Sa loob ng envelope merong mga litrato ko nung graduation ko nung elementary, graduation ko nung high school, mga litrato ng magulang ko, mga litrato nila tita at Mara. May ilan ding litrato nung nagtatrababo pa ako sa isa sa department store, may ilang pang litrato na naglalakad ako.
"Bakit merong mga ganitong lkitrato ako." At tinignan ko pa kung anong meron sa loob ng envelope.
Police report tungkol sa mga magulang ko, tungkol sa akin. Birth certificate ko, ng mga magulang ko pati na mga death certificate nila. Ano ba ang mga ito. May mga binasa rin akong report na tungkol sa akin.
Nalala ko yung sinabi niya sa akin nung una kaming nagkita. Sinabi niya na pinaimbestigahan niya ako hindi ko akalain na ganito pala. Kailangan ko malaman bakit ganito at anu-ano pa ang alam niya sa akin. Inayos ko yung mga papel pati na yung mga litrato, ilalagay ko na sana sila ulit sa loob nung envelope nung may nalaglag na maliit na envelope. Pagkapulot ko, isa na namang envelope na may pangalan ko at ang address nila tiya sa probinsya.
Hindi naman siguro masama na buksan ko ito dahil nakapangalan sa akin.
Nakapetsa ito tatlong taon na.
at ito ang nakalagay sa sulat.
Dear Nadine,
Hi! hindi mo siguro ako kilala, Matthew Lee ang pangalan ko, Nalaman yung pangalan mo galing kay Romeo, Yung kababata mo galing diyan sa probinsiya. Nakita kasi kita noon nung napadalaw ako diyan sa inyo pero hindi ako nakakuha ng lakas ng loob para kausapin ka. Kaya sumulat nalang ako sayo. Sana maging magkaibigan tayo. Pagbalik ko diyan sana maipasyal moko. Sulatan mo rin sana ako para makilala pa kita ng husto.
from;
Matthew Lee
Teka lang....
3 years ago na ang sulat na ito.
Hindi ko nalaman ang kay Matthew ilang buwan palang ang nakakalipas.
Ano ang mga ito?
Kaylangan kong tanungin si Matthew tungkol dito. Kaya mabilis kong inilagay sa envelope ang sulat sa envelope at kinuha ang lahat. saka isinara ko ang pintuan ng opisina ni Matthew.
'Matagal na pala akong kilala ni Matthew?''
'Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya?
'Sino ba si Matthew Lee?'
'Pinlano ba lahat ni Matthew ito?'
'Stalker ko ba siya?'
Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko at nag-umpisa akong kabahan.
Mamaya tatanungin ko kay Matthew ang lahat ng ito.
Natapos ang araw na yun na paulit ulit kong binabasa ang sulat ni Matthew para sa akin pero hindi ko maisip kung ano ba ang ibig sabihin nito. Tumigil lang ako nung nabalot ng dilim ang sala dahil naggabi na pala. Hindi ko rin tinignan ang cellphone ko kung may nagtext o may tumawag sa akin. Wala rin akong idea kung anong oras na. Naghintay lang ako na bumukas ang pintuan ng condominium na yun.
Makalipas ang ilang oras dumating na si Matthew. Pero hindi ako sumalubong sa kanya at hindi rin ako nagsalita.
"Love? bakit nakasara lahat ng ilaw at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa kanya."saka niya binuksan ang switch ng ilaw na malapit sa pintuan. Pero hindi ako nagsalita o nagpakita ng kahit anong emosyon nung ginawa niya yun.
"bakit hindi mo binuksan ang ilaw?" saka siya lumapit sa akin para halikan ako pero iniwasan ko. saka ko inihagis sa coffee table ang envelope na nakita ko sa opisina niya.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.