Matthew's POV:
The timing is right, HIndi ko na naman inaasahan na nandito pala siya sa banyo, Atleast may privacy kami kahit sandali lang.
"Anong ginagawa mo Matthew?!!! Palabasin mo nga ako?!!!" she almost screamed at me. Pero ngumiti lang ako sa kanya.
"Matthew hindi nakakatuwa toh ah!! Hahanapin na ako ng mga kasama ko." -Nadine
"Hi Nadine." Nagsalita na ako dahil parang bulkan na siyang puputok. Pero I find this very amusing.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Sinabi na naman niya sa akin.
"You see Nadine. This is my private washroom. Kaya ako dapat ang magtanong sayo, what are you doing in here?" Namula lang siya nung sinabi ko sa kanya yun. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin but i know hindi niya gusto yun. Kaya tinignan ko lang siya.
"You are looking good. Kamusta kana Nadine? Ang tagal na kitang gustong makausap." tinanong ko na sa kanya.
"I'm very well Mr. Lee. I'm sorry for using your washroom kaya kung pwede padaanin mo na ako." -Nadine
I smiled bitter sweetly, galit pa rin talaga siya sa akin.
"Pwede na tayong mag-usap?. Just give me 5 minutes. Please." I'm practically begging her. Pero she's still compose.
"Wala tayong dapat pag-usapan Matthew. Matagal ng nangyari yun. And you seem to have move on." I can't explain it pero if looks could kill ang binibigay niya sa aking ngayon.
"I'm sorry." I unlocked the door and walked out the bathroom. I walked towards the conference room and never looked back.
Nadine’s POV:
Hindi ako makatingin kay Matthew sa buong presentation namin, hindi ko kaya pagkatapos nung nangyari kanina sa banyo. Sumusulyap sulyap din ako sa kanya pero nakalingkis sa kanya yung babae na yun.
“Girlfriend kaya niya yun?”
Grrrr!!! bakit ba ako naiinis? Diba nga galit ako kay Matthew. Bakit kaylangan ko pang isipin yun.. Busy… Busy… Busy… yan lang dapat ang gawin ko.
Tuwing napapalingon ako sa direksyon kung san nakaupo si Matthew at si Nicole naghaharutan lang silang dalawa. Hindi pala yung babae lang pala.
“Matthew sweetie, I have to go!” Sinabi ni Nicole after a few minutes ng discussion namin, sabay tumayo siya sa kinakaupuan niya. Pero hinalikan muna niya si Matthew, Bakit kaylangan ko pang tumingin nung sinabi niya yun? Kaya umiwas nalang ako ng tingin. Pero sa gilid ng mata ko nakikita ko pa rin kung anong ginagawa nila.
Pagkatapos nila maghalikan si Matthew naman ang humalik sa kamay ni Nicole, pero napansin ko na tumingin siya sa akin. Ano bang problema niya? Pero bakit ganito rin ba ang nararamdaman ko.
“Sweetie… Kaylangan ko na talagang umalis okay?” tumayo na siya ulit at hinimas ang mukha ni Matthew. Haay Naku!! Get a room please!!!
Pagkaalis ni Nicole yung mga kumag kong kasama dito parang kilig na kilig naman.
“Sir Matthew ang sweet niyo naman ng girlfriend mo. Hindi ko kinakaya.” Ang landi landing sinabi ni Chester. Gusto ko siyang sipain pero imbes na magreact inayos ko nalang yung mga papel namin dito sa lamesa.
“No, she is not my girlfriend.” Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Hindi pala niya girlfriend kung makapaghalikan sila wagas. Bakit ganun ba yung mga comment na tumatakbo sa isip ko.
“Ayyyy!!!! Sir hindi niyo NA siya girlfriend as in fiancee o hindi niyo PA siya girlfriend?” Si Katrine naman ang nagtanong sa kanya.
Hindi! No! No! No! Hindi ko kaylangang maapektuhan sa conversation nila. Kaylangan kong maging busy. Pero nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Sana hindi mapansin ng mga kasama ko na nadadalas yung pagtingin ni Matthew sa akin.
“Nope. She is not my girlfriend or fiancee and just please just call me Matthew, drop the SIR."
At ayun na nga, parang nagbonding na si Katrine, Chester at si Matthew. Si Michael nalang ang inutusan ko sa mga dapat naming gawin.
"E-ehem!!" Medyo nilakasan ko para mapatingin sila sa aking tatlo.
"Excuse lang noh. I have to know if that'll be all for our meeting?" Tumingin ako kay Chester at kay Katrine. Na parang tuwang tuwa na nakikipagkwentuhan pa kay Matthew.
"Nadine, please stay. Magdinner muna tayo ng team ninyo." Si matthew na mismo ang sumagot na may kasamang ngiti.
"Sorry Sir. But I can't. I have to be somewhere. Baka sila nalang." -nadine
"Please call me Matthew."- Matthew
"Naku!... Sir este Matthew. May date lang yan. Kaya nagmamadali." Sabi ni Katrine. Gusto kong lumubog sa kinakatayuan ko.
"D-date? May boyfriend na siya?" Nagkatinginan si Chester at si Katrine. Nakakahalata na ba sila?
"No. Wala akong boyfriend." Maiikli ko sa kanilang sinabi.
"Mare wag mo na ideny. Ano kaya si papa Axel. Ay sorry sir yun lang ang tawag ko dun sa boyfriend boyfriend nitong si Nadine." Si Chester naman ang nagsabi.
"N-naging boyfriend mo si Axel?" Napatingin ako sa mukha ni Matthew nung sinabi niya yun. His face harden and naging seryoso. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Mukha na rin nakakahalata yung dalawa dito.
Tumayo si Matthew sa kinakaupuan niya with that look in his face.
"I'm sorry everyone. I just remembered I still have to do something this evening. I will just have my secretary call your team about the budget and your viewing of my place. And we can just resched the dinner." Pagkatapos niyang sabihin yun dali-dali na rin siyang lumabas nung meeting room.
Lahat kami napatunganga nung lumabas siya sa meeting room.
"Anong nangyari dun?"-Katrine
"Aba malay ko. Dapat nga si Nadine ang tanungin natin. Mare!! Anong meron sa inyo ni Matthew? Magkakilala ba kayong dalawa? Tsaka bakit kilala niya si Axel? Ano meron?" Tuloy tuloy na sinabi ni Chester, sabay halukipkip ng braso niya.
Nakahalata pala sila.
"Wala naman. Tara na. May hinahabol akong oras." Kinuha ko na yung bag ko at ibang gamit ko.
"Naku!!! Bakit iniiwasan?" -Katrine
"Hindi ko iniiwasan. Wala naman kasi dapat iwasan at wala naman akong dapat sabihin." Nag-umpisa na akong maglakad. Ayaw ko din kasing malaman nila ang personal kong buhay.
Nakahinga ako ng maluwag nung nakarating ako sa pupuntahan ko. Napangiti ako nung nakita ko siya tumatakbo papalapit sa akin habang ngiting ngiti.
"Mommy!!!"
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.