(Roni's POV)
Lumabas siya ng banyo na suot suot na ang damit na kinuha niya sa walk in closet ni Honey. She was even drying her hair while reading some texts from her friends. Pero agad siyang nalungkot na kahit isa wala man lang text sa kanya si Tori. Mula pa kaninang umaga.
Napasimangot siya. Kasama naman nito si James kaya nakalimutan siya.
"Hey are you ok?"
Nag angat siya ng paningin. "Yeah I just----" her voice trailed off.
Nakasuot ito ng miniblack dress na halos see through. Feeling niya tuloy biglang nanuyo ang lalamunan niya.
Come to think of it. Ganto din ang suot nito noon nung mga panahong pinuntahan niya ito. But she was more focused on the state Honey was in to even notice it before.
"U-Uh. Hon yan ang isusuot mo sa sleep over natin?"
Ngumiti ito. "Yes."
"Di kaya kabagin ka niyan? Eh halos see through na yan eh"
Iniwas niya ang tingin dito. Kasi naiilang siya. Sanay siyang lagi itong nakasuot ng pajama noong highschool sila. And she even grew up with Honey. Diaper-days pa lang.
"A-Ah ok."
Pinigilan niya na tumingin sa kabuuan nito. But she was tempted to look. Isang tingin lang naman eh. Hinagod niya ito mula ulo hanggang paa. And she was really loving what she saw.
Malaki na ang hinaharap nito at makinis ang mahahabang binti. Hindi na pang teen ager ang katawan nito. Honey has a curve like a guitar. Ang sexy nito!
Shit!
Kung lalake lang siya siguradong may tatayo na. Ganun ito kaakit akit ngayon. Napaangat siya ng paningin ng tumikhim ito. And when her eyes where leveled with Honey's mouth. Nakita niya ang pag taas ng sulok ng labi nito.
"Like what you see.... Laude?"
Teka...Bakit parang nang aakit ang tono ng boses nito?
Tumingin siya dito. And she cocked her head to the side. Playing it really cool. Kahit maganda at sexy kasi ito. There were certain things she won't cross. Bestfriend niya ito. Mahal naman niya si Tori. Magkaibang bagay na konektado dahil ayaw niyang pag taksilan ang damdamin na meron siya.
"A-Ah... Kasi tinitingnan ko lang kung hindi ka ba talaga kakabagin niyan." tumawa siya sabay kamot sa kilay niya. "Sige dito na lang ako sa sahig. Masyadong maliit yang kama mo eh. Labas ko na lang comforter nasa dati pa rin bang lalagyanan?"
Nakita niya ang pag daan ng inis sa mga mata nito. "No. Pwede tayo dito sa kama. Malaki naman ito eh."
Nagpapadyak pa ito ng mga paa. "I want to cuddle with you."
This time she really had to defend her side. Bestfriend niya ito at ayaw niyang sirain ang meron sila dahil lang sa isang gabi na natukso siya.
"No. Dito ako sa sahig. Sige na and we can tell stories like the last times."
"Fine!" tumalon pa ito sa higaan nito. Saka hunalukipkip sa kanya at ngumuso. Natatawang umiling siya.
She got the comforter out. Saka inilapag na iyon sa sahig. Malapit sa higaan nito.
"Laude.'
"Yes?" papikit na siya ng tanungin nito yun.
"Meron kasing problema yung isa kong kaibigan. She really liked her bestfriend pero mukhang walang gusto yung bestfriend niya sa kanya. Ano sa tingin mo ang pwede niyang gawin?"
Napatingin siya sa higaan nito. She can see Honey's side view profile. Mukhang seryoso ito dahil nakatingin pa talaga sa kisame at kumukunot ang noo kahit sa side view.
"Hmm...I think depende. Paano mo naman nasabi na walang gusto yung bestfriend niya?"
"Because she's been avoiding her for too long and always has plans with other people. Specially with a certain girl."
Kumunot ang noo niya. She knew few people from Honey's friends.
"Hmmm. Ganun ba? Maybe she liked that girl. Or maybe not. It's up to the other girl if she wants to confessed before it's too late. Malay mo naman gusto din pala siya "
Bumaling ito sa kanya. Honey's gaze was intense. "I think the only way is to eliminate the competition."
Napakamot siya sa kilay niya. Saka natatawang inirapan lang ito. "Kung ano ano pinag sasabi mo. So how can she eliminate her competition."
"I guess by taking her out of the picture?"
Natawa siya. Sabay tingin dito. "Hey that's not literal right?"
Humarap ito sa kanya. Honey's eyes were intense. "I don't know. My friend had been pretty in love with her bestfriend so I guess she can do that too"
Natatawang pinitik niya ang noo nito. "Wag mong payuhan ng ganyan ang kaibigan mo. There are ways to make the bestfriend fall. Hindi kailangan gumamit ng dahas."
Hinawakan nito ang pinitik niya at inirapan siya. Bumalik ito sa pag tingin sa kisame. "Mukha kasing inlove na ito doon sa isang babae."
"Well I guess the other girl should also try to get her love's attention, dahil ganun ang gagawin ko." Like what I did with Tori.
"Sige yan ang ipapayo ko sa kaibigan ko."
Ngumiti siya dito. Papikit pikit na din ang mga mata niya. "Yeah. So tara matulog na tayo at uuwi pa ako bukas sa dorm ko."
"Ayaw mo ba talagang tumabi sakin?"
Umiling siya. Matutukso siya kapag pinatabi siya nito dito. Her self control is really low regarding this kind of things. Mula ng mamulat siya sa sex. She was getting turned on with everything included in it. Tori had thought her so.
"No, matulog na tayo."
"Ok." yun lang ang hinihintay niyang sagot dito para ipikit ang mga mata niya.
.......
In the middle of the night she felt something brush her lips. But she was dreaming about Tori again. Maybe because she wants it to be true so much nararamdaman niya din ang sensation. So she kissed back and fell deep into sleep again.
Kinabukasan naramdaman niyang tila may nakadagan na braso sa tiyan niya. And when she opened her eyes. She was surprised to see Honey. Galing dito ang braso sa tiyan niya. Habang ang kaliwa nitong kamay ay nasa taas ng ulo niya. Nakasiksik pa ito sa gilid ng leeg niya.
Bumaling siya ng bahagya dito para alisin ang braso nito sa tiyan niya pero hinila siya nito sa bewang kaya naman tuluyan na siyang napaharap dito.
Napalunok siya ng makita ang mukha nito. Kasalukuyan itong nasisinagan ng araw and those lips are really pink and full in the sunlight.
May nararamdaman ba talaga sa kanya si Honey? Napapikit siya. Naalala niya ang pinag usapan nila kagabi. Was she the one she was talking about? The bestfriend? And Honey was the other girl who had been inlove with her bestfriend since.
Is this the sign she was waiting for, to let go of Tori?
BINABASA MO ANG
When I'm broken - Completed
Genç KurguVeronica Laudel Silvano aka Roni is inlove with the bestfriend of her brother. She's popular at marami ang nagkakagusto sa kanya. But she's a lesbian, out and proud. Hanggang saan niya ba kaya na mag tiis para sa taong mahal niya? Clio Deluna Richa...