the little kid

9K 160 5
                                    

Nadine's POV:

"Matthew diyan mo nalang ako ibaba sa GMA mrt station, malapit nalang naman ako diyan nakatira." nung sinabi ko yun parang hindi niya ako narinig.

"Matthew?" tinawag ko siya.

"h-ha? sorry i'm occupied with something. ano ulit yun?"

"Dito nalang ako sa Mrt station bababa, malapit nalang ako diyan nakatira." Inulit ko sa kanya.

"Kung malapit ka naman na pala dito edi ihahatid nalang kita." Sinabi ni Matthew sa akin.

"Hindi na, kasi makakaabala pa ako sayo. Okay na yun." Ayaw kong ihatid niya pa ako sa amin.

Lumagpas na kami sa may GMA hindi pa rin siya huminto. 

"Saan ka dito? ihahatid na kita." Hindi naman ako mananalo sa kanya eh, kaya itinuro ko nalang kung saan ako nakatira. Pagkatapat namin sa bahay na inuupahan ko, binuksan ko na agad yung pintuan ng sasakyan niya. 

"Matthew thank you sa paghatid. Ipapadala ko nalang sa secretary mo yung drafts and yung iba pang kaylangan mo." Nagpaalam na ako sa kanya pero bumaba pa siya ng sasakyan.

"Uhm! Nadine thank you din. Pero pwede bang makibanyo kanina ko pa kasi inaawat eh." Halos matawa ako ng malakas nung sinabi sa akin yun.

"Ah- ano kasi eh.." Hindi ko pa natapos yung sentence ko napalingon ako sa gate nung bahay dahil may tumatawag na sa akin.

"Mommy!! Mommy!!" kasunod nung maliit na boses ang yaya niya.

"Hi baby!" 

Matthew's POV:

"Mommy!! Mommy!!" si Nadine ba ang tinatawag ng batang lalakeng ito na mommy? 

"Hi baby!" Nung binati ni Nadine ang bata naalala ko ang phone call conversation niya sa sasakyan. yung bata pala yung kausap niya. hindi ko tuloy alam kung bakit nagselos pa ako kanina. Pagkakita ko kay Nadine na buhat buhat yung bata parang may kumurot sa dibdib ko. May asawa na si Nadine?

"Mommy bakit ang tagal mo? sabi mo kanina malapit kana?" The child is so excited to see her, and i can see similarities sa kanilang dalawa. 

"Sorry naman baby. Kasi kaylangan magwork ni mommy diba?" Hindi ko maiwasan na mapangiti sa nakikita ko ngayon. Pero nararamdaman ko na rin na naiihi na ako.

"E-ehem!! Nadine?" Napalingon silang dalawa sa akin nung nagsalita ako. 

"Ay! Oo nga pala. Inday, paki samahan naman si Sir Matthew sa banyo." sinabi ni Nadine sa yaya nung bata? 

"dito po ser." May accent pa siya from the south. Kaya sumunod nalang ako sa kanya papasok nung bahay. Nung lumingon ako sa direksyon ni Nadine buhat pa rin niya yung bata pero halos kasunod ko na rin sila na pumasok.

Sa loob ng bahay, I am checking if nandun ang asawa ni Nadine. Pero I can't seem to find any proof na a man is living in here. Bago ako pumasok sa banyo hindi na ako nakapagpigil na magtanong sa yaya.

"Uhm! Miss. Nasan yung asawa nung maam mo?" Napansin kong nagblush si Inday.

"Ay Ser. Wala naman pong asawa si Maam." sinabi niya sa akin. 

"Wala siyang asawa? Eh yung father nung bata?" Tinanong ko ulit.

"Naku ser, bago palang po ako dito, hende ko po alam kung nasan po yung papa ni Nate." sagot niya ulit sa akin.

"Ah! Ganun ba? salamat ah. sige balik ka na dun, lalabas nalang ako kapag tapos na ako dito." 

Pagkatapos kong magbanyo napapaisip pa rin ako tungkol sa bata. Pagkalabas ko ng banyo, dumiretso na ako sa nadaanan kong sala kanina at nakita ko yung bata at yung yaya niya na naglalaro kaya lumapit ako sa kanila.

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon