Nasisilaw ako sa araw. tumalikod ako pero ganun pa rin. kaya nagtalukbong ako ng kumot. Nangbigla kong maalala "Almusal" yun nalang ang nabanggit ko. Bigla akong napaupo sa kama at tinignan ko ang relo na nasa lamesa malapit sa kama na kinahihigaan ko.
"Naku lagot ako." alas otso na sa relo. Dali dali akong bumangot at tiniklop ang kumot ko at bahagyang inayos ang kama ko. Napatakbo ako sa banyo naghilamos at nagsipilyo. Lumabas ako kaagad sa kwarto pero napahinto ako ng maamoy ko na amoy kape.
"Amoy kape?" kinakausap ko ang sarili ko. dahan dahan akong lumiko para makita ko ang kusina at dining table. Nakaupo na sya sa lamesa may isang tasa sa tapat nya at may binabasa na syang dyaryo. Napakabango naman ng itsura nya halatang bagong ligo dahil basa pa yung buhok nya. Itinaas nya ang tingin nya sa direksyon ko at ngumiti.
"Good morning Love." Sabi nya sa akin.
"Good morning." sabi ko naman sa kanya.
"maupo ka na rito. alam ko na pagod ka pa mula kahapon at hindi ka pa nakakapag-adjust kaya ako na mismo ang nagprepare ng almusal natin." habang papalakad siya sa kusina.
Naupo na ako sa mesa, at pinanuod lang sya.
"Would you like coffee, tea or juice?" tanong nya sa akin.
"Juice nalang. Thank you." sagot ko sa kanya.
Pagkabalik nya sa dining area, may hawak na syang isang pinggan na may itlog, tinapay at sa kabilang kamay naman dala niya yung Juice.
"Here. Omellete and i toasted some bread. will that be okay?" nakangiting tanong nya sa akin.
"Salamat. Pero ikaw? anong kakainin mo?"
Ngumiti sya sa akin. "Don't worry, meron rin ako." Saka sya bumalik sa kusina. pero bumalik din agad sa mesa at naupo.
“uhm! salamat dito. diba dapat ako ang gumawa nito?” tanong ko sa kanya.
“dont worry about it today, bukas ka nalang magset ng pagkain natin.” sagot nya sa akin habang nakangiti.
Habang kumakain kami tinitignan ko siya. Mukha syang seryoso pero para parin syang bata habang kumakain.
“Ilang taon ka na pala?” tanong ko sa kanya.
natigilan siya sa pagkain at tinignan ako. “i’m 27 years old.” sagot nya sa tanong ko.
Grabe ang bata pa pala nya. 27 lang siya at ako naman 23, ilang taon lang pala ang tanda nya sa akin. Nakita ko syang nakatingin sa akin.
“tinitignan mo ang age difference nating 2?” ngumiti sya sa akin.
“uhm! hindi naman, ang bata mo pa pala, pero naging successful ka sa negosyo” sabi ko.
“oo nga eh, sa akin kasi naiwan ang ibang negosyo ng mga magulang ko, kaya nagsumikap ako na malagpasan kung ano ang natanggap ko.”
“Bakit? hindi ka pa ba kuntento sa mga natanggap mo?” Hindi ko na namalayan na sinabi ko na yun bago pa narealize yung mga sinabi ko. sira ulo ka talaga Nadine hindi ka nag-iisip. baka magalit sya.
pero nagulat ako sa naging reaksyon nya. hindi sya nagalit. tumatawa pa nga sya eh.
“pasensya kana ha? walang masama sa tinanong mo, natawa lang ako dahil sa reaksyon ng mukha mo, hindi ako galit. kaya ako nagsusumikap dahil ayaw kong mawala ang mga iniwan nila para sa akin. at gusto kong lagpasan kung ano man ang iniwan nila sa akin para meron akong sariling achievement.” sabi nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Pretend Wife?
RomanceIt all started as a strange proposal from a stranger. But what will be the ending for Nadine who never really look for anything.