Matthew's POV:
Nandito na naman kami sa NLEX pero ngayon papunta naman kami ng Pampanga. Tinitignan tignan ko siya sa gilid ng mata ko,mukhang busying busy siya. ang dami ko sa kanyang gustong tanungin. Baka ito na yung tamang oras.
"Hindi ka pa nagugutom?" Ako na yung unang nagsalita hindi na ako mapakali habang nagmamaneho.
"Ha?" Nakayuko pa rin siya sa cellphone niya ah.
"Busying busy ka ha?" Nakangiti ako habang nagmamaneho.
"Ah! hindi kasi may inaasikaso lang ako. May dapat pupuntahan kasi ako ngayon eh. Pero kaylangan kong unahin yung trabaho ko. Ano nga ulit yung tanong mo?" -Nadine
"Sana pala sinabi mo sa akin kanina para nasamahan na kita. Wala rin naman akong gagawin ngayon after ko dito eh." -Matthew
"Ay hindi na. Personal kasi yun. Pero thank you. Ano yung tanong mo kanina?" -Nadine
"Tinatanong kita kung nagugutom kana? Malapit na tayo sa gas station dito o." Napangiti ako nung naalala ko na dun din sa same Gas station kami kumain dati.
"Sige kain na tayo diyan para mamaya tuloy tuloy nalang tayo." -nadine
"Naaalala mo pa dito?" Ngumiti ako sa kanya nung nakapark na kami malapit sa Pizze hut.
Hindi siya agad nakasalita, tumingin tingin siya sa paligid.
"Nananadya ka ba?" Tinanong niya ako na nakataas pa kilay niya.
"Oh ano na naman kasalanan ko sayo? Diba ikaw nagsabi na pupunta tayo sa Pampanga? " Napapangiti ako kapag nakikita ko ang reaksyon niya.
"Tara na nga! Para makauwi na rin tayo ng maaga." Sabay bukas niya ng pintuan ng sasakyan saka lumabas and she slammed the door shut. Hindi pa muna ako lumabas ng sasakyan dahil tawang tawa ako and I have to let this pass. After a few seconds nakita ko siyang nakapamewang sa tapat ng pizza hut kaya lalo akong natawa. Pero ngayon hindi na ako nagstay pa sa loob ng sasakyan and pinuntahan ko na siya.
Sa restaurant people are staring as usual pero I am very fortunate to be this lovely woman. She keeps on talking on her phone na sobrang busying busy. Hindi ko naririnig ang mga conversation niya because she keeps on excusing herself. Pagkabalik niya.
"Sorry about that.. but any way should we order?" Tinanong niya ako.
"Don't worry I already ordered. If you don't like what the food, you can just order some more." I cooly told her.
"Okay na sa akin yung inorder mo. But let's discuss business...." I immediately cut her off.
"I don't want to talk about any off that. Can we take this chance to talk about US?" -Matthew
She was silent for a couple of seconds. I dont think she will allow us to talk.
"What about us do you want to talk about?" hindi ko inaasahan na she will let me.
-------
Nadine's POV:
I, myself can't believe na sinabi ko yun. Gusto ko ba talagang maging parte pa ulit ng buhay ko si Matthew? Pero magkakatrabaho kami for a few months kaya hindi ko rin naman maiiwasan na hindi siya magtanong tungkol sa akin. And he completely knew nothing about me after I left him. Sabi rin ni Romeo hindi na nagpaprivate investigate si Matthew dahil yun ang naging bunga ng pag-aaway namin.
"So? What do you want to talk about?" Sinabi ko kay Matthew dahil nakita ko siyang nakatulala lang sa akin.
"Uhm! Yeah! How are you? I see that you are becoming a successful interior designer." He smile a little. Baka nahihiya siya.
"Oo nga eh. Hindi rin madali ang pinagdaanan ko para makarating ako dito sa kinakaruonan ko." -Nadine
"Nadine... Before tayo magpatuloy I would really want to say I'm sorry." -Matthew
"Para saan naman?" I know what he means pero I have to let him speak.
"Sa nagawa ko sayo. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magsorry." -Matthew
"Matthew, Tapos na yun. Kalimutan na natin yun in a wa--" pinutol na naman niya ako sa middle ng sentence ko.
"Pero ang dami kong ipinangako sayo. Ang dami kong gustong ibigay sayo." parang nangingilid na ang luha ni Matthew nung sinabi niya yun. Kaya hinawakan ko yung kamay na nasa lamesa. Medyo malamig baka kinakabahan siya sa oras na toh.
"Matthew baka hindi ako yung tao na nakalaan para sayo. Baka para sa ibang tao mo kaylangan ibigay yun. Natutunan ko lalong tumayo para sa sarili ko nung nangyari yun. Kaya kalimutan nalang natin yun." May kirot nung sinabi ko yun. Kahit na nagalit ako sa kanya nuon hindi ko maiwasan na mawala lahat ng yun sa mga oras na ito.
"Pero hin--"Ako naman ang pumutol sa sasabihin niya.
"May kanya kanya na tayong buhay ngayon, at hindi ako kasama sa buhay mo at ikaw naman hindi kasama sa akin." Ngumiti nalang ako sa kanya para hindi na madugtungan.
I saw his face and I know his in pain. Pero yun ang totoo, matagal ng magkaibang mundo ang ginagalawan namin.
Natapos ang araw namin na naging mas magaan ang pakikitungo ko kay Matthew. Release lang pala ang kaylangan ko. Hindi na naopen ang tungkol sa aming dalawa. And ngayon pabalik na kami sa Manila ngayon, around 5pm. Nagkukwentuhan kami tungkol sa trabaho nung biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko sa caller ID, hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tawag pero kaylangan kong sagutin dahil nandito sa tabi ko si Matthew. Nung napansin naman niya na hindi ko masagot yung phone call hindi na siya nagsalita at nagpatuloy nalang na magdrive.
"Hello?" sinagot ko nalang.
"Mommy!!! Anong oras ka uuwi?" Napangiti ako nung narinig ko ang boses niya na nabubulol bulol pa.
"Baby, pauwi na ako. Kaya hintayin mo ako ha?" Sinabi ko sa pinakamahina kong boses.
"Mommy. I'll wait for you. okay?"
"Yes baby. Malapit na ako."
"Okay bye.I love you mommy" saka niya ibinaba yung tawag.
Hindi ko maiwasan na mapatingin sa cellphone ko. Ang swerte ko talaga sa anak ko bukod sa matalino ay mahal na mahal pa ako. Napatingin ako kay Matthew, hindi ko maiwasan na malungkot dahil hindi ko masabi sa kanya ang totoo. Ako na rin naman ang nagsabi na magkaiba na kami ng mundong ginagalawan.
"Hinahanap ka na ng boyfriend mo?" A sad smile was in Matthew's face.
"Parang ganun na nga. May lakad sana kami ngayon eh" Napangiti nalang ako.
"ah!! oo nga nabanggit mo kanina." patuloy pa rin sa pagtingin sa harapan si Matthew na napansin kong iba na naman ang itsura niya, ang itsura niya kapag nagseselos siya.
I wish I could just say my secret to him.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.