1

17.4K 299 14
                                    

Nakatulog pala ako. Naramdaman kong huminto ang bus na sinasakyan ko.

"Dito na po tayo, nasa terminal na tayo. paki sigurado lang po na kumpleto ang gamit ninyo bago bumaba. Maraming salamat po!"

Naku nasa terminal na pala ako. Kinuha ko na yung mga gamit ko at bumaba na ako ng bus.

"Nasan na ba si Romeo.?" sinabi ko naman sa kanya na parating na ako ng manila. Naghanap ako ng mauupuan. maitext nga sya.

to: Romeo 8:20am

nasan ka na? nandito na ako sa terminal.

message sent

wala pa rin syang reply. sige uupo muna ako dito.

"NADINE!!" malayo palang nakita ko na si romeo na Sumisigaw.

"ROMEO!" napatayo ako sa kinakaupuan ko.

"kanina ka pa ba naghihintay? pasensya kana ha? medyo natraffic ako papunta dito, wala naman akong load panreply sayo."

"Naku ayos lang noh, ang importante nandito kana. oh? san tayo pupunta?"

binuhat na ni Romeo yung maleta ko. 

"Tara ilagay muna natin ito sa inuupahan ko, mamayang hapon pa daw natin makakausap yung employer eh."

"ah ganun ba? pero teka, wala ka pang sinasabi sa akin tungkol sa trabaho na yun. ano bang trabaho yun?"

"ah- eh-- hindi ko rin alam yung eksaktong trabaho, pero ang sabi naman nung kaibigan ko ok yung magiging trabaho."

"sigurado ka ah.. legal ba yan? naku nakakatakot ah."

"ano ka ba naman? ipapahamak ba naman kita." 

Sumakay kami ng tricycle.

"wala ka bang pasok ngayon Romeo?"

"nagpaalam ako ngayon na hindi ako makakapasok,"

"hanga ako sayo Romeo, atleast ngayon naging accountant kana. natapos mo pa rin yung course mo."

"mabait lang talaga yung napasukan ko dati at gusto nila akong mapagtapos, kaya ito sa kanila pa rin ako nagtatrabaho para mabayaran ko yung pinagpa-aral nila sa akin"

nakarating kami sa apartment nya. binuhat nya yung maleta ko. 

"pagpasensyahan mo na itong lugar ko, ngayon lang naman. mamayang gabi hindi ka na rin naman dito tutuloy"

"ah. ikaw lang ba mag-isa dito sa bahay?"

"hindi. nandito rin nakatira yung girlfriend ko. malapit na kasi kaming magpakasal."

"ay talaga romeo? hindi mo man lang sa akin sinabi na may girlfriend ka na pala. Congratulations ha? invited ba ako sa kasal?"

"oo naman! specially na nandito ka na sa Manila."

"andyan ba sya ngayon?"

"yung girlfriend ko? oo nandyan sya ngayon, gusto ka nyang makilala. dahil lagi kitang naikkwento sa kanya."

"ay talaga? hindi ako makapag-hintay na makilala sya."

pagkapanik namin sa kwarto nila, ang bango ng hangin amoy ulam. naramdaman ko tuloy na nagugutom ako.

"Tracy, nandtio na kami."

May babaeng lumabas sa kwarto. maputi at maganda. mahaba rin and buhok nya, mukhang alaga sa treatment.

"ayyy!!! nandito kana.... i heard so much about you...kamusta ang byahe mo?" tumakbo sya payakap sa akin. nagulat ako sa ginawa nya.

"ayos lang naman yung byahe ko. nakatulog ako kanina sa byahe."

"naku sigurado pagod ka, tara nagluto ako ng pagkain. kumain ka muna. pero ako nga pala si Tracy, fiance ni Romeo."

"nabanggit nga rin nya kanina nung papunta kami dito. congratulations sa inyong dalawa ha?"

"ay thank you. tara dito, kumain ka muna panigurado nagugutom ka na."

sinandukan nya ako ng kanin at fried chicken. nilagyan din nya ako ng soup. ang sarap ng amoy. lalo akong nagutom. inubos ko yung sinandok nya sa akin. ayan busog na ako. haay sarap.

"salamat tracy, ang sarap ng luto mo"

"naku thank you. gusto mo bang magpahinga muna? o gusto mong ipasyal ka namin ni romeo? hindi rin kasi ako pumasok ngayon para masamahan ka namin"

"naku wag na kayong mag-abala sa akin. ayos lang naman ako. alam nyo ba kung sinong magiging employer ko?"

"uhm--" hindi nakapagsalita si romeo, tumingin ako kay tracy.

"si Mr. Matthew Lee, isang big time ceo at business man. bachelor sya at isang napakapromenenteng tao lalo na sa business world"

business man, isang malaking tao. anong ibig niyang sabihin. anong kailangan nya sa isang tulad ko na hindi naman nakapagtapos.

"eh kung malaking tao pala sya bakit kaylangan nya ng isang tulad ko?"

"hindi ko alam, basta---" naputol ang sasabihin ni tracy dahil biglang nagsalita si Romeo

"pahinga ka muna. mamaya tawagin ka namin kapag ready na tayong pumunta sa kanya."

itinuro nya yung kwarto na may isang kama. 

"sige Nadine, mamaya nalang. tawagin mo lang kami kapag may kaylangan ka." sabi ni romeo.

parang hindi mapakali si romeo. hindi ko alam kung bakit. pero parang kakaiba sya.

"sige salamat Romeo, Tracy. Papahinga muna ako. mamaya nalan"

sinara ko yung pintuan ng kwarto at naupo ako sa kama. ano kaya ang kailangan ng isang matthew lee sa isang katulad ko na hindi nakapagtapos ng kolehiyo at isang taga probinsya.

nahiga ako at pinikit ko ang mata ko.

"salamat po at nakarating ako dito ng ligtas. salamat din sa naghihintay na trabaho para sa akin." sabi ko sa sarili ko. 

..........

Will You Be My Pretend Wife?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon