikon."

Hindi niya ito inimik. Ronnie looked at the screen. Wala siyang naintindihan sa pinaanood nila dahil sige lang ito sa pagdikit sa kanya.

"Sorry na Ronnie. Di ko naman akalain na maiinis ka."

Ronnie forcefully smiled at Tori. Hindi naman niya magagawang mainis ng tuluyan dito. She sighed. "Ok na Tori. Please stop rubbing yourself on me. Hindi ka pusa."

Tori smiled. "Thank you sa pag alaga sakin. See medyo maayos na ang pakiramdan ko."

Ronnie smiled. Mukha ngang ok na talaga ito dahil hindi na ngongo ang boses nito. She pat Tori's head. Umunan naman ito sa balikat niya. How Ronnie wished na kaya nito inuunan ang ulo nito sa balikat niya ay dahil silang dalawa na. But it was just a gesture of friendship at yun ang ikinawala ng ngiti sa mga labi niya.

She smiled sadly. Sana makita at maramdaman ni Tori ang pag mamahal niya. Kahit sa simpleng bagay lang na ganito.

Tori. Sana mahalin mo din ako. Iyon ang piping dasal niya ng ipikit niya ang mga mata at ihilig din ang ulo niya sa ulo nito. 

When I'm broken - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon