"Laude!"
Napalingon si Roni sa tumawag sa kanya. She was busy solving a math problem when that someone hugged her from behind.
Inamoy amoy pa nito ang buhok at batok niya.
Natatawang hinawi niya ito mula sa likod niya. "I'm doing my assignments here!"
"Eh kasi naman. Kwento ako ng kwento dito. Saglit kang natulala tapos di mo pa ako pinapansin!"
Nag pout na talaga ito. Natatawang pinanggigilan niya ang matangos nitong ilong. "Honey. Just do your assignments. Di kita papakopyahin once exam starts. Ok?"
"Pero......Laude naman!" Ngumuso ito. "Gusto mo ba akong bumagsak. Wala ka nang magandang bestfriend na maasar kada semester!"
Yes. Bestfriend niya si Honey Cecille Delavega. Hindi girlfriend. Madalas lang na tinutukso sila dahil clingy ito at masyado talagang malambing.
"Uy....ang sweet ha?" Biglang sumulpot sa harap nila ang president ng student org na si Hanna." Kaya kayo napagkakamalang may relasyon. Pano clingy 'tong bestfriend mo. Pati ba naman dito sa student org eh sinundan ka? Kung di lang kilala na bestfriend mo yang si Delavega. Di yan iboboto eh."
"Grabe ka Han!" hinampas pa talaga ni Honey si Hanna. "Masama na bang makasama ang bestfriend sa lahat ng oras? Para naman pag naghiwalay kami ng landas nitong bestfriend ko." Inakbayan pa talaga siya nito. "Ma-m-miss niya ako." sinilip nito ang mukha niya.
Natatawang hinarang niya ang notebook sa mukha.
"Bestfriend naman wag mo akong ikaila!"
Napahalakhak na talaga siya kay Honey. "Eh Honey naman! Dun ka na kasi. Gagawa pa ako ng assignments. Sige ka. Pag ako di nakapag aral wala kang makokopyahan."
"Sabi ko nga" saka lang ito umupo sa harap niya. Mahaba kasi ang lamesa nila.
"Hoy Honey. Wag kang puro landi diyan sa kaibigan mo. Gawin mo na tong reports ngayon. Kailangan yan bukas." Hanna said.
Nilapag nito sa harap ni Honey ang mga documents. Ngumuso ang kaibigan niya saka tumingin sa kanya na tila nag papaawa.
"Wag ka nga!" natatawang saway niya dito.
Nakapout pa din ito habang naggagawa ng reports.
"Secret admirer mo yang bestfriend mo. Ayaw pa kasing umamin!" tukso ni Hanna dito.
"Heh!" saway dito ni Honey." Mag bestfriend na kami dati pa. Bago pa siya naging out and proud"
Nagsimula na ngang mag bangayan ang dalawa.
"Baka kayo magkatuluyan niyan!" natatawang tukso niya sa dalawa. Silang tatlo lang kasi ang nasa loob ng student org room.
"Manahimik ka Silvano!" Hanna said
"Manahimik ka Laude ha?!" Honey also said.
Sabay ang dalawa kaya naman napahagikgik siya. "You two are so in sync"
"We are so not!" sabay na nagkatinginan ang dalawa dahil pareho at sabay nilang sinabi yun.
Sa huli hindi niya tuloy nasagutan ang panghuling problem sa kakatawa sa dalawa.
............
Tapos na ang klase nang mag pasya si Roni na puntahan sa classroom nito si Tori. Pero wala ito doon.
"She said she'll wait for you at the parking lot." sabi ng isa nitong kaklase.
Nagpasalamat siya dito at nag paalam na.
BINABASA MO ANG
When I'm broken - Completed
Teen FictionVeronica Laudel Silvano aka Roni is inlove with the bestfriend of her brother. She's popular at marami ang nagkakagusto sa kanya. But she's a lesbian, out and proud. Hanggang saan niya ba kaya na mag tiis para sa taong mahal niya? Clio Deluna Richa...