Nag-umpisa na ang klase ko at hindi naman ako ang pinakamatanda sa klase. May tatlong linggo na rin siguro ako pumapasok. Pero halos anak mayaman yung mga kaklase ko. Lagi akong hinahatid at sinusundo ng driver ni Matthew o kaya naman si Matthew na mismo. Hindi ko alam pero lalo kaming nagiging malapit ni Matthew sa isa't isa. Minsan nakikita ko palang na siya ang nasa likod ng manibela napapangiti na ako. Confirmed na talagang gusto ko siya.
Ngayon tapos na ang klase ko. "Ate are you going home?"tanong ng isa sa mga kaklase ko.
"ah oo, hihintayin ko lang yung susundo sa akin."nginitian ko lang siya.
"Ate you should come and join us sometime, punta kami ng mall ngayon" ulit pa niya.
"Naku hindi na. May kaylangan pa akong gawin. Kayo nalang" ngumiti ako sa kanya tapos sabay alis niya. Hindi rin ako gaanong nakikipagkaibigan sa kanila dito dahil pakiramdam ko hindi ako kapantay ng antas nila. At parang wala rin naman ang may interes na kilalanin talaga ako.
Nasa entrance na ako ng university. At hinihintay ko nalang kung sino man ang susundo sa akin. Bigla nagring yung cellphone ko.
Sa caller id nakalagay
"Matthew"
Kaya sinagot ko agad.
"Hello?" Pagkapindot ko ng answer button.
"Hi love. I'm sorry hindi kita masusundo ngayon. I have some important business to finish here." Pagpapaliwanag niya sa kabilang linya.
"Naku. Ayos lang."
"Si manong jesse din hindi ka masusundo. I'm really sorry. Babawi nalang ako sayo."dagdag pa niya.
"Naku ayos lang naman. Magtataxi nalang ako." Sabi ko sa kanya.
"Love sorry talaga. Babawi talaga ako sayo. See you later. Okay?"
"Okay. Bye." Pagpapaalam ko sa kanya saka ko binaba yung tawag niya.
'Papaano ako uuwi ngayon?'
Naglakad lakad muna ako papalayo ng gate ng eskwelahan. Hanggang marating ko yung main road na maraming dumadaang sasakyan. Papara na sana ako ng taxi pero hindi ko tinuloy, medyo nagugutom na ako at malamang gagabihin na si Matthew umuwi kaya hindi na ako dapat magluto. Tumungin ako sa paligid ko para tignan kung anong merong kainan dun, ang nakita ko lang ay isang "Starbucks"na puno ng mga estudyante na galing sa eskwelahan namin kaya hindi na ako tumuloy dun.
'San kaya makapunta?' tanong ko sa sarili ko.
Naglakad lakad pa ako ng kaunti tapos may nakita akong jeep na may karatulang "SM North/ Trinoma" sa pagkakatanda ko mall yun dahil minsan na akong dinala ni Matthew dun tsaka mula dun marami ng taxi na dumadaan para makauwi ako. Kaya pinara ko na yung jeep at sumakay na.
Pagkarating sa Trinoma pumunta ako agad sa Jolibee. Dun nalang ako kakain para mas mura. Kahit na binibigyan ako ni Matthew ng allowance at ng sweldo itinatabi ko pa rin yun para naman hindi niya sabihin na napakagastos ko at isa pa malaki rin naman ang allowance na binibigay niya sa akin kada linggo. Direct deposit sa account na binukas niya para sa akin para hindi raw ako makatanggi.
Naupo ako sa malapit sa glass window nung jolibee pagkatapos kong umorder ng paburito kong jolly hotdog, french fries, may kasamang ice tea at peach mango pie. Solve na ako dito. Susubo na sana ako ng pagkain ko nung may kumatok sa bintana, isang napakapamilyar na mukha, isang napakayabang na mukha si Axel. Napasimangot ako nung nakita kong papasok siya sa restaurant at naupo sa lamesa kung nasan sana kakain akong mag-isa.
"Honey?!!" napakalakas ng boses ng kumag na toh. bakit niya ako tinatawag na honey? nakita kong pinagtinginan kami ng mga taong nasa paligid namin. May mga batang babae pa ngang tinitignan kami. Dahil sa totoo lang gwapo rin si Axel.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.