Nakangiti ang lalakeng nakasabay ko sa elevator, parang hinihintay niya na sumagot ako.
"Ah... oo." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya at gumanti naman ako ng ngiti.
"By the way. I'm Alexander Theodor Zalazar. But you can call me Axel" sabay kindat sa akin at inabot ang kamay para kamayan. Hindi ko naman siya pinahiya at kinamayan ko siya.
"My name's Nadine." Hindi ko naman na kaylangan pang buoin ang pangalan ko para sa kanya. Tinanggal ko na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"So... Nadine, sa 25th floor ka pala. What unit are you in?" Nakangiti pa rin siya sa akin habang tinatanong ako.
Halatang halata ko naman na nagpapacute siya. Pero hindi ko nalang pinansin dahil baka iba ang maging ibig sabihin sa kanya.
"Hindi naman yata tamang sabihin ko sayo kung san ako nakatira, hindi naman tayo ganun na magkakilala." Sabi ko nalang sa kanya.
Hindi ko tinignan ang naging reaksyon niya. Pero alam ko na nakasandal siya sa pader ng elevator, nakahalukipkip ang mga braso at nakatingin sa akin. Hindi na siya nagsalita pero alam ko na parang may iniisip siya. At biglang tumunog na ang panel ng elevator. Sa wakas nasa 17th floor na kami.
Aruganteng tumayo at sinabing "Nice meeting you Nadine. I hope to see you again. You are interesting." Sabay labas niya ng elevator.
Para akong hindi nakahinga sa nangyaring iyon. Ano ba ang problema ng mga mayayamang taong ito. Para silang ngayon lang nakakita ng tao. Pero baka nga halatang kakaiba ako sa kanila.
Matapos ang ilang segundo nakarating na rin sa 25th floor ang elevator na sinakyan ko at naglakad na ako papuntang pintuan ng unit. Kinakapa ko na ang bulsa ko para kunin ang susi para makapasok na ako pero WALA! Kinapa kapa ko sa buong katawan ko para hanapin ang susi pero wa talaga.
"Hala!! Nasan na yung susi ko?!" Nasabi ko nalang.
'Paano na ako papasok ngayon niyan.' Haay!! Ngayon talagang kaylangan kong hintayin si Matthew. Kaya naupo nalang ako sa tabi ng pintuan at iniyuko ang ulo ko sa binti ko.
Pagkakataon ko na ito para isipin ang mga nakalipas na araw. Ano ba ang pinasok ko? at ngayon para akong kawawa na nakaupo dito. Dahan dahang tumulo ang mga luha ko, namimiss ko na ang dati kong tinitirhan. Namimiss ko na sila tita at Mara. Namimiss ko na ang maliit kong kwarto.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayuko dun at patuloy pa din ang pagpatak ng mga luha ko pero bigla may humawak sa balikat ko.
"Love bakit ka nakaupo dyan?" Mahinang sabi ni Matthew.
Nagulat ako, bakit hindi ko narinig yung elevator? Kaya itinaas ko ang ulo ko sa pagkakayuko.
"Ano nangyari sayo?! Are you all right?" Bigla siyang umupo sa tabi ko. At hinimas ang ulo ko.
"Wala naman. Hindi ko kasi alam kung nasan yung susi ko. Kaya ako naupo dito." Sabi ko kay Matthew.
"Pero bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin.
Nung tinanong niya sa akin yun, hindi ko alam kung bakit pero lumakas lalo ang pagtulo ng luha ko at napayuko na naman ako. Naramdaman ko na nakahawak siya sa isa kong balikat at yung isang kamay niya hinihimas ang ulo ko.
"Ssshhhhh...." Alo niya sa akin.
Pero hinayaan lang niya akong umiyak dun. Nang medyo nahimasmasan ako. Iniangat ko na uli ang ulo ko at sumandal sa balikat niya. Bakit ko nga ba ginawa yun? Pero hinimas lang niya ang ulo ko.
"What's wrong love?" Tanong sa akin ni Matthew.
"Namiss ko lang ang probinsya namin pati na ang tita ko pati na si Mara. Kaya naiyak ako kanina." Sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano katagal pero tahimik lang kaming dalawang nakaupo dun. Ako nakasandal sa kanya siya naman patuloy na hinihimas ang ulo ko.
"Yung susi mo, ito." Iniaabot niya sa akin. "Nakita ko yan sa malapit dun sa threadmill kanina." Dagdag pa niya. Buti nalang siya ang nakakita. Kinuha ko na rin yung susi. Pero hindi niya ibinigay sa akin kaya hinampas ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko at umarte na parang nasaktan pero ibinigay na rin niya sa akin yung susi.
"Thank you." Sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala. Pack a small bag we are going on a road trip." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kanya.
Nakangiti lang siya sa akin.
"Maaga pa naman and parang gusto ko magswimming. Ipasyal mo naman ako sa probinsya nyo." NakangiTing sakot niya sa akin.
Saan? Sa probinsya?
"Pero malayo yung sa amin at mag-uumlisa na ang klase ko sa Lunes?"
Ngumiti siya at tumayo. Inalok ang kamay niya sa akin na parang aalalayan niya ako kaya inabot ko naman. Pagkatayo ko iniangat niya sa may mga labi niya ang kamay ko at hinalikan.
"Trust me?" Tanong niya sa akin.
Nagtititigan lang kaming dalawa at para akong nahihipnotismo sa pagkakatingin niya sa akin.
"Yes" sagot ko sa kanya.
..........
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.